Nagkita sa hindi inaasahang pagkakataon sina Cynthia at Melanie sa isang grocery. Paglabas, hindi inaasahan ni Cynthia na makikita din niya si Noel. Ipinaalam na niya sa dalawa na kasal na siya at niyaya niya ang dalawa na magdinner sa kanila. Nung una ay ayaw pa nila Melanie, ngunit para nga matapos na ang nakaraan nila ay pumayag na si Noel at walang nagawa si Melanie. Mukhang may binabalak itong si Cynthia.
Lumayas nga si Ceding ngunit sa pakikipagusap sa isang pari ay naliwanagan siya at bumalik kina Noel. Muntik na ngang madulas itong si Moody dahil nape-pressure na siya sa paghahanap ng dalawa kay Ceding. Buti na lang at tiyempong dumating si Ceding, ngunit hindi pa din nito inamin na siya ang tunay na ina ni Noel.
Si Ronald naman ay hinuhuthutan na itong si Melanie. Ang nirarason naman nito ngayon ay may cancer ang kanyang ina at kailangang ma-chemo therapy. At dahil nalugmok ang kanilang negosyo sa paghihiwalay nila ni Melanie ay wala silang matakbuhan. Bigyan kaya siya ni Melanie?
0 Comments:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)