Google
 

Sinabihan ni Gaby si Lyka na tawagan siya kapag nakita o kasama niya si Noah. Sinabi ni Gaby na tanging si Lyka lamang ang makakapigil sa mga tauhan niya na patayin si Noah. Higit na masama ang mangyayari kay Noah kung hindi makikipagtulungan si Lyka, kaya naman nang minsang magkasama sila ni Noah ay sinubukan niyang tawagan si Gaby, pero hindi ito tinuloy ni Lyka.


Sa muling pagbilog ng buwan, muling inatake si Lyka ng kanyang pagpapalit anyo. Nasa tabi niya si Nessa, at marahil dahil sa panaghoy ng anak, o sa pagbilog ng buwan, ay muling bumalik ang malay ni Nessa.




Pagkakita ni Nessa sa naghihirap na anak, kaagad siyang lumapit dito at binigyan ng napakahigpit na yakap. Sa wakas ay magkasama nang muli ang mag-inang taong lobo.






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!