Google
 

Napanood ni Sophia si Mito sa TV. Biglang pumasok sa idea niya na kunin itong bago nilang chef.

Dahil nagkamalay na si Tsong Perry, happy na ulit sina Ysay. Ipinakilala niya na rin si Mito bilang boyfriend niya. Tuwang tuwa naman ang kanyang Tiya Trinidad, ngunit nasaktan naman si Andrew.





Samantala, ang magiging asawa pala ni Sophia ay isang spy ni Victoria. Sinabi niya kay Victoria ang balak nitong pagkuha kay Mito bilang bagong chef. Kaya ang plano ni Victoria ay unahan si Sophia.



Napansin ni Ysay ang pananamlay ni Andrew. Hindi naman sinabi ni Andrew ang tunay na dahilan bagkus ay umalis ito ay nag-inom. Sa sobrang kalasingan nito ay nagpasimula pa siya ng away ngunit nabugbog naman siya.


Nabalitaan naman ni Victoria ang nangyari kaya agad nitong ipinauwi si Andrew sa kanilang bahay.



Nagkaroon sila ng pagtatalo dahil sa hinahanap na pagmamahal ni Andrew mula sa kanyang ina. Si Victoria naman ay nagmamatigas pa din, ngunit deep inside ay mahal niya si Andrew.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!