Google
 

Inuwi ni Miguel si Vanessa sa kanilang bahay. Si Vanessa ay muntik nang ma-rape dahil sa paghihintay kay Anton. Mabuti na lang at dumating si Miguel at nailigtas siya.


Kinabukasan ay nagpasya nang umuwi si Vanessa. Ngunit bago ito umuwi ay binigyan muna siya ni Melanie ng tseke pambayad sa ospital ng ama nila ni Ronald.



Binisita naman ni Dr. Victor, asawa ni Cynthia, si Noel sa site nito kasama ang kapatid ni Cynthia na si Brian. Nag-aalala si Dr. Victor sa mga ikinikilos ni Cynthia lalo pa at nalaman nitong kinuha ni Cynthia si Noel upang maging architect ng ipapatayo nilang bahay.




Nagalit naman si Vanessa kay Anton nang makita niya ito sa kanilang bahay.





Nalaman ni Ronald na may ibinigay na pera si Melanie kay Vanessa. May naisip itong maitim na plano... nauto niya ang kanyang ina upang tawagan si Melanie at papuntahin sa bahay nito upang magpasalamat kunwari.






Nagulat naman si Melanie nang makita si Cynthia sa opisina nila. Kay Cynthia niya nalaman na si Noel ang gagawa ng ipapatayo nitong bahay. Nagalit si Melanie dahil pinaglilihiman diumano siya ni Noel.








Kunwaring concern ay dinamayan ni Cynthia si Melanie sa galit nito kay Noel. I'm sure deep inside ay tuwang tuwa si Cynthia sa takbo ng mga pangyayari.








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!