Google
 

Personal na pinuntahan ni Mito si Ysay upang alukin bilang co-host sa pagre-reformat ng kanilang show. Niyaya niya si Ysay upang makipagusap, nung una ay dinala ni Mito si Ysay sa Florencia's upang doon pag-usapan ang tungkol sa programa, ngunit hindi pumayag si Ysay, sa halip, si Ysay ang nagsabi kung saan sila mag-uusap. Nag-usap sila sa loob ng isang tumatakbong kalesa.







Samantala, itong si Jordan (Aldred Gatchalian) ay isang aktibista, at type na type nito si Lima Amarillo (Valeen Montenegro), anak ni Victoria. Biglang may dumating na mga pulis, nadamay itong si Lima at kasama sa mga dinampot na grupo ni Jordan.






Sa first day ng taping ni Ysay ay late ito, kaya nasabon pa ito ni Mito bago sila magsimulang magtaping.




Kabadong kabado itong si Ysay, at nang nasa tabi na ni Mito at nasa harap ng camera, ay inatake ito ng nerbyos at nasuka ito - kay Mito mismo!







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!