Google
 

Non-stop na ito, matapos ang tanggalan kahapon ay nomination na ulit ng mga maaaring matanggal for next week. Pero may isang housemate na kailangang magdesisyon sa loob ng 24 oras kung mag-stay ba siya or aalis na ng bahay. Sino siya?



Per-batch ang tawag ni Toni sa mga celebrity housemates. Ang unang batch: sina Mcoy, Ruben, at ang 2-in-1 housemate na Geisler brothers. Obvious ba kung sino sa kanila ang nominated?


Abah, siyempre walang iba kungdi ang Geisler brothers thanks to Baron.



Sumunod na batch ang ating mga hunk models. Sa dalawang ito, ang nominated ay ang may mabahong sapatos (daw sabi ni Mariel) na si Victor Basa.



Third batch: Mariel, Jon and Ethel. Si Mariel ay houseguest kaya hindi siya maaaring ma-nominate. So dalawa na lang ang pagpipilian -


- really? Si Ethel ay isa sa mga nominated! Baket? Pasaway siguro...


May isa pang nominated na housemate. Sino ang kukumpleto sa tatlo (apat) na ito?


Para sa final batch: Yayo, Megan at Gaby, ang nominated dito ay ang siyang ni-nominate ng ating HOH for the week na si Riza. At ang kanyang napili ay si Gaby. Ngunit may upcoming international seminar pala itong si Gaby sa November 16-18, kaya pinapipili siya ni kuya, at kailangan niyang magdesisyon within 24 hours.











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!