Google
 

Ano nga kaya ang nangyari sa weekly task ng ating mga celebrity housemates? Matatandaang may nabasag na naman sila sa loob ng bahay ni kuya. Paano na ang kanilang napanalunang bet?



Dahil mahal ang chandelier na nasira nila (P45,000 lang naman), kulang pa ang weekly budget kasama na ang napanalunan nila para pambayad dito. Wala pa ang center table na nabasag ni Baron. Kaya isang napakahirap na task ang ipinagawa ni kuya kina Ruben, Will at sa Geisler brothers. Kailangang makabuo ng pyramid na mga baso sina Baron at Ruben sa wooden plank na binabalanse nila Will at Donald. Sina Baron at Ruben ay may suot na salbabida na hanggang leeg ang taas. 30 minutes lang ang time frame nila. Kapag hindi nila ito nagawa ay wala silang budget for the week.



Uy, nakabuo sila ng pyramid. Tatagal kaya? Kailangan kasi na tumayo ang pyramid sa loob ng 10 minutes.



Samantala, si Peggy, ang kanilang alagang baboy, ay manganganak na! Paano ang gagawin ng mga housemates?



At ang ating special celebrity houseguest ay may special task. Kukuhanan niya ng pictures ang housemates na may: 1) pinakamaruming kuko 2) pinakamagulong kabinet 3) pinakamaruming damit 4) pinakamabahong sapatos at 5) pinakapangit matulog. Sinu-sino ang mga nakuhanan ni Mariel?



Panuorin lahat sa mga videos na naririto:






0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!