Google
 

ABS-CBN's upcoming teleserye stars Gerald Anderson and Jake Cuenca, both as David Garcia Jr., and Kim Chiu as Julia. "Tayong Dalawa" is a story of two best friends whose fate seemed to be intertwined. Besides having the same name, they have the same father and a girl to fall for.

Watch the full trailer after the jump.



Read more of this article

ABS-CBN Philippines and Double Vision Malaysia's joint venture telenovela "Kahit Isang Saglit" has ended. The telenovela stars Jericho Rosales of the Philippines and Carmen Soo of Malaysia. The series was dedicated to its first director Direk Gilbert Guevarra Perez.








Read more of this article

A remake of the 1976 movie with almost the same title (Eva Fonda, 16) starred by Alma Moreno, "Eva Fonda" the TV series is top billed by Cristine Reyes as the main character, with Jason Abalos playing Joel.







Read more of this article

Our featured video is ABS-CBN's Christmas Station ID. This year's theme is "May Katuparan Ang Hiling Sa Kapamilyang Kapiling"

Video after the jump and at the Featured Video corner.



Read more of this article

Read the transcript of the final episode of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

May iniabot na sulat kay Raphael ang assistant niya… galing kay Catherine.

Mahal kita Raphael

Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Pero sa halip na pasayahin ka, wala akong binigay sa iyo kundi pasakit, kahit hindi ko sinasadya paulit-ulit kitang sinasaktan. Halos mawasak ang pangalan mo at nilagay ko sa panganib ang buhay mo. Hindi ako karapat-dapat sa iyo Raphael. Baka tama ang mama mo noon, “salot ako sa buhay mo”. Mahal na mahal kita Raphael. Pero hindi ako papayag na tuluyang mawasak ang buhay mo, kaya pakakawalan kita. I don’t deserve your love.

Goodbye Raphael



Nag-aalala naman si Louela kasi hindi nya makita sa buong bahay si Catherine. Tinawagan ni Louela si Raphael upang ipaalam na nawawala si Catherine.

Pumunta si Sofia sa dating bahay ni Lola Aura, pero hindi rin nya nakita doon si Catherine. May sulat na natagpuan si Sofia.

Dear Sofia,

Hindi na ako nakapag-paalam sa iyo, kaya hayaan mo na lang akong mag-goodbye sa sulat na ito. Naisip ko kasi kapag sinabi ko sa iyo ang gagawin ko… pipigilan mo ako, at hindi na ako makakaalis. Sofia, kailangan kong gawin ito. Madami akong nagawang pagkakamali, madami akong nasaktan, kaya kailangan ko munang lumayo para hanapin ang sarili ko. Para pagbayaran ang mga kasalanan ko. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik, pero lagi mo sanang tandaan ‘to… na kahit nasaan man ako, lagi kang nandito sa puso ko. Mahal kita Sofia.

Ate Catherine

Magkatulong na pinamamahalaan nina Louela at Sofia ang hacienda Amadesto. Sa pagdaan ng mga araw ay lalong tumamis ang pagmamahalan nina Sofia at Toby. Masaya si Louela para kina Toby at Sofia.
Sofia : Parang bulang nawala si ate Catherine sa buhay namin. Sinubukan namin syang hanapin pero hindi kami nagtagumpay. Kami na lang ni ate Louela ang naiwan sa hacienda. Nangako kaming dalawa na papalaguin namin uli ang Amadesto, tulad ng dati. Ito ang gusto ni ate Catherine. Ito ang gusto ni Lola Aura. Tuloy pa rin ang buhay namin. Maraming nangyari sa mga susunod na mga taon.

Si Scarlet muli ang namumuno sa Dela Rhea Foods, nakaagapay pa rin sa kanya si Winnie.

Sa kulungan ay malungkot namang naaalala ni Vernon ang anak niyang si Miguel.

Si Louela ay tila naman may natagpuang pag-ibig sa asyenda.

Miguel ang ipinangalan ni Scarlet sa bunsong anak nila ni Miguel.

Nag-iisa si Catherine. Mula sa likuran ay may narinig siyang pamilyar na tinig “Masaya ka ba?”. Paglingon niya ay nakita niya si Lola Aura. Umiiyak na niyakap ni Catherine ang kanyang Lola.
Lola Aura : Magaling ka na ba Catherine?
Catherine : Lola. Lola, alam nyo po marami po akong natutulungang tao. Marami akong napapasaya, tinuturuan kong mag-aral, magsulat… sinisikap kong mabuti na gumanda at mapabuti ang mga buhay nila.
Lola Aura : Pero Catherine, habang ginagawa mo ‘yan, napapabayaan mo ang sarili mo. Paano kang magiging maligaya kung may malaking puwang sa puso mo.
Catherine : Iisa lang ang makakapagpatibok ng puso ko Lola, pero hindi ako karapat-dapat para sa kanya.
Lola : Mahirap patawarin ang mga taong nakapanakit sa atin. Higit na mahirap patawarin ang ating mga sarili. Pero sana matutunan mong gawin yan, dahil sa paraang yan ka lamang maaaring lumigaya at mabuhay ng tahimik.
-Buong pagmamahal na niyakap muli ni Catherine ang kanyang Lola Aura, kapwa luhaan ang maglola.

Ginising si Catherine ng isang babaeng buntis. Nasa isang liblib na nayon si Catherine.
Babae : Catherine, nakatulog ka na. Mukhang pagod na pagod ka ah.
Catherine : Okay lang ho. Hindi naman masyado.
Babae : Mag-unat unat ka muna. Nag-iisip ka? Tungkol sa buhay mo? Matagal ka na naming kasama dito, pero ni minsan ay hindi ka pa nagkwento tungkol sa buhay mo noon.
Catherine : Ang buhay ko noon, wala namang kwenta… boring lang. Kailan na ho ba kayo manganganak? May naisip na ba kayong pangalan?
Babae : Wala pa nga eh. Ano bang paborito mong pangalan?
Catherine : (nakangiti) Madali lang ho ‘yon. Kung gusto mong lumaki ang anak nyo na mabuting tao at gwapo… Raphael ang ipangalan mo sa kanya.
Babae : (ngumiti) Raphael? Ay teka, meron nga palang nagpapahanap sa iyo.
Catherine : Sa akin?
-Itinuro ng babae ang naghahanap kay Catherine. Nagulat si Catherine at nangilid ang luha ng makita ang papalapit na nakangiting si Raphael (Gabbylicious! … I love his smile, his eyes, his lips…)
Raphael : Catherine, mabuti’t nahanap din kita.
Catherine : Pareho lang tayo. Nahanap ko na rin ang sarili ko. Ngayon handa na ako.
-Nagyakap ng mahigpit sina Raphael at Catherine. Masuyong hinalikan sa labi ni Raphael ang “handa” nang si Catherine .

Catherine : Kapag ang tao’y nagmahal, hindi na mahalaga kung ano ang mali o tama… kung sino ang humingi at nagbigay.. kung sino ang nanalo… kung sino ang talunan… ang alam mo lang nagmamahal ka… ang alam ko lang mahal ko sya.

THE END






Read more of this article

Read the transcript of episode 84 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Nasa hospital room ni Catherine si Raphael, buong pagmamahal nitong pinagmamasdan ang babaeng iniibig… masuyong hinahaplos ang buhok at panaka-nakang hinahagkan. Naalala ni Raphael ang mga masasayang sandali na pinagsaluhan nila ni Catherine.

Hindi pa rin nagkakamalay si Miguel.

Lumalala ang kalagayan ni Catherine.

Habang naglalakad sa pasilyo ng hospital si Sofia, ay kausap nito sa cellphone si Raphael
Sofia : Kailangang mabuhay ni kuya Miguel at ate Catherine. Hindi ako puedeng iwan ng mga kapatid ko.
Raphael : Huwag kang mag-alala Sofia, hindi mamamatay ang kapatid mo.
Sofia : Paano nyo alam?
Raphael : Alam ko. Hindi sya mamamatay.



Nagmamaneho si Raphael.
Raphael : Kahit na ano Catherine gagawin ko para sa iyo. Kahit mamatay ako, mabuhay ka lang. Diyos ko, patawarin ninyo ang gagawin ko.
-Ibinangga ni Raphael ang minamanehong sasakyan sa isang puno.

Nag-flat line ang machine na nakakabit kay Catherine.

Umiiyak sina Toby at Sofia habang ipinapasok sa operating room si Raphael.

Pumunta si Sofia sa hospital room ng kanyang kapatid na lalaki, naabutan nya roon ang isang nurse at ang nakatulog na sa pagbabantay na si Scarlet. Bago lumabas sa silid ang nurse ay pinasalamatan ito ni Sofia. Nagising si Miguel. Kaagad-agad na ginising ni Sofia si Scarlet, tuwang-tuwa sila. Lumabas ng silid si Sofia upang tawagin ang doktor ng kapatid. Umiiyak sa kaligayahan na niyakap ni Scarlet si Miguel.

Hindi pa nagkakamalay si Raphael.

