Google
 

Dahil sa sleeping violations ni Baron, pinarusahan ni kuya ang 2-in-1 housemate na Geisler brothers. Sa labas lamang sila dapat mag-stay, at kapag papasok sila upang gumamit ng CR, kailangang buhatin ni Donald si Baron papuntang CR at pabalik. Kailangang dala din nila ang bangko kahit saan sila pumunta, dahil sa bangko lamang maaaring pumuwesto si Baron.




Ngunit sadyang pasaway itong si Baron at may mga pagkakataong hindi niya bitbit ang bangko, at hindi siya sa bangko natutulog na ipinag-utos ni kuya.



Kaya naman nang muling ipinatawag ni kuya ang Geisler brothers ay si Baron na lamang ang kanyang pinarusahan. Sa halip na bangko, isang papag ipinalit ni kuya. At dahil ayaw naman ni Baron ng nakahiga, bubuhatin niya lagi ang bangko.


Samantala, maari kayang humatong ang triangle na ito nila Will, Riza at Ethel sa isang hindi pagkakaunawaan?











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!