Google
 

Nahuli ni Rose (Dina Bonnevie) sina Gillian at Andrew na sabay umuwi ng gabi. Kinausap ni Rose si Gillian at napaamin ito sa lakad nila sa disco. Nagalit ang ama ni Andrew.



At dahil napagalitan ng ama, nagalit din si Andrew sa pagamin ni Gillian. At nakita ni Patria (Rosanna Roces) ang pag-aaway ng dalawa, siyempre pa si Andrew ang kinampihan ni Partia at nagalit ito kay Gillian.



Naawa naman si Rose kay Gillian kaya bumawi ito at nagpasamang mag-shopping. Ibinili niya din ito ng bagong damit. Tutal gusto niyang magkaroon ng anak na babae, kunwari ay si Gillian iyon.




Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang awayan nila Gillian at Andrew.





Ang mga tunay na magulang naman ni Andrew ay hirap nang makuha ang loob ng binata, lalo na at naibibigay ng mga totoong magulang ni Gillian, ang kinagisnang magulang ni Andrew, ang mga gusto nito.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!