Lumulubha ang kalagayan ni Catherine. Alalang-alala sina Sofia at Louela. Nilapitan sila ni Toby.
Toby : Sofia, kamusta na daw si ate Catherine?
Sofia : Sinasabi ng doctor, lumalala daw si ate eh. Pag hindi siya nakakuha ng puso within 36 hours… baka… baka
Louela : Baka matuluyan na si Catherine

Kinakausap ni Miguel ang nurse na nasa silid nya.
Miguel : Nurse, matagal na ba ako dito?
Nurse : Halos isang linggo Sir. Mukhang ang laki nga ng improvement nyo e. Balita nga po namin ililipat na kayo sa regular room.
Miguel : Si Catherine dela Rhea, kumusta sya?
Nurse : Kritikal pa rin po yung kondisyon nya, Sir. Wala pang nadadalang heart para i-transplant sa kanya. Akala nga po namin baka kayo pa ang mag-donate, pero nag-improve kayo Sir. Okay naman po ang kundisyon ninyo.
Miguel : Magka-match pala kami ni Catherine.
-Nagpa-alam na ang nurse at lumabas ng silid.

Walang pagbabago sa kalagayan ni Catherine.

Nasa room ni Miguel sina Scarlet at Sofia
Miguel : Scarlet, hindi ka na dapat pumunta dito sa hospital. Baka kung anong sakit pa ang masagap mo, kawawa naman ang baby.
Scarlet : (tumawa) Miguel ano ka ba? Huwag mong iisipin yon. Magiging okay yung baby, hindi mangyayari yan dahil malakas ‘to nagmana ito sa daddy nya, di ba?
-Tumawa si Miguel
Miguel : Sana nga. Dapat nagpapahinga ka na rin. Sige na, okay lang ako dito.
Scarlet : Pauwi naman na talaga ako. Plano ko rin kasing maaga pumunta dito bukas para ma-supervise ko yung regular room na lilipatan mo.
-Nagpaalam na si Scarlet, hinalikan nito sa noo si Miguel bago umalis.
Scarlet : Kita tayo bukas ha
Miguel : Sige.
- Nasa pinto na si Scarlet nang tawagin ito ni Miguel
Miguel : Scarlet. Ingatan mo ang sarili mo ha. Ingatan mo ang baby natin.
-Masayang lumabas na si Scarlet. Hinawakan ni Miguel ang kamay ng kapatid.
Miguel : Hindi ka pa ba magpapahinga?
Sofia : (umiiyak) Sandali na lang kuya.
Miguel : (pinahid ang luha ng kapatid) Bakit ka na naman umiiyak? Ayokong nakikitang kang umiiyak ha.
Sofia : Nag-aalala ako kay ate Catherine eh. Nagde-deteriorate na sya kuya. She needs a new heart right away pero hanggang ngayon wala pa ring donor.
Miguel : (nanghihina) Magtiwala ka lang. May darating na puso para sa kanya. Sigurado yan. Magtiwala ka lang.
-Pinalalabas na ni Miguel ang kapatid kasi kailangan na daw nyang magpahinga.
Sofia : Bakit kuya? May masakit ba? Gusto mo tumawag ako ng doctor?
Miguel : Hindi. Okay lang ako. Pagod lang. Sige na, magpahinga ka na.
-Bago lumabas si Sofia ay hinalikan nito sa noo ang kapatid
Sofia : I love you kuya
Miguel : I love you too

Pumunta si Sofia sa bahay ni Scarlet. Masaya nilang pinag-uusapan ang paghahandang gagawin nila sa lilipatang regular room ni Miguel. Maglalagay daw sila ng christmas decorations para masaya, at magdadala sila ng maraming DVD at DVD player. Masayang masaya sina Scarlet at Sofia.

Umiiyak na inaalala ni Miguel ang mga masasaya nilang sandali ni Catherine. Napangiti ang lalaki nang maalala ang mga pagniniig nila ni Catherine sa imbakan.

Ipinapakita ang masayang sina Scarlet at Sofia.

Habang nag-aagaw buhay si Miguel ay parang nakikita niya ang kasal nina Raphael at Catherine (yung dream ni Catherine, bago sya dukutin ni Isadora, dito nga lang ay kasal na sina Raphael at Catherine). Pumikit si Miguel.

Flat line.

Weeks later…
Nagising n.a si Catherine. Si Raphael ang una nyang nasilayan. May bandage sa bandang nuoo si Raphael.
Raphael : Good morning Sleeping Beauty!
Catherine : (nakita ang bandage ni Raphael) Anong nangyari sa iyo? (Ay naku Catherine, may pumasok kasing katangahan sa ulo nyang si Raphael kaya may bandage… I love you Raphael, pero katangahan ang ginawa mo - Neneng)
Raphael : Mahabang istorya. Saka ko na lang ikukwento ito.
Catherine : Anong nangyari sa akin? Bakit ang sakit-sakit ng katawan ko?
Raphael : Nabaril ka. You just went through a heart transplant.
Catherine : (may luha sa mga mata) Ibig mong sabihin, bago itong puso ko? (tumango si Raphael) Siguro nga dapat na talagang palitan, bugbog na bugbog na kasi. Kanino galing itong puso? Raphael tulungan mo ako. Gusto kong magpasalamat sa pamilya ng nagdonate ng puso nya para sa akin.
-Hindi kaagad makasagot si Raphael
Catherine : Bakit?
Raphael : Si Miguel. (nagulat si Catherine) Puso ni Miguel ang ibinigay nya sa iyo.
-Napapikit si Catherine at tumulo ang luha. Pinahid ni Raphael ang luha ni Catherine.

Sinamahan ni Louela si Catherine sa puntod ni Miguel. Umiiyak na nagpasalamat si Catherine kay Miguel.
Catherine : Gusto kong magpasalamat sa regalong natanggap ko mula sa iyo. Napakahalaga ng regalong ito. Pinapangako ko na iingatan ko itong mabuti at aalagaang mabuti. Noon pa man, naging malaking bahagi ka na talaga ng buhay ko, at ng puso ko. At kahit nasaan ka man ngayon… kahit hindi na tayo magkikita habang buhay… parang… parang hindi pa rin tayo magkakahiwalay. Kaya mananatili ka dito sa akin, mananatili ka dito Miguel. Hinding-hindi kita makakalimutan. Salamat, salamat!

Isang gabi, kinausap ni Raphael si Catherine tungkol sa naudlot nilang pagpapakasal
Raphael : Catherine, ilang beses ng nauudlot yung kasal natin e. Hindi naman natin yun pinag-uusapan sa hospital, nung ilang buwang nandun ka dahil… Anyway… Ano kaya magpunta tayo sa huwes? Magpakasal na lang tayo doon.
Catherine : Puede ba huwag muna nating pag-usapan?
Raphael : Bakit?
Catherine : Ang dami ko lang sigurong iniisip ngayon. Ang dami kong dapat ayusin.
Raphael : Bakit hindi mo na ba ako mahal? (Ako! Ako, mahal kita Raphael - Neneng)
Catherine : Marami na akong minahal at nakapiling, pero iisa pa lamang ang minahal ko ng ganito… at ikaw yun Raphael, ikaw lang. Pero ngayon, mabubuhay pa kaya yung pag-ibig na ‘yon? Ngayon na ang puso ni Miguel ang tumitibok sa dibdib ko?
Raphael : Catherine binigay ni Miguel ang puso nya sa iyo, para dugtungan nya ang buhay mo. Para dugtungan nya ang pag-ibig natin sa isa’t isa. Nagsakripisyo sya para sa atin.
Catherine : (luhaan) Hindi ko alam Raphael, gulong gulo na ako eh. Siguro, siguro kailangan ko lang ng oras. Kailangan ko ng oras makapag-isip. I’m sorry. I’m sorry.
-Niyakap ni Catherine si Raphael. Umalis na si Catherine. Naiwan ang lumuluhang si Raphael.
Read more of this article

Read the transcript of episode 83 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pinuntahan nina Miguel at Sofia si Vernon sa kulungan.
Miguel : Itay, kailangan mo talagang sabihin sa akin kung nasaan si Mommy. Delikado ang lagay nya ngayon, kailangan ko syang makita.
Vernon : Bakit ko naman gagawin ‘yon? E kung sa mga pulis nga hindi ako kumanta e, sa inyo pa kaya.
Miguel : Galit na galit sa kanya si Marko, gusto talaga syang patayin. Kailangan ko syang makita, kailangan ko syang protektahan.
Vernon : Hindi ako sigurado, pero lilipat kami ng ibang hideout, doon kami magtatago. Doon sa isang liblib na baranggay sa Rizal. Malamang doon sya pupunta. Bigyan mo ako ng papel
-Binigyan ni Sofia ng papel at ballpen si Vernon, at doon ay isinulat ni Vernon ang posibleng pinagtataguan ni Isadora.
Miguel : Salamat ‘tay
Sofia : Sasama ako kuya.
Miguel : Huwag na. Huwag kang sasama delikado. Ako na ang bahalang magkumbinsi kay Mommmy na sumuko ng maayos. Bumalik ka na lang sa ospital.
-Ibinigay ni Vernon kay Miguel ang papel na pinagsulatan ng address.
Miguel : Salamat ‘tay.
- Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakikinig pala sa kanilang pag-uusap… tauhan ni Marko.



Kaagad na itinimbre ng tauhan ang nalaman mula sa pakikinig sa usapan nina Vernon. Ipinahanda ni Marko ang kotse at sinabing sya lang ang pupunta.
Marko : Hindi ito trabaho, personalan ‘to. Ako mismo ang tatapos kay Isadora.

