Google
 

Tuloy na tuloy na talaga ang pag-file ng annulment case ni Melanie laban kay Ronald. Nakarating na kay Ronald ang sulat mula sa RTC.




Nakarating na rin kay Cynthia ang divorce papers na nilakad ni Noel sa Australia. Pinunit ni Cynthia ang papel, ngunit alam ni Noel na maaaring gawin ito ni Cynthia kaya may isa pa siyang kopya. Walang nagawa si Cynthia dahil galit na din si Noel, at nagbantang sasampahan ng kaso kung hindi pipirma sa divorce papers.






Sinubukan naman makipag-settle ng abogado ni Melanie sa kampo nila Ronald upang hindi na humantong pa sa korte kung maaayos naman ang lahat. Ngunit tuloy ang laban para kina Ronald.






Sa korte, sa unang hearing, pinalabas ni Ronald na hindi siya ang nagkulang sa relasyon nilang mag-asawa ni Melanie, kungdi si Melanie, dahil may lalaki daw ito at walang iba kungdi si Noel.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!