Google
 

Natapos na nga ang 24 hour deadline ni kuya sa pagitan ng mga Geisler brothers. Kailangan na nilang mamili kung sino sa kanila ang babalik sa loob ng bahay ni kuya. Pero tinulungan sila ni kuya sa pagdesisyon.




Pinapili ni kuya sina Baron kung alin sa mga sumusunod ang sa tingin nila ay makakatulong sa kanila sa pagdesisyon - Alak at yosi, phonecall, or isang videotape na naglalaman ng kung ano ang tingin sa kanila ng mga housemates. Ang pinili ni Donald ay ang phonecall, samantalang si Baron ay ang yosi.



Binigyan din sila ni kuya ng 100 second encounter with their mom na nagcelebrate ng birthday nung isang araw.


Si Baron ang pinapili ni kuya kung sino sa kanila ang mananatili sa loob ng bahay, at ang desisyon niya - si Donald ang babalik sa loob ng bahay. At bilang panibagong twist, bibigyan ni kuya ang mga manunuod kung gugustuhin nilang muling bumalik si Baron sa loob ng bahay. 24 hours ang palugit ni kuya para sa mga texts. Bukas malalaman natin kung babalik pa nga si Baron o lalabas na siya sa outside world.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!