Google
 

Pupuntahan na nila Patria at Bernardo si Gillian sa ospital. Kailangang makausap ni Patria si Gillian kapag nagkamalay na ito upang sabihan na huwag sasabihin kay Rose ang totoong nangyari.

Grounded naman si Andrew dahil sa pagtakas nito. Binawi sa kanya ang ATM niya at kotse. Hindi pa din niya masabi sa ama ang totoong nangyari kay Gillian.


Nagalit naman si Andrew kay Bernardo dahil sa pagpapabaya nito kay Gillian. Labis namang nasaktan si Bernardo sa ginawang iyon ni Andrew.



Paglabas ng mag-ama ng ospital ay nakita nito si Patria. Kinausap nila ito tungkol sa nangyari kay Patria at kung bakit siya nakasuot ng damit pang-hostess. Nagpasama si Mike kay Patria sa bar kung saan diumano ay ipinasok ng among pinagsisilbihan ni Gillian.




Gumawa sila ng istorya upang pagtakpan ang pagbugaw ni Patria kay Gillian, ngunit sinabihan sila ni Andrew na mga sinungaling. Nagalit si Mike kay Andrew at itinanong kung may nalalaman ba siya sa nangyari kay Gillian. Ngunit hindi na ito naikwento ni Andrew.






Pumasok na si Patria sa kwarto ni Gillian kung saan nakabantay si Rose. Pinagsabihan ni Rose si Patria sa mga kapabayaan nito kay Gillian. Habang nag-uumiyak si Patria ay unti-unting nagkakamalay na si Gillian.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!