Dinalaw ni Scarlet ang wala pa ring malay na si Catherine, kinausap nito ang nurse
Scarlet : Tumaas na ba sa listahan si Mrs. dela Rhea?
Nurse : Ang alam ko po, nasa pang-anim na po sya. Konti na lang po. Sige po.
Scarlet : Salamat
-Lumabas na sa silid ang nurse. Umiiyak na kinausap ni Scarlet si Catherine
Scarlet : Narinig mo ba ‘yon? Nasa pang-anim ka na, konting konti na lang, mararating mo na rin ang number one. Huwag kang susuko hangga’t hindi mo nararating ‘yon ha? Napaka-competitive mong tao. Kaya siguro hindi tayo nagkakasundo noon pa dahil parehas tayo. Parati tayong nag-uunahan para makuha yung posisyon na ‘yon… maging number one para kay Papa, maging number one para kay Miguel. At least ngayon Catherine hindi na ako makikipag-agawan sa iyo. Sigurado ako kayang-kaya mong ma-survive lahat ng ito. Catherine (umupo sa gilid ng kama) Catherine, ang dami dami mo nang pinagdaanan… huwag kang susuko. Maraming nagmamahal sa iyo dito, marami kaming naghihintay sa ‘yo.

Nasa hideout si Isadora. Tila baliw na tumatawa habang isinisilid sa isang bag ang mga perang nakulimbat nya kay Scarlet, isinukat ang ilang alahas at hinahalikan. Hindi namamalayan ni Isadora ang pagdating ni Marko.
Marko : Isadora!
- Hinipan ni Isadora ang mga kandila at bitbit ang bag ng pera at lalagyan ng alahas na nagtago.
Marko : ISADORAAA! Demonyo ka. Alam kong narito ka. Kababae mong tao, daig mo pa ang isang demonyo. Dito ka lang galing sa TADYANG KOOO! KUNG TUSO KA, MAS TUSO AKO!
-Tinadyakan ni Marko ang pinto ng silid na kinaroroonan ng nagtatagong si Isadora.

Sa hospital. Tumawag si Sofia sa police station.
Sofia : Hello! Police Station ho ba ito? Si Sofia Castillejos po. Kailangan ko ng tulong nyo. Tungkol ho sa Mommy ko.

Hindi nakita ni Marko si Isadora kaya lumabas ito ng silid. Bumaba sa hagdanan si Marko, mahigpit ang hawak sa nakataas na baril habang naglalakad sa madilim na gusali. Pasigaw nitong tinatawag si Isadora. Biglang inagaw ng naroroon palang si Miguel ang baril na hawak ni Marko. Sa pag-aagawan ng dalawang lalaki ay makailang ulit na pumutok ang baril. Habang nagpapanambuno sina Marko at Miguel ay may ilang sasakyang dumating lulan siSofia at mga pulis. Nasa labas pa ng building ay tinatawag na ng kinakabahang si Sofia ang ina. Pumasok na sa building ang mga pulis, iba ang dinaanan ni Sofia papasok.

May pumasok na lalaki sa silid na pinagtataguan ni Isadora. Kaagad na tumayo at binaril ni Isadora ang lalaking pumasok, natumba ang lalaki.
Isadora : HAHAHAHA! Anong akala mo Marko, maiisahan mo ako? (muling binaril ang nakadapang lalaki) HAHAHAHA!
-Nilapitan ni Isadora ang inaakalang si Marko. Labis na nagimbal si Isadora nang makilala ang lalaking dalawang beses nyang binaril… si Miguel. Tinawag ng duguang si Miguel ang ina. Kinandong ng pumapalahaw sa iyak na si Isadora ang duguang anak.

Tumayo si Isadora at galit na galit na tinatawag at pinapalabas si Marko. Walang habas na pinaputok ng umiiyak na si Isadora ang kanyang baril. Muling nilapitan ni Isadora si Miguel, inilapag ang baril sa kanyang tabi at nakaluhod na iniyakan ang duguang anak. Hindi niya namamalayan na nasa likuran na nya si Marko.
Marko : Marunong ka palang umiyak. Lumalambot din pala ang puso mo. (dinampot ni Isadora ang baril ) Hup, hup bitawan mo yan! Nakatutok na ako Isadora. Isang angat mo, sasabog ang ulo mo. Bitawan mo yan. Bitawan mo yan! (binitawan ni Isadora ang baril, nakatalikod pa rin kay Marko) Tayo! TAYOOO!!!
Isadora : (tumayo at humarap kay Marko) HAYUP KA TALAGA!
Marko : MAS HAYUP KAAAA!!!!
-Patakbong lumalapit ang umiiyak na si Sofia
Sofia : Mommy!
Isadora : Sofia
Marko : Hup, hup!
-Nakadipa si Marko… nakatutok sa direksyon ni Isadora ang baril, sa kabilang kamay ay hawak ang granada.
Isadora : Sandali, sandali
Sofia : Kuya! Mommy huhuhu!
Marko : Dyan ka lang!
Sofia : ANONG NANGYARI KAY KUYA?
Isadora : Marko sandali, sandali, sandali Marko
Marko : Mamili ka! Ito (baril) para sa iyo o ito (granada) para sa ating lahat? Tutal kumpleto na ang pamilya mo. May bumulagta nang isa.
Isadora : Marko
Marko : At malamang, darating na ang mga pulis at huhulihin ako. At least bago dumating yun, at bago MANGYARI YUN nakaganti ako sa katulad mo. Sa katulad mong hayop.
Isadora : Sige, sige, sige na Marko sa akin na lang ha? Sa akin na lang. Sa akin na lang. Huwag mong idamay si Sofia ha. Marko, sige ako na lang.
Marko : Okay. Hindi ka nagkaroon ng pagkakataong humingi ng tawad at paalam sa anak mong si Miguel. Baka sabihin mo naman sobrang sama ko. Bibigyan kita ng pagkakataon na magpaalam sa isa mo pang anak.
Isadora : Marko.
Marko : GO!!!
Isadora : Sofia, anak patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko. Alam ko napakasama kong tao pero HUWAG NA HUWAG MONG KAKALIMUTAN… NA MAHAL NA MAHAL KO KAYO. SOFIA NARIRINIG MO BA AKO?
-Lalapitan sana ni Sofia ang ina
Marko : Hup, hup HUP DYAN KA LANG!
Isadora : Marko, Marko
Marko : Malalagas tayong lahat dito. DYAN KA LANG!
Isadora : Marko, Marko sa huling pagkakataon lang… parang awa mo na huhuhu. MAAWA KA!
Marko : Okay, okay.
-Senenyasan ni Marko si Sofia na lumapit kay Isadora. Mahigpit na nagyakap ang mag-ina sa huling pagkakataon, kapwa luhaan. Paulit ulit na sinasabi ni Isadora kay Sofia na mahal na mahal nya ang mga ito, at humihingi ng tawad. Binitawan na ni Isadora si Sofia at pinaaalis na ang anak.
Isadora : Marko, parang awa mo na. Huling hiling ko na lang huhuhu, nagmamakaawa ako kahit lumuhod ako sa iyo Marko. (hinawakan ni Sofia ang nakabulagtang kapatid) Kahit lumuhod ako sa iyo huhuhu. (lumuhod at nagmamakaawa kay Marko) Huwag mo lang idamay si Sofia ha. Puede ba, palayain na lang natin sya? AKO NA LANG! Huwag na natin syang idamay. Marko nagmamakaawa ako sa iyo. Patakasin mo na sya. Sige na. MARKOOO HUHUHU
Marko : Hahaha!
Isadora : Marko parang awa mo na
Marko : Walang problema
-Tumalikod at naglakad si Marko. Tumayo si Isadora
Isadora : Marko
-Humarap muli si Marko at binaril si Isadora… bumagsak si Marko… hawak ni Miguel ang baril. Inalisan ni Marko ng pin ang granadang hawak, nakita iyon ni Isadora. Inihagis ni Marko ang granada… sinalo iyon ni Isadora… yumuko si Sofia, yakap ang kanyang kuya… tiningnan ni Isadora ang mga anak sa huling pagkakataon… BOOM! BOOM! BOOM!

Sa hospital. Kasama ni Sofia ang kasintahang si Toby at mga kaibigang sina Jenna, Jester at Doms. Niyakap ni Jenna ang bestfriend nya, iyak ng iyak si Sofia.
Jenna : Kung may kailangan ka nandito kami ha.
Jester : Toby, huwag mong pababayaan si Sofia ha.
Jenna : Basta tumawag ka lang ha.
Doms : Sofia, dadalaw na lang kami ulit.
-Umalis na ang mga kaibigan nina Sofia at Toby. Magkaholding hands na naglakad palayo sina Jenna at Jester.

