Google
 

Huwag nang bibitiw dahil malapit na ang wakas ng teleseryeng ito. Maraming rebelasyon ang inyong matutunghayan tulad ng kung sino talaga ang pumatay kay Monique, kung magkakatuluyang muli sina Jackie at Eli, kung makakalaya na si Mateo, at kung magkakatuluyan sina Onay at JB.


Sa kagustuhan ni Corazon na mapalapit ng husto ang kalooban ni JB kay Onay, pinayuhan ni Corazon si Onay na kung gusto nitong mabihag ang puso ni JB ay kailangang kumilos siya katulad ni Celine, dahil si Celine lamang ang talagang gusto ni JB. Pinagbihis ni Corazon si Onay ng seksing kasuotan katulad ng mga sinusuot ni Celine, pero hindi ito umubra kay JB. Sa katunayan ay nagalit pa ito.


Gusto namang ipabuksang muli ni Mateo ang kaso dahil sa kanyang mga napapanaginipan. Naalala niya na nang gabing mamatay si Monique ay natatandaan niyang may isa pang tao silang kasama.
Samantala isang misteryosong text naman ang natanggap ni Jackie at gusto itong makausap. Pinapapunta siya sa isang lugar upang doon magkita.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!