Google
 

Pinagalitan ni kuya ang mga celebrity housemates dahil sa mga naging violations ng ilan sa kanila, partikular kina Victor at Mcoy na hindi gumamit ng plastic stirrer sa paghalo ng kanilang beverage.



Ngunit hindi lamang iyon kaya sila ipinatawag ni kuya. Ang isa pang dahilan ay dahil sa pagbalewala ng mga celebrity housemates sa kanilang grooming at hygiene. Naapektuhan naman dito si Ethel dahil para daw sa kanya ay ipinapakita lang naman niya (o nila) ang totoong pagkatao nila, kung ganoon daw silang manamit sa loob ng bahay ni kuya ay dahil yun ang totoong sila.



At dahil dito ay nagpasyang lumayas ni Ethel palabas ng bahay ni kuya. At may time pa siyang mag-ayos bago lumayas, take note...



Ngunit ayaw naman siyang pagbuksan ng pinto ni kuya palabas (syempre). Kaya naman bilang panakot, isang razor ang hawak nito at parang pinaglalaruan sa kanyang kamay na animo ay maglalaslas.



Nabahala naman si kuya sa ikinikilos ni Ethel kaya ipinatawag niya si Mcoy upang bantayan si Ethel. Kaya ang mga boys, lumabas upang i-console si Ethel at kumbinsihin na kausapin si kuya, at hindi naman nasayang ang kanilang effort.


Pero bago pa man pumasok ng bahay ay ikinuwento ni Ethel ang plano nito kung sakaling hindi talaga siya palalabasin ni kuya. Pagkakita ni Will sa labaha ni Ethel ay nakipag-agawan siya dito, at nakuha naman niya.


Sinamahan ng mga housemates si Ethel sa confession room, ngunit ang usapang iyon daw ay para sa kanilang dalawa lang ni Ethel kaya naiwan si Ethel mag-isa sa confession room. Dito na nag-usap ng masinsinan si kuya at si Ethel.











1 Comment:

  1. Anonymous said...
    Thank you so much for uploading these episodes. I can't thank you enough. :) God bless!

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!