Nakatayo sa tabi ng kinahihigaan ni Miguel ang luhaang si Scarlet, kausap ang doktor
Scarlet : Kumusta na po ba yung lagay ni Miguel?
Doc : Actually ma’am may dalawang tama sya katawan, isa sa abdomen at saka isa sa likod. Tinamaan ng bala yung isang kidney nya, kaya nilagay namin sya sa dialysis.
Scarlet : Doc, kaya ba nyang ma-survive ‘to?
Doc : Ginagawa na po namin lahat ng aming makakaya. Depende na po ‘yon sa pasyente kung gugustuhin nya pang mag-survive.
-Hinawakan ng buntis na si Scarlet ang pinakamamahal na si Miguel, bahagyang niyakap, iyak ng iyak si Scarlet.
Doc : Excuse me po Mrs. Castillejos, may gusto lang po akong tanungin sa inyo. Si Mr. Castillejos ba ay isang organ transplant donor?
Scarlet : Oo. Bakit?
Doc : Kasi gusto ko lang hong malaman ninyo na nung isang araw… nagpa-test sila ni Cong. Raphael Torralba. At lumalabas na si Mr. Castillejos ang perpektong heart transplant donor kay Ms. Catherine.
- Lalong nanlumo si Scarlet sa nalaman mula sa doktor.

Hinawakan ni Toby ang kamay ni Sofia, wala pa ring tigil sa pagluha si Sofia.
Sofia : Akala ko… ubod ng sama ni Mommy. Akala ko nakalimutan na nyang maging tao Toby. Hindi pala.
Toby : Kahit anong mali ang ginawa nang Mommy mo, hindi siya nagkulang ng pagmamahal sa inyo. Naging ina pa din sya Sofia. At higit sa lahat, sinakripisyo nya ang buhay nya para sa inyo.
Sofia : Ano ba ang nangyayari sa buhay ko Toby? Dati lang, I had a good life… nag-aaral ako, maayos ang pamilya ko. I was happy. Pero ngayon wala na ang Mommy ko, nag-aagaw buhay naman si kuya Miguel at si ate Catherine. Toby they might die, wala na akong kasama Toby.
Toby : Shhh! (inakbayan ang girlfriend at niyakap) Sofia, hindi ka nag-iisa. Nandidito ako. Nandidito ako Sofia. Hinding hindi kita pababayaan.
-Hinagkan ni Toby sa noo si Sofia.

Kinakausap ng umiiyak na si Scarlet ang wala pa ring malay na dating kabiyak.
Scarlet : Miguel, sabi ng doktor kailangan mo daw lumaban para mabuhay. Kaya mo yun di ba? Baka kasi gusto mong mabuhay, huhuhu (hinawakan ang kamay ni Miguel at niyakap ) Miguel ipinapangako ko sa iyo… huhuhu hindi na kita aawayin, hindi na kita guguluhin, huhuhu I promise, mabuhay ka lang… huhuhu I’m letting you go huhuhu magiging malaya ka na. Alam mo pag nabuhay ka, lahat ng hihilingin mo ibibigay ko sa iyo… kahit pa si Catherine ‘yon. Kahit sya Miguel, ibibigay ko sa iyo. (hinalikan ang kamay ni Miguel, tumayo at masyuong niyakap ang mahal na mahal pa rin nyang si Miguel) Miguel, gagawin ko ang lahat huhuhu. Ganun kita kamahal. Kaya kong gawin lahat hanggang sa mabuhay ka, huhuhu iyon lang yung kailangan ko huhuhu
- (Kaasar ka Scarlet, ang hirap kayang magtext update ng umiiyak. Napakadakila ng pagmamahal mo kay Miguel, feel na feel ko huhuhu - Neneng)

Nasa tabi ni Sofia sina Toby at Louela habang kinakausap nya ang doktora na tumitingin kay Catherine.
Sofia : Anong balita sa heart transplant list, nasaan na si ate?
Dra. : Ikatlo na sya.
Louela : Bakit ang tagal? Nauubusan na sya ng oras.
Dra. : Kailangan nating maghintay ng namatay na healthy pa ang heart and even then kailangan natin i-check if valuable pa sya at ka-match sya ng pasyente.
Toby : Doc, wala na ba tayong puedeng ibang gawin?
Dra. : All we can do is wait and pray for a healthy heart for Catherine.
Male Nurse : Syanga pala Mr. Torralba, ready na ang results para doon sa pina-check ni Congressman. Please tell your brother that he has a healthy heart and he’s a perfect match for Catherine dela Rhea. (nagkatinginan sina Toby at Sofia) Unfortunately, unlike sa liver or kidney hindi puede ang live heart donor.
Read more of this article

Read the transcript of episode 82 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Sa meeting place nina Isadora at Marko
Isadora : Nasaan si Miguel?
Marko : Nasaan si Catherine?

Sa abandonadong eskwelahan na kinaroroonan nina Vernon at Sofia… inihahanda ni Vernon ang baril nya, si Sofia naman ay natutulog.



Isadora : Bago ko ibigay sa iyo si Catherine, akin na muna ang anak ko!
Marko : Kilala kita mula ulo hanggang paa. This time hindi mo ako kayang ululin. Saka na lang tayo magkita. Bye!
-Tumalikod na si Marko
Isadora : Sandali!
Itinutok ni Isadora ang baril kay Marko. Itinutok din ni Marko ang baril nya kay Isadora.

Iinom sana si Vernon ng tubig ng maramdaman nyang tila may tao, sumilip sya sa bintana.

Nakatutok ang baril nina Isadora at Marko sa isa’t isa.

Ginising ni Vernon si Sofia at nagkubli sila. Dumating ang mga tauhan ni Cong. Torralba, may kasamang mga pulis.

Inilabas ni Isadora si Catherine, may nakatakip sa mukha.
Marko : Kung hindi ba naman sira yang tuktok mo e. Paano ako makakasiguro na si Catherine yan e tinakluban mo ang ulo.
Isadora : Wala na akong gamit sa babaeng ito kaya hindi ko itataya ang buhay ng anak ko. Huwag ka ng magduda si Catherine ito.

Pumasok na sa eskwelahan ang mga naghahanap kay Vernon.

Senenyasan ni Marko ang tauhan na ilabas si Miguel.
Isadora : Miguel
Miguel : (labis na nag-alala nang makita ang kalagayan ng bihag ng ina) Catherine!
Isadora : Okay ka lang ba?
Marko : Okay lang yan. Di ba nangako ako sa iyo na hindi ko sya sasaktan, ha? Hindi ko naman masyadong sinaktan, konti lang.
Isadora : Miguel, halika na!
Marko : Teka! Teka muna! SANDALI LANG! Sabay nating gagawin ito.
-Itinulak ni Marko si Miguel patungo kay Isadora. Itinulak ni Isadora si Catherine patungo kay Marko, pero dahil may nakatakip sa mukha ay nadapa si Catherine. Tinulungan ni Miguel ang nadapang si Catherine.
Miguel : Catherine. Catherine
Isadora : Miguel ano ka ba? ‘lika na!
Miguel : Ma hindi ko puedeng iwan si Catherine
-Nakatutok pa rin ang baril nina Isadora at Marko sa isa’t isa.
Isadora : Tatanga-tanga ka. Halika na baka magkamatayan pa tayo dito. Halika na!
-Senenyasan ni Marko ang tauhan na kunin si Catherine. Nang hawak na ng tauhan ni Marko si Catherine ay hinatak na ni Isadora si Miguel. Nag-aktong tatalikod na si Marko, sabay baril kay Isadora.
Miguel : MAAA!
-Nabuwal si Isadora
Miguel : MAAAA!
Marko : Pasensya ka na Miguel. Kailangan ko ang nanay mo, mas malaki ang patong sa ulo nyan e.
Miguel : TRAIDOR KAAA!
-Biglang bumalikwas si Isadora at binaril si Marko, mabilis na naiharang ni Marko si Catherine… tinamaan si Catherine sa likod. Lumabas ang mga tauhan ni Marko at nakipagbarilan kay Isadora. Natamaan ni Isadora ang mga tauhan ni Marko pero nakatakbo si Marko. Hinabol ni Isadora si Marko. Mabilis namang pinuntahan ni Miguel ang may tamang si Catherine, at kinalas ang nakatakip sa mukha.

Sa eskwelahan ay nagkakaputukan din, may ilang tauhan ni Raphael na natamaan si Vernon. Nasukol ng mga pulis at ng assistant ni Raphael sina Vernon at Sofia.
Neil : Ibigay mo sa akin si Sofia.

Nakalag na ni Miguel ang nakatakip sa mukha ni Catherine, niyakap nito ang babae. Wala namang nagawa si Isadora kundi iwan si Miguel. Yakap yakap ni Miguel ang duguang katawan ni Catherine. Labis labis ang pagluha ni Miguel sa nangyari kay Catherine
Miguel : TULUNGAN NYO KAMI HUHUHU! (swerte naman ng double na ito ni Claudine, grabe ang pagkakayakap sa kanya ni Diether :smile: )

Sa hospital. Tumatakbo ang magkasamang dumating na sina Raphael at Sofia. Nakita nila ang umiiyak na si Miguel
Raphael : Miguel
Sofia : Kuya
Raphael : Si Catherine?
Miguel : Nasa operating room pa rin sya e. Raphael malala ang tama ni Catherine.
-Nanlumo si Raphael. Umiyak si Sofia.

