Google
 

Naitulak ni Andrew si Gillian sa pool. Ito palang si Gillian ay hindi marunong lumangoy kaya halos malunod ito, ngunit sinagip naman siya ni Andrew. Saglit na nawalan ng malay si Gillian, tangkang ire-resuscitate ni Andrew si Gillian nang bigla itong magkamalay. Nagalit sa kanya si Gillian, ngunit itong si Andrew ay biglang may naramdamang kakaiba para kay Gillian.



Bilang peace offering ay ibinili ni Andrew si Gillian ng isang stuffed toy. Ngunit nahiya itong ibigay ng personal kaya iniwan na lang niya ito sa labas ng bahay nila Gillian. Ang masama nito, akala ni Gillian ay kay Mark galing ang stuffed toy.



Samantala ay napagbintangan ni Patria si Gillian na nagnakaw ng pera. Lalo pang tumibay ang hinala ni Patria dahil sa bagong stuffed toy ni Gillian. Sinabi ni Gillian na bigay ito ni Mark, na pinuntahan naman nila Patria sa bahay upang malaman ang totoo. Pero dahil hindi nga si Mark ang nagbigay ng stuffed toy ay itinanggi niya ito. Kaya bugbog sarado si Gillian paguwi nila ng bahay.

Napansin ni Rose ang mga pasa si Gillian kaya kinausap nito si Patria ngunit pinagsabihan ni Patria si Rose na sa pag-disiplina daw sa kanyang anak, siya ang amo at hindi si Rose.




Habang tumatagal ay lalong nagiging mainit ang love triangle nila Gillian, Mark at Andrew.



Bugbog sarado na naman si Gillian dahil napagbintangan na naman ito ng kanyang ina na nagnakaw ng alahas na ibebenta sana niya.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!