Google
 

Bago pa man tuluyang umalis si Mariel ng bahay ni kuya, may mga "love task" na ipinagawa sa kanya si kuya. Una, ang magpaturo kay Victor na mag-tap dance, ang magpaturo kay Mcoy ng tamang pagkanta at pagtugtog ng gitara, at ang magpaturo kay Donnie ng Taekwondo.



Matapos magpaturo sa mga nabanggit, isang talent show ang ginawa ni Mariel para sa kanyang mga co-housemates.








Samantala, kinausap ni kuya si Riza para sa isang importanteng bagay na may kaugnayan sa violation na ginawa nito tungkol sa nominasyon noong isang linggo. Mahigpit na ipinagbabawal ni kuya ang pag-uusap ng mga housemates tungkol sa kung sino ang gusto nilang i-nominate, o ang pag-usapan ang tungkol sa kung sino ang kanilang nai-nominate. Ito ang naging violation ni Riza dahil may sinabi siya kay Gaby na nakapag-impluwensya sa kanya upang inominate ito. Nang tanungin ni kuya ang eksaktong sinabi ni Riza kay Gaby, narito ang sinabi ni Riza:


"I got it in a dream... that I should nominate ate Gabs because I had like this strongest feeling that she was leaving for some reason I wasn't sure why, and that it would be OK to nominate her..."







0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!