Habang inooperahan si Catherine, matiyagang naghihintay si Sofia sa labas ng operating room. Dumating si Toby at niyakap ang umiiyak na kasintahan. Dumating din si Louela. Makaraan ang mahaba at nakaka-kabang paghihintay ay lumabas rin ang doctor na nag-opera kay Catherine.
Doc : Sino ang mga kamag-anak ni Catherine dela Rhea?
Sofia : Ako ho. Kamusta na ho sya?
Doc : Tinamaan ng bala ang puso ng kapatid mo. Medyo delikado ang operasyon pero tinanggal na namin ang bala. Sa ngayon nakakabit sya sa isang respirator pero hindi ‘yon sapat. She needs a new heart.
Sofia : Heart transplant?
Doc : Nilagay ko na sya sa organ donor list pero kailangan nyong malaman na maraming naghihintay ng heart donor. Sana makakuha sya kaagad ng ka-match nya, before it’s too late.
Sofia : Doc, please do everything for her. Pang-ilan ho ba sya sa listahan?
Doc : Pang walo sya.
Louela : Pang walo pa? Doc, may magagawa po bang paraan para mauna sya sa listahan?
Doc : Naku, hindi puede yun e. Meron tayong mga sinusunod na protocol. I’m sorry.
-Nang umalis ang doktor ay umiiyak na nagyakapan sina Sofia, Louela at Toby.

Ipinakita ang malubha ang kalagayan na si Catherine.

Napakinggan ni Isadora ang news sa car radio.
“Ito ang nagbabagang balita sa mga oras na ito. Isang sagupaan ang naganap kaninang bandang mga alas siete ng gabi sa pagitang ng mga pulisya at isang known smuggler. Ayon sa mga awtoridad, arestado ang isang nagngangalang Vernon Sandoval at habang nailigtas naman ang kanyang hostage na si Sofia Castillejos. Sa kasalukuyan hinahanap pa din ng mga pulisya ang kasamahan ni Sandoval na si Isadora Castillejos.”

Nasa hospital si Sofia nang makatanggap ito ng tawag mula sa ina.
Sofia : Hello
Isadora : Hello Sofia!
Sofia : Mommy? Kinwento ni kuya kung ano ang nangyari sa iyo. Nasaktan ka ba ni Marko?
Isadora : Hindi. Okay naman ako, pero Sofia kailangan ko ng tulong mo. Nakuha ng mga pulis ang lahat ng mga pera namin ni Vernon, walang wala na ako ni-singko. Bigyan mo naman ako. Desperadang desperada na ako
Sofia : (pabulong) Ma, sumuko ka na lang kasi
Isadora : HINDI PUEDE! Hindi ako puedeng makulong. Sofia, mamamatay ako doon, hindi ako puedeng makulong.
Sofia : Baka mas dangerous yang ginagawa mo. Hinahanap ka ng mga pulis at sabi ni kuya, pati ni Marko. Baka lalo ka lang masaktan ‘ma.
Isadora : Ano ka ba? Alam mo ba yang sinasabi mo ha? Hindi ako ganun kadaling pabagsakin. Ngayon, sabihin mo na lang kung ayaw mo akong tulungan. HINDI ITONG SINISERMONAN MO PA AKO.

Nag-uusap sa kotse ang magkapatid na Miguel at Sofia.
Sofia : Kinontak ako ni Mommy.
Miguel : Nasaan daw sya?
Sofia : Ayaw nyang sabihin eh. Sinubukan ko nga syang kumbinsihin na sumuko ng maayos pero ayaw nya. Kuya natatakot na ako eh. She sounds desperate baka kung ano pang gawin nya. We have to rescue her even from herself.
Miguel : Papaano naman natin gagawin ‘yon? Hindi nga natin alam kung saan sya hahanapin.
Sofia : Ang itay mo, baka alam nya.

Palabas ng bahay sina Scarlet at Maggie. Nasa hindi kalayuan si Isadora, nagmamatyag. Papasok sa school si Maggie. Hinalikan ni Scarlet ang anak, at pinagbilinan ni Scarlet ang yaya na bantayan mabuti si Maggie.

Pinuntahan nina Miguel at Sofia si Vernon sa kulungan.
Miguel : Itay, kailangan mo talagang sabihin sa akin kung nasaan si Mommy. Delikado ang lagay nya ngayon, kailangan ko syang makita.
Vernon : Bakit ko naman gagawin ‘yon? E kung sa mga pulis nga hindi ako kumanta e, sa inyo pa kaya. Saka kung ikaw lang sana… papagkatiwalaan kita Miguel, pero kasama mo yang suwail na batang yan. (inis na inis si Sofia) Mahirap na baka traidurin nya yung Mommy nya.
Sofia : Hindi ko gagawin yun. Tsaka kaya lang naman namin hinahanap si Mommy dahil gusto namin syang protektahan.
Miguel : Itay delikado ang lagay ni Mommy ngayon, lalo na nang mangyari ang lahat… galit na galit sa kanya si Marko, gusto talaga syang patayin. Kailangan ko syang makita, kailangan ko syang protektahan. Sabihin mo na ‘tay.
Vernon : (nag-isip) Hindi ako sigurado, pero lilipat kami ng ibang hideout, doon kami magtatago. Doon sa isang liblib na baranggay sa Rizal. Malamang doon sya pupunta. Bigyan mo ako ng papel
-Binigyan ni Sofia ng papel at ballpen si Vernon, at doon ay isinulat ni Vernon ang posibleng pinagtataguan ni Isadora.
Miguel : Salamat ‘tay
Sofia : Sasama ako kuya.
Miguel : Huwag na. Huwag kang sasama delikado. Ako na ang bahalang magkumbinsi kay Mommmy na sumuko ng maayos. Bumalik ka na lang sa ospital.
-Ibinigay ni Vernon kay Miguel ang papel na pinagsulatan ng address.

Nagawang makapasok ni Isadora sa bahay ni Scarlet.

Pinuntahan ni Scarlet si Marko.
Marko : Yes Ms. Scarlet. Payday ko ba ngayon? Nakita mo na yan ha, naibalik ko ng buhay si Catherine.
Scarlet : Pero di ba ang kabilin-bilinan ko sa iyo, walang dapat masasaktan. Bakit mo ginawang pain si Miguel, HA?
Marko : Bakit sinaktan ko ba si Miguel? Hindi naman di ba? Hindi ko kagustuhan ang nangyari kay Catherine. Huwag ako ang sisihin mo doon… si Isadora!

-Inaamoy amoy pa ng maid ni Scarlet na si Edith ang ulam nyang corned beef, nang makita nito ang dating amo na si Isadora… nagnanakaw
Edith : Ano ang ginagawa mo dito ha? Ano yan, ninanakawan mo si ma’am ano?
Isadora : Hindi ah
-Tatawag sana ng gwardya si Edith pero sinabunutan siya ni Isadora. Nag-away ang dalawa… binato ng corned beef ni Edith si Isadora, napabagsak ni Isadora ang dating maid. Patakbong lumabas ng bahay si Isadora. Habang sumisigaw ng “magnanakaw” ay hinahabol at binabato ng corned beef ni Edith si Isadora.

Ibinigay ni Scarlet ang tseke kay Marko.
Scarlet : O ayan sampung milyon mo, bayad ko yan para sa ginawa mo kay Catherine. Yung kay Isadora sa susunod na kapag nagawa mo na yung dapat mong gawin.
Marko : Hindi mo na kailangang magbayad pa para kay Isadora. Ibibigay ko iyon sa iyo ng libre. Malaki atraso sa akin ng demonyitang yan. Kailangan ko nang singilin.
-Galit na galit si Marko kay Isadora.
Read more of this article

Read the transcript of episode 81 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Pagbalik ni Isadora sa kanilang hideout, inis na inis sya dahil hindi na sya makakapaghiganti kay Scarlet (dahil nalaman nyang anak ni Miguel ang bata sa tiyan nito.) Sabi naman sa kanya ni Vernon na huwag na daw kasing ituloy ang plano nya at umalis nalang sila dahil masyado na silang mainit doon, nalaman din nya sa isa nyang kasamahan na hinahanap sya ni Marco, at si Isadora naman ay pinaghahanap nang mga pulis dahil may nakakitang buhay sya. Pinapaasikaso na ni Isadora kay Vernon ang kanilang pagtakas bago pa maubos ang kanilang pera. Tinanong naman ni Vernon kung paano si Catherine, sabi ni Isadora na pwede pa nilang gamiting insurance si Catherine at pag naayos na ang kanilang pagtakas, pwede na nila itong patayin.



- Kinabukasan, pumunta si Winnie sa bahay ni Scarlet. Galit na galit si Scarlet habang kinukuwento kay Winnie na pinagtangkaan sya ni Isadora at nilagay din nito sa panganib ang kanyang anak. Ibinalita naman ni Winnie na inannounce na sa public na wanted na si Isadora nang mga pulis, at hindi na daw ito magpapakita kay Scarlet. Ayaw naman ni Scarlet na ganon-ganon lang, dahil pagkatapos nang mga kasalanang ginawa sa kanila ni Isadora ay magtatago nalang ito na parang isang daga, hindi daw sya papayag. Pinagalitan naman ni Winnie si Scarlet at alam nyang hindi kaya ni Scarlet na patayin si Isadora. Sagot naman ni Scarlet na hindi nga, pero hahanap daw sya nang taong kayang gawin iyon.

