Google
 

May balak si Victoria na gawing public ang stocks ng Florencia's. Gagawa sila ng dummy accounts at bibili ng shares upang maging kanila ang Florencia's. Ngunit medyo napigilan ito ng kapatid ng kanyang asawa.







Nag-aalala naman sina Alex at Andrew sa hindi pag-uwi ni Ysay dahil kinabukasan ay birthday na ni tsong Perry. Ni hindi nila makontak si Ysay dahil mahina ang signal at naubusan pa ito ng charge. Si Ysay man ay gustung gustong umuwi ngunit nagkaroon pala ng landslide sa kanilang dadaanan at nagkasakit pa itong si Mito kaya hindi sila makakaalis.




In short natuloy din ang birthday ni tsong Perry kahit wala si Ysay. Si Ysay naman ipinagsindi siya ng kandila ni Mito at ipinagdiwang nilang dalawa ang birthday ng tsong Perry ni Ysay.









At unti-unti nang nagkakahulugan ng loob ang dalawa.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!