Google
 

Sa pangatlong hearing, kinontra ng abogado ni Ronald ang nakaraang pinasabog ni Melanie tungkol sa pagkakalaglag ng kanilang anak. Tinanong ng abogado ni Ronald kung noong nagbubuntis si Melanie at sinabi ng doktor na maselan ang kanyang pagbubuntis ay pinigilan siya ni Ronald na magtrabaho. Umoo si Melanie.







Medyo tumatagilid ang depensa ng kampo ni Melanie kaya kailangan nila ng solid proof na maaari nilang ipakita sa korte. Kailangan ni Melanie na makuha ang video ng sex scandal ni Ronald at Cynthia.

Kaya nagpatulong ito kay Vanessa, ang kapatid ni Ronald, upang hanapin ang sex video sa kwarto ni Ronald. Nang mga oras na iyon ay lumusob si Cynthia upang guluhin si Ronald sa bahay nito. Nang walang lumalabas ay binato ni Cynthia ang bahay, at may nabato ito na nagpasimula ng sunog. Lumaki ang sunog at na-trap sina Melanie at Vanessa sa kwarto ni Ronald.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!