Google
 

Hinimatay nga itong si Ysabella nung hindi siya nanalo sa contest.


At muntik na din itong himatayin nang makita si Andrew sa CR. Hindi kasi alam ni Ysay na naging border ni Alex itong si Andrew. Ayaw nitong patirahin si Andrew dahil dala na ito sa mga naging lalaki ng kanyang inang si Rosario. Baka daw pagnakawan sila o reypin o kung anu ano pa.




Lalong tumitindi ang pressure kina Georgia (Kat Alano) at Mito dahil sa humihinang ratings. Kailangan nila ng bagong format dahil alam nilang nagsasawa na ang mga manunuod sa kanilang style.


Siya si Jordan (Aldred Gatchalian), ang nakababatang kapatid ni Mito.




Nakakuha ng idea si Georgia sa nakita nitong episode kung saan si Ysay ay kandarapa sa paghuli sa palos.



Si Ysay naman ay humingi ng dispensa kay Andrew sa mga nasabi nito kay Alex, narinig kasi ni Andrew ang kanilang usapan.




Isa pang matinding problema ang kanilang haharapin dahil tatlong buwan na ay wala pa silang nahuhulog sa pinagsanglaan nila ng jeep. Kinukuha na ito ngayon, at si Alex ay nagwawala sa pagpigil na makuha ito mula sa kanila.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!