Google
 

Unang pagkikita ng ating mga teen housemates. Paano kaya sila makakapag-adjust sa isa't isa? Paano kaya si Priscilla, na isang bingi? Maririnig kaya niya ang mga utos ni kuya gayong hindi naman niya nakikita ang pagbuka ng labi nito? Watch as the teens tries to acquaint themselves, at ang mga kakulitan nila Kevin at Alex. Iba talaga ang orientation ng mga teens abroad.


Samantala, isang special task ang ipinagawa ni Big Brother sa dalawang cute na teens from Ateneo and La Salle. Magpapanggap sina Robi at Josef na matagal nang magbest-friends (BBF - Best Buds Forever). Kailangang hindi makahalata ang mga kasama nilang teen housemates na nagpapanggap lang silang close, dahil weekly budget nila ang nakataya. Pero in fairness parang sweet na sila, don't you think? Kakakilig!


"Pare, pa-kiss naman oh..." - ahihi!
"Dyahe dude nakita yata nila ang sweet moments natin..." - ahihi ulit!
Joke lang ang mga dialogue. Habang nasa sala ang dalawa ay nagsimula na ang pag-convince nila sa mga kasamahan nila na best buds sila. Pinatugtog pa ni kuya ang "theme song" ng kanilang friendship, with matching moves pa. Awww, ang cute nila...


Samantala, ipinatawag ni Big Brother si Priscilla sa confession room. Pero nagpatawag pa ng isa si Kuya, si Beauty, upang maging "labi" ni kuya pansamantala. Ang mga sasabihin ni Kuya ay bibigkasing muli ni Beauty, para makita ni Priscilla ang buka ng bibig ni Beauty at makuha ang message ni Big Brother.
Isang special privilege ang matatanggap ni Priscilla, siya lamang ang makakakita ng labi ni Big Brother! Upang maintindihan ni Priscilla ang message na ibibigay ni Big Brother, ipapakita ni Kuya ang kanyang labi sa LCD screen na nasa harap ni Priscilla.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!