Google
 

Mabigat na problema ang hinaharap ni Mito at ng kanyang manager dahil sa bumababang ratings ng kanilang show. Maaaring hindi na mag-air muli ang programa kapag patuloy pa ang pagbaba ng ratings.

Samantala lahat ay gagawin upang mapag-ipunan lamang ang perang gagastusin para sa pagpapagamot ni Perry. Si Trinidad pumila para makasali sa isang gameshow (Yeyehey yata ang binanggit niya) ngunit hindi siya pinalad na matawag.

Nasira naman si Rizal (jeep ni Alex) kaya kailangan niya itong ipagawa dahil ito lamang ang kanilang inaasahang siguradong magbibigay ng pera. Malaki ang gagastusin, at bilang pangkunsiderasyon ni Andrew, hindi na kailangang bayaran lahat ni Alex ang magagastos sa pagpapagawa ng jeep kapalit ng matitirhan niya.



At itong si Ysabella, hindi na nakaabot sa weekly finals dahil hindi siya napili ng mga judges.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!