Google
 

Dahil sa ginawa ni Victoria ay iniiwasan na ni Jordan si Lima, na labis naman ikinalulungkot ng dalaga. Mukhang nagugustuhan na ni Lima si Jordan.


Naayos na ang owner ni kapitan at maayos na din ang kanilang mga dadaanan kaya makakauwi na sina Ysay at Mito. Nalungkot si Mito dahil mapuputol na ang maliligayang araw niya kapiling si Ysay.


Sinalubong nila Alex at Andrew si Ysay sa airport. Siyempre pa tuwang tuwa si Ysay at Alex sa muli nilang pagkikita. Ang hindi naman natuwa ay si Georgia at si Andrew dahil sa kagulat gulat na ginawa ni Mito kay Ysay. Hinawakan ni Mito ang kamay ni Ysay at saka hinalikan sa pisngi. Maging si Ysay ay nagulat sa ginawang iyon ni Mito.






At hindi kumpleto ang pag-balik ni Ysay sa Manila kung hindi niya dadalawin ang kanyang tsong Perry.



Samantala namatay na ang lolo nila Andrew at Lima. At habang namamatay ang matanda ay abala naman ang mga anak nito sa pagtalakay ng kanilang mga mamanahin. Nagkaroon ng konting pagbabago sa last will ng matanda at isa dito ay kung sino ang magmamay-ari ng Florencias. Confident si Victoria na sa kanya ito ipamamana, ngunit nagkamali siya. Hindi sa kanya ibinigay bagkus ay kay Sofia.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!