Google
 

Pasaway ang ating mga housemates! Lahat sila ay may nagawang violations at binigyan sila ni Big Brother ng mga kaukulang parusa.



Ang mga hindi gumamit ng stirrer na sina Mcoy at Victor ay ginawang human stirrers. Sasayaw sila kapag narinig na pinapatugtog ang "Iyugyog mo" ni Willie Revillame.


Ang mga housemates lahat may violations sa paggamit ng lapel microphones kaya naman isang kadena ang ipinasuot sa kanila ni kuya upang maalala na laging ikabit ang kanilang lapel mics.




Tinanggal naman ni kuya ang parusang papag kay Baron.


At dahil hindi nabantayan ng husto ni Riza si Baron na siyang ipinaguutos sa kanya ni kuya, kailangang magmartsa lagi ni Riza anuman ang gawin nito, at ang boses nito ay dapat laging nagko-command.



At bago pa man matapos ang parusa sa kanya ay pinag-military crawl siya ni kuya sa buong bahay.




Kay Ethel naman, dahil sa violations nito sa paggamit ng lapel, pagbulong at act of violence, ay ibinalik ni kuya sa pagkabata. Ginawang sanggol ni kuya si Ethel, at kailangang alagaan siya ng kanyang daddy Will at mommy Riza.













1 Comment:

  1. Chrysanthemum said...
    galing! sobra.... salamat po sa updates mo.... hindi ko man mapanood ang primetime gabi-gabi at least meron namang Kapamilya Overload.... pero question lang po, ano po title nung song that they played (for Riza and Will) noong closing na? ang ganda po kase eh. please!!! thank you so much!

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!