Google
 

Nagtatampo si Andrew kay Ysay dahil sa mas inuna pa nito ang pakikipagdate kay Mito kaysa sa dapat ay lakad nila sa bar kung saan isasali ni Andrew si Alex sa open mic night. Bilang pampalubag loob ay niyaya na lang ni Ysay si Andrew na kumain minsan sa labas ulit.


Inamin na ni Georgia kay Ysay na mahal pa din nito si Mito, at humihingi siya ng tulong sa kanya. Si Ysay naman, dahil mahal na din niya si Mito, ay nahihirapan magdesisyon dahil gusto niyang tumanaw ng utang na loob sa mga kabutihang nagawa sa kanya ni Georgia.





Sa mga Amarillo naman, kinukuhang bridesmaid ni Sophia sa kasal nila si Lima. Niyaya na din nito si Victoria kahit na nagkaroon sila ng problema sa Florencia's. After all naman daw ay part pa rin si Victoria sa family.


Dahil sa pagtanaw ng utang na loob kay Georgia ay minabuti ni Ysay na hindi pumunta sa date niya kay Mito. At dahil lito sa sarili ay nalimutan nito ang promise na pagkain sa labas kay Andrew, na naghintay ng matagal sa pagkikitaan dapat nila. Pag-uwi ni Andrew ay nagalit ito kay Ysay. Ang hindi nila inaasahan ay ang pagdalaw ni Mito sa kanilang bahay dahil sa hindi pagpunta ni Ysay (na nagdahilan kay Mito na may sakit siya).










0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!