Google
 

Dahil nakikipagsabwatan diumano si Giancarlo kay Fabio, iniutos ni Alessandro kay Sylvia na patayin si Giancarlo. Nanganganib daw ang Neptune dahil sa ginagawang iyon ni Giancarlo. Pero nais munang kausapin ni Sylvia si Ninong dahil ibig niyang makasigurado na tama ang ipinaguutos ni Alessandro.


Tumulak na ang ibang agents sa Macau upang makuha ang password ng microchip na naka-tatoo malapit sa maselang bahagi ng isang European Princess na si Lady Simona (Riza Santos).


Ngunit maraming naging palpak sa misyon nilang iyon. Isa na dito ay ang pag-gamit ng cameras, ngunit hindi nakukuhanan ng litrato ang buong password.

Nabuking din ang cover ni Agent Enzo dahil nagkaroon ng emergency at kailangan ng doktor. Inamin ni Enzo sa mga naroroon na hindi siya totoong doktor, bagay na ikinaalarma ng mga gwardya ni Princess Simona.







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!