Google
 

Spy - Ysabella

Isinagawa na nga ni Georgia ang kanyang maitim na balak. Ipinatawag niya si Ysay upang sabihing magkakaroon na siya ng sariling show dahil sa malakas na hatak nito sa audience. Ngunit ng sinabi ni Georgia na solo show ito ni Ysay ay ayaw itong tanggapin ng huli dahil ang show ang tanging maipagmamalaki ni Mito sa kanyang ama. Binalaan siya ni Georgia na siya ay under contract at hindi maaaring tumanggi.



Samantala may inutusan ni Victoria upang manmanan ang bawat kilos ni Andrew.





Isang reach-out para sa mga nasalanta ng bagyo ang isinagawa ng network nila Mito sa pakikipagtulungan ng ibang volunteers. Napapansin ni Mito ang pananamlay ni Ysay, ngunit hindi sinabi ni Ysay ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Georgia.

Hindi inaasahan nila Jordan at Lima na magkikita sila sa reach-out na iyon. Dito ay inamin na ni Lima na mahal na niya si Jordan.







Ipinakilala ni Jordan sa kanyang kapatid na si Mito si Lima. Nakilala ni Jordan si Lima, na siya ang dalagang anak ni Victoria Amarillo.



Nalaman ni Victoria ang tungkol sa pagbili ni Andrew ng lupain sa Nueva Ecija at ang tungkol kay Ysay. Isang plano na naman ang kanyang binabalak upang mapaghigantihan ang sakit na diumano ay ibinigay nila kay Andrew.



0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!