Google
 

Mukhang may malaking problema sa disiplina itong si Baron. Dahil sa paghaharot nito kay Ethel ay aksidenteng bumagsak siya at tinamaan ng paa niya ang paa ng center table sa sala.



Aray, masakit yan. Hindi ipinakita sa primetime ang sugat na tinamo ni Baron, pero kahapon ng tanghali pa ito nangyari (October 31) at sa Studio 23 livestream ay ipinakita na nagdurugo ang sakong ni Baron.



Ginawan na lang ng remedyo ni kuya Donnie ang nabasag na salaming paa upang hindi ito makasugat, ngunit agad din namang pinatanggal ni Big Brother ang center table. Ano ang naging kaparusahan ni kuya sa nangyaring aksidente?


Samantala, sa dami ng nagagawang hindi maganda nitong si Baron ay nagkaroon ng open forum ang mga housemates, upang mailabas na din ang sama ng loob sa isa't isa.



Binigyan ni kuya ang mga celebrity housemates ng isang Black Party (Courtesy of Clear) hosted by Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Simpleng party lamang ito na may kasamang Truth-or-Consequence. Sa party na ito, may pinag-uusapang tao itong sina Ethel at Mariel. Sino kaya iyon? Clue: Nasa background siya.












0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!