Google
 

Hindi na talaga papipigil pa si Melanie sa pag-alis sa bahay nila Ronald.



Isa pang ayaw papigil ang lukaret na si Cynthia. Ayaw na siyang papasukin ng bahay ni Noel ay sige pa din siya.



At nagulat ang lahat sa mga pangyayari - nagulat sina Melanie sa pag-aaway nila Noel at Cynthia, at si Cynthia nagulat sa pagdating ni Melanie. Akala tuloy ni Cynthia ay isang malaking plano ang mga naganap upang muling tumira doon si Melanie. Si Melanie naman, dahil nga sa away nila ni Ronald, ay napagpasiyahang doon muna tumira sa bahay ng mga magulang nila ni Noel na kung saan ay tumutuloy ang mag-asawang Noel at Cynthia.



Lumipad patungong Australia si Noel nang hindi man lang nagpapaalam ng personal, nag-iwan lang ito ng isang sulat para kay Melanie. Aayusin niya ang divorce nila ni Cynthia. Sinabi din ni Noel sa sulat na mahal niya si Melanie.


Si Melanie din ay nag-aayos para sa annulment ng kasal nila ni Ronald.





Humingi ng tulong itong si Melanie sa kapatid ni Cynthia na si Bryan dahil muling lumalala ang bipolar disorder ni Cynthia.




Samantala sa hindi inaasahan ay nakapasok bilang waiter itong si Anton (Joem Bascon) sa restauran na mina-manage ni Miguel (Victor Basa). Si Anton ay ex-boyfriend ni Vanessa (Eda Nolan), si Vanessa naman ay may love-interest kay Miguel.





Ngunit wala din nagawa si Bryan sa kanyang kapatid. Gusto na niyang paalisin si Cynthia sa bahay nila Noel ngunit nagtangkang tumalon si Cynthia.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!