- Si Miguel naman ay pumunta kina Rafael. Nag-uusap sila tungkol kay Isadora at sinabi ni Rafael na ngayon na meron nang proof na buhay si Isadora at sya rin ang primary suspect sa pagkaka-kidnap kay Catherine, pwede na daw itong hanapin nang mga pulis. Si Miguel naman ay nag-aalala dahil malaki ang Pilipinas at saan nila ito hahanapin? Tinanong ni Rafael kung kilala ba daw ni Miguel ang mga ka-negosyo o kasamahan ni Vernon. Sabi naman ni Miguel na wala daw pinakilala ang kanyang ama sa kanya kundi si Marco. Sabi naman ni Rafael na minamasdan na din daw nila si Marco at parang hinahanap din nito si Vernon. Kinamusta naman ni Rafael ang mag-ina ni Miguel, sabi naman ni Miguel na ok naman daw ang mag-ina nya, kaya lang ay traumatic ang nangyari kay Scarlet at ayaw na nyang maulit iyon. Tinanong naman ni Rafael si Sofia, baka kailangan daw nito nang bodyguard. Sabi naman ni Miguel, ngayong alam na nyang ang kanyang mommy ang kanilang kalaban, kampante sya na hindi nito sasaktan si Sofia.

- Nagpunta si Scarlet sa bahay ni Marco. Nagbiro pa si Marco dahil ang popular daw nya ngayon dahil nagsisipuntahan ang mga tao sa kanya. Tinanong sya ni Scarlet kung kilala sya ni Marco. Sagot naman ni Marco ay oo naman daw, sya daw si Scarlet Dela Rhea – maganda, separada, milyonarya. Tinanong ni Marco kung ano ang magagawa nya for Scarlet. Tinanong muna ni Scarlet si Marco kung alam nitong buhay si Isadora. Sabi naman ni Marco na alam nya, may sa pusa daw ang lintek (referring to Isadora) na iyon. Sinabi ni Scarlet na si Catherine ay hawak ngayon ni Isadora at gusto nyang iligtas ni Marco si Catherine, bibigyan daw nya ito nang 10M. Medyo natuwa si Marco, pero umangal ito dahil medyo maliit daw iyon. Biglang nagsalita si Scarlet at sinabing hindi pa daw sya tapos; bibigyan pa daw nya si Marco nang 10M para mahuli si Vernon, at bibigyan pa daw nya nang 20M para sa ulo ni Isadora. Halos from ear to ear ang ngiti ni Marco sa laki nang offer ni Scarlet sa kanya, sumagot sya kay Scarlet na magagawan nila ito nang paraan, tinanong pa nya kung paano ang gustong paraan ni Scarlet. Sinabi naman ni Scarlet na hindi na nya kailangang malaman ang detalye, basta ang importante ay walang masasaktan at pag nahuli ni Marco si Isadora ay isusuko nya ito sa mga pulis. Pumayag si Marco at nakipag-deal kay Scarlet.

- Habang naglalakad si Sofia ay may isang kotse ang sumusunod sa kanya at biglang itong pumarada. Akala naman ni Sofia ay bagong kotse iyon nang kanyang kuya. Nilapitan ni Sofia ang kotse at nagulat sya sa taong nakita sa loob nito.

- Ang mga tauhan naman ni Marco ay tuwang-tuwa sa deal ni Marco with Scarlet; nagbibilang na sila nang milyones na makukuha nila. Sabi naman ni Marco na maliit lang daw iyon dahil pang-casino lang nila sa Macau iyon, pero at least ay magiging bayani sila, at pag nagkataon ay baka maging congressman pa daw sya sa Amadesto. Naisip naman nang isang tauhan ni Marco na mahihirapan silang hanapin si Isadora dahil mukhang magaling silang magtago. Sabi naman ni Marco na gumawa sila nang paraan para si Isadora mismo ang lalabas sa lungga nito. Dagdag pa ni Marco na lalabas daw si Isadora sa lungga nya kapag nalaman nyang nanganganib ang buhay nang pinakamahalaga sa kanya; pinadudukot ni Marco ang anak ni Isadora.

- Si Sofia naman ay dinukot ni Isadora at dinala sa kanilang hideout. Nagagalit si Sofia sa kanyang ina at bakit daw sya dinala doon? Sinabi naman ni Isadora na kaya nya dinala doon si Sofia ay para protektahan sya. Nalaman daw kasi ni Vernon na hina-hunting sila ni Marco, at naniguro lang daw sya dahil pwede daw gamitin ni Marco si Sofia laban sa kanya, kaya inunahan na nya ito. Pinaghahanda na ni Isadora si Sofia dahil aalis daw sila mamayang madaling araw. Ayaw ni Sofia sumama sa ina dahil criminal daw ito at isang fugitive. Sabi naman ni Isadora na kahit kinasusuklaman sya ni Sofia ay anak parin daw nya ito at pro-protektahan daw nya. Medyo na-touched naman si Sofia at sinabi kay Isadora na she’s glad that she’s ok. Naging teary-eyed si Isadora and deep down inside ay na-touched sya sa sinabi ni Sofia, pero sinabi nalang nya na hindi sya naniniwala kay Sofia dahil pina-plastic lang daw sya nito.

Sofia: Ma, of course not. Sobra akong na-depressed nung nawala ka.

Isadora: Totoo yan? Bakit? Umiyak ka bang talaga nung akala mong nalunod ako sa kumunoy? Pakiramdam ko naman hindi. Pakiramdam ko nga…talagang hindi mo na ako mahal eh (her voice is breaking.) Tapos biruin mo ha, talagang kinampihan mo pa ang Catherine na iyon kesa sa akin. O ngayon, paano mo ako mapapaniwalang mahal mo nga ako?

Sofia: Ma, that’s not true. Mahal ko kayo, kaya lang sumosobra na kayo eh. Nandadaya kayo, nagnanakaw, pumapatay pa kayo; paano ko kayo kakampihan Ma?

Isadora: Alam mo, hanggang ngayon nagtataka ako kung sino ang nagpalaki sa iyo. Kasi iba kang mag-isip kesa sa akin eh. Ah basta, (wiped her tears) kahit ayaw mo, ngayon hindi na ako papayag na magkahiwalay tayong mag-ina.

Sofia: You can’t keep me here Ma. Unless itali mo ako, aalis ako!

Isadora: (stopped Sofia from leaving) Hindi ka aalis, dahil yung kapatid mo, itinago ko na sa kabilang kwarto. Kaya ikaw, ha, dyan ka lang, hindi ka aalis!

Sofia: (shocked) Nasa iyo si Ate Catherine?

- Si Louella naman ay tinawagan si Miguel, sobrang nag-aalala ito dahil wala pa si Sofia, kanina pa daw nya tinatawagan ang cellphone nito pero cannot be reached daw. Sabi naman Miguel na pupuntahan nya ang mga kaibigan ni Sofia. Ipinaalam din ni Louella na nakausap na nya si Jenna at sinabi nitong hindi naman pumunta doon si Sofia. Nagbilin nalang si Miguel na tawagan sya ni Louella pag may balita na ito. Pagbaba nang phone ni Miguel ay may isang van ang pumarada sa harap nya at bumaba ang mga ilang lalake, dinukot si Miguel.

- Si Sofia naman ay kumuha nang pagkakataon (dahil wala sila Isadora) at kinatok nya ang kwarto kung saan nandoon si Catherine. Tinatawag at tinatanong nya si Catherine kung ok lang ito, sinasabi din nya na buksan ni Catherine ang pintuan. (Hindi nya alam na nakatali at covered ang ulo ni Catherine.)

- Si Rafael naman ay tumawag sa presinto para sabihin na dadating ang kanyang assistant, kasama ang ilan nyang bodyguards. Pagdating ni Neil (yung assistant ni Rafael) ay sinabi agad nang pulis na nahuli na nila ang isang kasamahan ni Vernon. Tinanong ni Neil kung alam kaya nito kung saan nagtatago sila Vernon. Sabi naman nang pulis na mukhang alam nito pero ayaw kumanta. Nagtanong naman si Neil kung pwedeng sila nalang ang kumausap. Nagtaka naman ang pulis at tinanong kung bakit. Sabi naman ni Neil, since ayaw nitong kumanta ay iibahin nalang nila ang tugtugin. Pinalipat nang pulis ang kasamahan ni Vernon sa isang kwarto.

