Google
 

Nakakahalata na sina Manolo at Lady Elle kina Noah at Gaby. Gumawa sila ng research at nalaman na active pa rin sa duty si Noah at hindi tinanggal katulad ng sinabi ni Noah noon, at si Gaby naman ay kasamahan din ni Noah. Maaaring minamatyagan na sila.


Samantala, natunton na ni Gaby ang kinaroroonan ni Noah. Babarilin na sana ni Gaby si Noah, pero may pumigil sa kanya, ang baliw na kasama ni Father Ben. Kaya nagkaroon ng pagkakataong makatakas si Noah.



Samantala, sa isang hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa pagsunod ni Noah sa isang inaakala niyang si Lyka, natagpuan niya si Nessa sa isang malapit na ospital.

Sinabi ng doktor na tinurukan si Nessa ng pampakalma na ginagamit sa mga hayop. Mataas ang dosage na itinurok kay Nessa, at himala diumano na nabuhay pa siya. Ngunit kailangang humupa ang gamot na naiturok kay Nessa bago ito bumalik sa normal.
Pero nang makakita si Noah ng pagkakataon ay itinakas niya si Nessa. Hinabol nito ang bus, pero paalis na ito. Sumigaw siya ng malakas, at may nakarinig sa kanya. Si Lyka!







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!