Google
 

Inamin na ni Ceding kay Moody ang totoo niyang pagkatao - na siya ang ina ni Noel. Ikinuwento niya kay Moody kung paano niya naging anak si Noel - na si Noel ay anak niya sa ama ni Ariston na dati niyang amo. Noong panahong iyon ay hindi magkaanak sila Noel at ang dati nitong asawa kaya bilang parusa sa kahihiyang inabot ng pamilya ni Ariston ay kinuha niya ito. Nagmakaawa naman si Ceding na pumasok bilang katulong sa kanila upang lagi niyang makasama si Noel.





Na-feature naman sa isang magazine ang love story nila Noel at Melanie. Maraming nakabasa nito, kasama na si Cynthia at Ronald.






Sinimulan na ni Ronald ang paghihiganti sa ginawa ni Melanie sa kanya at ang epekto nito sa kanilang pamilya. Nanghingi ng pera si Ronald kay Melanie at binigyan naman ito ng huli, ngunit sinabi nito na ito na ang huling pagbigay niya ng tulong kay Ronald.




Samantala nagpasya na si Ceding na umalis na lamang dahil hindi niya matatanggap ang maaaring mangyari kapag nalaman na ni Noel na siya ang tunay niyang ina.



May plano din si Cynthia laban kay Melanie, at tiyempong nagkatagpo sila sa grocery.


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!