- Dumating na sila Isadora at Vernon, gusto sanang umiwas ni Sofia at puntahan ang kanyang kapatid, pero pinigilan sya ni Isadora. Sabi naman ni Vernon kay Sofia na huwag itong mag-alala dahil hindi nya sasaktan si Sofia, nag-usap na daw sila ni Isadora. Sabi naman ni Isadora na mabuti nalang daw at patay na patay parin sa kanya si Vernon dahil hindi nito sinusuway ang mga inuutos nya. Masayang sinabi ni Vernon kay Sofia na pag-alis nila doon ay isang pamilya na sila. Pinapakain na ni Isadora si Sofia, pero sabi ni Sofia na ibibigay nalang daw nya iyon sa kanyang Ate Catherine at ibigay na din daw sa kanya ni Isadora ang susi nang kwarto. Nainis naman si Isadora kay Sofia dahil sumusuway na naman ito sa kanya. Tinanong ni Sofia kung ano ang balak nila kay Catherine, pero sinabi ni Isadora na wala nang pakielam doon si Sofia at siguro naman daw ay hindi na nito gustong malaman. Biglang nag-ring ang cellphone ni Vernon, hindi nya kilala ang number na tumatawag, pero sinagot parin nya – si Marco pala ang tumawag. Nagulat si Vernon at ibababa na nya sana ang call pero sinabi ni Marco na huwag nitong ibaba at kailangan daw nyang marinig ang lahat nang sasabihin nya. Tinanong ni Vernon kung paano nakuha ni Marco ang number nya. Sinabi ni Marco na kumanta ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Vernon; magaling daw magtago si Vernon, pinahirapan daw sya at padami nang padami ang mga atraso nito sa kanya. Inagaw ni Isadora ang cellphone kay Vernon at matapang na kinausap si Marco; kung inaakala daw nitong natatakot sila ay nagkakamali daw sya. Sinabi agad ni Marco kay Isadora na hawak nya ang anak nito. Hindi maniwala si Isadora at sinabi pang madami daw talagang sinungaling sa mundo. Hindi daw sya mapepeke ni Marco dahil nandoon daw sa kanya ang anak nya. Tanong naman sa kanya ni Marco, ilan ba ang anak nya? Biglang kinabahan si Isadora. Sabi pa ni Marco na daldal daw nang daldal si Isadora, hindi naman nito alam ang pinagsasabi nya. Hindi daw yung isa (si Sofia) ang tinutukoy nya, kundi yung isa pa (si Miguel.) Tinanong ni Isadora kung ano ang balak ni Marco kay Miguel. Sabi naman ni Marco na wala syang balak, pero sundin ni Isadora ang ipapagawa nya – papakawalan nya si Miguel kapalit ni Catherine.

- Sa presinto, binubugbog naman nang bodyguard ni Rafael ang kasamahan ni Vernon na nahuli nang mga pulis. Habang binubugbog, tinatanong ni Neil kung nasaan si Vernon. Dahil sa sobrang pahirap, ay nagpasya ang kasamahan ni Vernon na sabihin nalang ang kanyang pinagtataguan. Pag labas nang kwarto ay masaya si Neil na kinamayan ang pulis at nagpasalamat. Sabi naman nang pulis na basta para sa kanilang congressman ay wala iyon.

- Kinaladkad at nilabas ni Isadora si Catherine, nakasunod sa kanya si Sofia at inaalalayan ang kapatid dahil rough si Isadora dito. Sinabi ni Isadora na ibabalik nya si Catherine kay Marco. Nagtaka naman si Vernon kung ano ang kailangan ni Marco kay Catherine, clueless din si Isadora dahil hindi naman daw nya tinanong pa si Marco, ang importante daw ay mailigtas ang anak nya kapalit ni Catherine. Nag-offer naman si Vernon na sya nalang ang magdadala kay Catherine, pero hindi pumayag si Isadora dahil kabilin-bilinan daw iyon ni Marco na sya ang magdadala kay Catherine. Pinababantayan nalang ni Isadora si Sofia kay Vernon dahil baka tumakas daw, pero siguraduhin lang daw ni Vernon na huwag kakantiin si Sofia. Sabi naman ni Vernon na kaya lang daw nya ginawa iyon ay dahil hindi na ma-control ni Isadora si Sofia, pero ngayong hawak na nila ito, hindi na daw nya papatulan si Sofia. Dinala na ni Isadora si Catherine at ipinasok na naman ni Vernon si Sofia sa bahay.

- At the crack of dawn, pumunta si Isadora sa meeting place nila ni Marco, may hawak syang baril. Si Vernon naman ay dinala si Sofia sa isang abandoned school. Dumating na si Marco, sakay nang isang black van. Pag baba ni Marco ay may hawak din itong baril; nagkaharap sila ni Isadora. Tinanong agad ni Isadora kung nasaan si Miguel, pero tinanong din sya ni Marco kung nasaan naman si Catherine. Sabi ni Isadora na bago nya ibigay si Catherine kay Marco ay ibigay daw muna sa kanya ang anak nya. Sagot naman ni Marco na kilala nya si Isadora mula ulo hanggang paa, and this time ay hindi daw sya kayang ululin ni Isadora, saka nalang daw sila magkita, nagpaalam na si Marco and said “goodbye.” Pinigilan sya ni Isadora at sinabing “sandali!” Pag lingon ni Marco ay tinutukan sya nang baril ni Isadora, hindi din nagpatalo si Marco at tinutukan din nya nang baril si Isadora.

Teasers:

- Nagtatago si Vernon, hinanda ang kanyang baril.

- Dumating ang mga pulis at bodyguards ni Rafael para hulihin si Vernon.

- Magkasamang pumunta sila Sofia at Rafael sa ospital.

- Umiiyak si Miguel habang hawak ang kamay ni Catherine.

(Magulo ang sequencing nang teasers. – Ara)

- Tumatakas sila Vernon at Sofia sa gustong manghuli sa kanya.

- Umiiyak si Toby at Sofia habang isinusugod sa ospital si Catherine.

- Umiiyak si Scarlet, hawak ang kamay ni Catherine at kinakausap nya ito.
Read more of this article

Read the transcript of episode 80 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Nagmumukmok parin si Rafael sa may hagdanan nang kanilang bahay at kausap sya ni Toby. Sabi ni Toby na kung nasaan man daw ngayon si Catherine sigurado daw sya na nasa mabuti itong kalagayan. Inaalala naman ni Rafael na paano kung hindi? Alam naman ni Toby na survivor si Catherine, at kung ano man ang pinagdadaanan nito ngayon ay alam nyang lumalaban ito. Nagtataka naman si Rafael na kung dinukot si Catherine, bakit walang lead ang kanyang investigators, bakit hanggang ngayon ay walang ransom at paano daw kung hindi dinukot si Catherine? At paano kung hindi ito mahanap dahil ayaw nitong magpahanap, dahil tuluyan na syang iniwan? Sa sobrang bigat nang kalooban ay nagpasya nalang umakyat si Rafael at iniwan si Toby.



- Si Miguel naman ay nasa bahay nila Catherine at malalim ang iniisip sa may garden. Pinuntahan sya ni Sofia at hinawakan nang marahan sa likod. Sumenyas lang si Miguel na ok lang sya at pumasok na si Sofia sa loob nang bahay. Nang mapag-isa, naalala ni Miguel nung mga bata palang sila ni Catherine hanggang sa paglaki at muli nilang pagkikita. Napapangiti si Miguel habang inaalala ang mga iyon. Naalala din nya ang kanilang first love-making; ang mga panahong masaya sila.

- Si Rafael naman ay sobrang lungkot at nag-aalala kay Catherine. Naalala din nya nung mga bata palang sila ni Catherine, parati syang nakaalalay dito; hanggang sa paglaki ay iyon parin ang ginagawa nya kay Catherine. Naalala din nya ang kanilang first love-making. At ang huli ay nang makuha nya ang letter na nagsasabing hindi na magpapakasal si Catherine sa kanya.

- Si Miguel naman ay naiyak nang maalala ang una nilang pagkikita ni Catherine after nitong mawala nang matagal. Sinabi ni Catherine na kinulong sya at kung ano-anong gamot ang ibinigay sa kanya; at nung mga panahon na iyon ay hindi sya naniwala kay Catherine. Naalala din nya ang huli nilang pag-uusap tungkol doon (nung tinakas nya si Catherine); doon lang na-realize ni Miguel na nung una palang ay sinabi na sa kanya ni Catherine ang katotohanan.

- Pumunta si Miguel sa bahay nila Rafael. Sinabi ni Miguel na parang nangyari na din ang incident na iyon sa kanila ni Catherine; nung mga panahong akala nila ay nagtanan si Catherine, iyon pala ay pinadampot sya ni Isadora at kinulong sa basement nang ospital. Si Rafael naman ay tinatanong kay Miguel na ang ibig sabihin ba nya ay nakakulong somewhere si Catherine at si Isadora ang may kagagawan nang iyon? Sabi naman ni Miguel na alam nyang imposible pero…biglang naisip ni Rafael na hindi imposible, at kung buhay si Isadora ay dahil wala naman silang nakitang bangkay at hindi nila hinukay ang kumunoy, maaaring magkasama sila ni Vernon. Tinanong ni Rafael kung alam ni Miguel kung nasaan ang kanyang ama. Sagot ni Miguel ay hindi, at hindi nya pinagtatakpan ang kanyang ama dahil ayaw nyang masaktan si Catherine. At kung nasa kanya (Vernon) daw si Catherine, sa tingin ba daw ni Rafael ay pro-protektahan pa ba nya (Miguel) ang kanyang ama, sya daw mismo ang makakalaban nito.

