Google
 

Hindi na maikakaila ang matamis na pagmamahalan ng dalawang sikat na cooks na sina Mito at Ysay. Labis namang nasasaktan dito si Georgia na hanggang ngayon ay mahal pa din si Mito.








Sinubukan siyang kausapin ni Ysay ngunit binalewala lang niya ito.



Dahil dito ay pinuntahan ni Georgia ang kanyang ama upang ibigay ang kanyang resignation at maipatanggal si Ysay sa network. Pero nag-suggest ang kanyang ama na si Mito ang tanggalin dahil si Ysay ang nagdadala ng ratings.



Nagkausap na sina Mito at Sophia tungkol sa job offer na maging chef sa Florencia's. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang dumating si Victoria at nagbanta kay Mito. Huwag daw niyang tanggapin ang offer ng Florencia's kungdi ay pababagsakin siya ni Victoria.














Pinag-iisipan pa lang nila Mito ang offer nang sa pag-uwi ng kanyang ama ay sinigawan siya at sinabihan na huwag tanggapin ang offer ng Florencia's. Malakas ang kapit ni Victoria, kahit sa law firm ng ama ni Mito ay may koneksyon siya.




Samantala ay itinuloy ni Alex ang kanyang Open Mic Night. Hinihintay niya sina Ysay ngunit hindi sila nakarating dahil nga sa problema ni Mito. Kaya ang nangyari ay nawalan ng confidence si Alex at hindi naging maganda ang performance nito.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!