Google
 

Labis na nasaktan si Riza dahil sa pagkakanominate sa kanya ng kanyang mga kapwa housemates, although hindi niya (at nilang lahat) na null and void ang nominasyong naganap dahil si Mariel ang aalis ngayong linggo. Ngunit may isang nominadong palalabasin daw si kuya bukas kaya abangan natin ang mga susunod na kaganapan.




Naguguluhan naman si Will sa sitwasyon nila ni Riza. Para kasing naging de-facto ang kanilang loveteam sa loob ng bahay, kaya ngayong umiiyak si Riza, naguguluhan siya kung kailangan bang i-console niya ito dahil mag-loveteam sila.


Samantala, dahil nga nominado si Ruben nitong nakaraang linggo ay pinapunta ang kanyang asawa dito sa Maynila kung sakali mang lalabas si Ruben, ngunit iniligtas siya ng taong bayan. Kaya naman para masulit ang paglipad ni Giselle (Asawa ni Ruben) mula pang Davao ay ipinagluto siya ni kuya ng paboritong adobo ni Ruben.


At dahil matagumpay sa mga love tasks na ipinagawa sa kanya ni kuya, isang 100 encounter ang ibinigay ni kuya kay Mariel. Ngunit hindi ipinakita kung sino ang kanyang ka-encounter (ang sabi sakin ng special someone ko ay si Zanjoe daw iyon). Ewan lang natin...











0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!