Google
 

Walang Kapalit

Isang mahigpit na yakapan muna ang namagitan sa dalawang "magkapatid" bago sila tumulak sa kani-kanilang mga flights. Si Noel ay sa Australia at si Melanie naman ay sa US.

Sa US ay nagtrabaho si Melanie sa flowershop ng kanyang tita. Sa loob ng halos isang taon ay maraming nanligaw sa kanya, pinakamatagal ay si Athan(?) na 8 months nang nanliligaw. Nakilala niya ito sa isang grocery.





Dinalaw naman ni Bryan ang kanyang kapatid na si Cynthia sa hospital, at OK na si Cynthia. Ayaw na nga niyang lumabas dahil baka maalala lang niya ang mapapait niyang karanasan.



Ibinenta ni Ceding ang bahay nila Ariston at Agnes at ang napagbentahan ay pinaghati niya sa dalawang magkapatid. Lumipat sila ng bahay ni Moody, at sa paglilipat nila ay may nakitang lumang sulat itong si Ceding para kay Noel galing kay Ariston. Ipinadala niya ito kay Noel para mabasa niya.



Dalawang taon na ang lumilipas at ang psychologist ni Cynthia na si Dr. Victor ay nahulog na ang loob sa kanya. Isang date ang ihinanda ni Dr. Victor para makapagpropose siya kay Cynthia, ngunit tinanggihan siya ng dalaga.






Natanggap ni Noel ang sulat na ipinadala sa kanya ni Ceding. Balak niyang bumalik ng Pilipinas sa lalong madaling panahon. Ano kaya ang nakasulat? Abangan...


0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!