Google
 

Hindi na maikakaila ang pagmamahalan ng dalawang minsan nang pinaghiwalay ng tadhana. Masaya man silang dalawa sa islang iyon ay hindi sila maaaring magtagal doon dahil alam ni Noah na sila ay pinaghahahanap ngayon.


Nababahala naman si Lady Elle sa pagkawala ng kanyang personal assistant at "huling bantay" na si Lyka. At ayon kay Manolo ay hindi lamang si Lyka ang hindi pumapasok kungdi pati ang personal bodyguard ni Lady Elle na si Noah. Naghihinala si Manolo na maaaring magkasama ang dalawa, pero hindi ganoong tipong babae diumano si Lyka ayon kay Lady Elle.

Samantala muntik nang magkita sina Clara at Nessa sa simbahan. Nararamdaman ni Nessa ang presensya ni Clara ngunit hindi pa itinadhana na sila ay magkita.








0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!