Google
 

Mahiyain pala itong si Ejay. Dahil nanalo ito sa Calamansi Eating contest, isang tropical treat ang prize ni Ejay - fresh buko. Dahil marunong magbukas ng buko, si Ejay mismo ang nagtabas ng dulo nito para magkaroon ng butas. Dalawa ang buko, isa para kay Ejay at isa para sa isang special girl teen housemate na pipiliin ni Ejay. At ang binigyan ni Ejay ay si Valerie.


Natapos din ang weekly task ng two-in-one housemate na sina Robi at Josef. Isa-isang tinanong ni Kuya ang mga housemate kung sa tingin nila ay totoong mag-best buds sina Robi at Josef. Maliban sa ilan na may kaunting duda, halos lahat ay naniniwalang totoong mag-best friend ang dalawa, maliban sa isa - si Jieriel (pansinin na wala si Valerie sa mga tinanong ni kuya. Bakit kaya?).









Kaya hindi kumbinsido si Jieriel ay dahil naitanong nito minsan kung may kasama sina Robi at Josef sa controversial (at fabricated) trip nilang dalawa. Nasabi noon ni Josef na family ang kasama nila. Pero nitong huli na muling tinanong ni Jieriel ang magbest friends, sinabi ni Josef na wala silang ibang kasama. Kaya nagduda si Jieriel na maaaring kunwari lang ang pagiging best friends ng dalawa.




0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!