- Umuwi naman si Miguel sa bahay ni Scarlet, nasa kwarto sila at natutulog na si Maggie. Nagpasalamat si Scarlet dahil sa pag-stay doon ni Miguel, feeling nya ay safe sila dahil nandoon si Miguel. Sabi naman ni Miguel na ok lang iyon at gusto nyang masiguro na safe sila nang mga bata. Hinimas ni Scarlet ang tiyan at natawa sya dahil sumipa. Hinipo din ni Miguel ang tiyan ni Scarlet at naramdaman ang pagsipa nang baby. Sinabi ni Miguel na siguro daw ay lalake iyon dahil malakas sumipa, sabi naman ni Scarlet ay magmamana iyon kay Miguel dahil malakas sumipa. Natawa lang sila pareho. Biglang sumeryoso ang mukha ni Scarlet at gusto maiyak. Sinabi nya kay Miguel na magkakaanak na ulit sila ni Miguel. Pinutol agad ni Miguel ang susunod pang sasabihin sana ni Scarlet. Sumagot naman si Scarlet na alam na nya at wala na syang sasabihin, hindi na rin sya aasa na babalikan pa sya ni Miguel. Hihilingin lang daw nya kay Miguel na sana ay huwag syang kamuhian. Napabuntong-hininga si Miguel at sinabing mabuting tao si Scarlet at ina sya nang mga anak nya, and he will always be grateful for that. Habang buhay daw syang magiging bahagi nang buhay nila Scarlet. Hinawakan ni Miguel ang kamay ni Scarlet and they both smiled to each other. Biglang nag-ring ang cellphone ni Miguel at si Sofia ang tumawag. Merong takot sa tono ni Sofia at sinasabi na merong taong nakatayo sa labas nang kanilang bahay at parang kanina pa ito nakatayo, tinitingnan ang bahay. Nag-alala si Miguel at inutusan si Sofia na i-lock ang mga pinto, harangan nang furnitures, at hintayin daw sya. Pagbaba nang phone ay tinanong ni Scarlet kay Miguel kung ano ang nangyari. Sinabi ni Miguel na si Sofia ang tumawag, sinabi na may tao daw sa labas nang kanilang bahay at kinakabahan daw sya, kailangan nyang puntahan sila. Hindi naman nagdalawang-isip si Scarlet at pinayagan nya agad umalis si Miguel dahil baka kung ano ang mangyari sa kapatid nito. Nagpaalam at umalis na din agad si Miguel.

- Natutulog na si Scarlet pero bigla itong nagising dahil may narinig syang ingay sa loob nang bahay, parang may nahulog na bagay at nabasag ito. Nagsuot agad sya nang robe at kinuha ang baril sa ilalim nang kanyang unan, tinawagan agad si Miguel habang pababa nang living room. Pagbaba ni Scarlet ay walang tao sa living room, pero hindi nya ma-contact si Miguel. Habang nakatalikod si Scarlet ay lumabas na si Isadora sa pinagtataguan. Takot na takot si Scarlet at hindi pa nya alam na nasa likuran na nya si Isadora habang kino-contact si Miguel. Pagtalikod ni Scarlet ay ginulat sya ni Isadora. Tinutok agad ni Scarlet ang baril kay Isadora. Tumawa lang si Isadora at sinabing bakit ganon daw agad ang welcome sa kanya ni Scarlet. Sumagot naman si Scarlet at sinabing sino daw ang nagsabing welcome si Isadora sa bahay nya? Kung sa impierno daw pumunta si Isadora, doon ay welcome sya at may standing ovation pa. Tumawa ulit si Isadora na parang demonyo at sinabi kay Scarlet na namiss nya ang matabil na dila ni Scarlet, parehong-pareho daw sila ni Catherine na puros satsat. Nahulaan ni Scarlet na kay Isadora si Catherine. Nakatutok parin ang baril ni Scarlet kay Isadora pero may takot ito, kaya tinatakot at ginugulat sya ni Isadora. Sinabi ni Isadora na kung namimiss ni Scarlet si Catherine ay huwag daw itong mag-alala dahil malapit na silang magkita. Kung gusto daw ni Scarlet ay pagtatabihin pa daw nya silang dalawa, pagtatabihin ang kanilang burol. Tumawa ulit si Isadora na parang demonyo. Nakita ni Scarlet na bubunot nang baril si Isadora kaya hindi na sya nagdalawang-isip na barilin si Isadora. Tinamaan si Isadora malapit sa dibdib. Bumagsak si Isadora at gulat na gulat si Scarlet, nabitiwan nya ang kanyang baril at nailapag sa may couch. Tinawagan agad ni Scarlet si Miguel. Nasagot naman agad ni Miguel ang tawag ni Scarlet at sinabing pauwi na sya dahil false alarm ang kina Sofia. Umiiyak si Scarlet at pinauuwi na agad si Miguel. Nag-alala si Miguel dahil umiiyak si Scarlet, tinanong kung ano ang nangyari. Sinabi ni Scarlet na nandoon ang mommy ni Miguel at pinagtangkaan sya nito. Gumalaw si Isadora at pilit na kinukuha ang baril. Tinatanong ni Miguel kung ok lang si Scarlet. Umiiyak at hinihimas ni Scarlet ang tiyan nya, nagsorry kay Miguel dahil nabaril daw nya ang mommy nito, hindi daw nya alam kung paano nya nagawa iyon dahil biglaan ang mga nangyari, natatakot si Scarlet dahil baka napatay daw nya ito. Sorry nang sorry si Scarlet kay Miguel. Naputol ang kanilang pag-uusap. Si Isadora naman ay bumangon at ginulat muli si Scarlet. Naiiyak sa takot si Scarlet.

Isadora: (panting) Ano? Nagulat ka na naman no? Huwag kang mag-alala, ha? Kayo, ang labo-labo nyong dalawa ni Catherine. Nung una sya, iniwan ako sa kumunoy. Tapos ikaw, binaril mo naman ako. Talaga bang hindi nyo ako gusto, ha? Bakit hindi nyo ako gusto? Ah, huwag ka nang mag-alala, hindi pa ako zombie at hindi ko pa rin binebenta ang kaluluwa ko sa demonyo.

Scarlet: (crying and so scared) Paano nangyari iyon? (Isadora removed her jacket and revealed what’s under her shirt – a bullet proof vest.)

Isadora: O tingnan mo ito Scarlet! Hahahaha! Ang utak-utak ko talaga! Wise investment diba? I bet, wala ka nito. Wala ka no? Too bad…O, ako naman ha? (Isadora took out her gun.) Ako naman! (Scarlet is so scared and pleads to Isadora.)

Scarlet: Please Isadora, huwag…(holding her tummy.)

Isadora: Ako naaa! Ako na!

Scarlet: Huwag Isadora, please maawa ka, meron akong anak….huhuhu…

Isadora: Huwag kang mag-alala, akong magpapalaki kay Maggie. Palalakihin ko sya na nalulunod sa pera. Hahaha!

Scarlet: Isadora yung baby ko, huhuhu…

Isadora: WALA AKONG PAKIELAM SA BASTARDO NYONG ANAK NI RAFAEL!

Scarlet: Kay Miguel ito…

Isadora: Ano? ANONG SINABI MO? HA?! TALAGA BANG NAGMANA KA NA KAY CATHERINE, HA? PATI ANG PAGSISINUNGALING NYO, MATCH NA MATCH!

Scarlet: (crying and so scared) Isadora, hindi. Maniwala ka sa akin, nagsasabi ako nang totoo. Anak ito ni Miguel! (Suddenly, Miguel arrived and shielded Scarlet.)

Miguel: (scared) Ma, huwag!

Isadora: (crying and still pointing the gun) Tumabi ka dyan!

Miguel: Huwag!

Isadora: Tumabi ka dyan! Papatayin ko na yang traydor na yan! Tumabi ka dyan Miguel!! TABI!

Miguel: Ma, maniwala ka, buntis si Scarlet sa anak ko. Ibigay mo sa akin ang baril na yan.

Isadora: Hindi! Hindi, ayokong makulong! Ang tanga-tanga mo talaga! Naniniwala ka sa mga babaeng yan! Hindi! (Miguel is trying to reach out for the gun.)

Miguel: Ma, hindi mo ako kayang saktan. Ibigay mo sa akin ang baril na yan!

Isadora: Tumabi ka dyan! TABI!

Miguel: Ibigay mo sa akin! Ma…parang awa mo na. Ma, ibigay mo sa akin ang baril!! (Isadora grabbed a vase and threw it on the floor to make some distraction. She immediately scaped. Miguel was not able to follow Isadora because of Scarlet’s condition; he attented to her first.)

Teasers:

- Pumunta si Miguel kay Rafael at kinuwento ang nangyari. Sabi naman ni Rafael na ngayong may proof na buhay si Isadora, pwede na itong hanapin nang mga pulis. Nag-aalala naman si Miguel dahil sa laki nang Pilipinas, saan nila ito hahanapin?

- Si Scarlet naman ay kinausap si Marco, gusto nyang iligtas nito si Catherine at bibigyan nya nang 20M si Marco para sa ulo ni Isadora. Nakipag-deal si Marco. (Hindi ko alam kung dahil lang sa damit ni Scarlet kung kaya parang hindi kita na buntis sya dito, o baka dahil nakalimutan nilang ilagay ang unan sa tiyan ni Angelica. – Ara)

- Naisip ni Marco na lalabas sa lungga si Isadora pag nalaman nyang nanganganib ang buhay nang pinakamamahal nya.

- Tinawagan na ni Marco si Isadora. Nung una ay hindi ito natatakot kay Marco, pero nung sabihin ni Marco na hawak nya ang anak ni Isadora, nakaramdaman ito nang takot. Pumayag si Isadora na i-trade si Catherine kapalit nang anak nya.

- Sumugod sila Rafael at Sofia sa ospital. Nakita nila na umiiyak si Miguel. Kinamusta ni Rafael ang kalagayan ni Catherine. Umiiyak na sinabi ni Miguel na malala ang tama nang baril ni Catherine. Nanlumo si Rafael.

- Nag flat line si Catherine.
Read more of this article

Read the transcript of episode 79 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Dinala ni Miguel si Catherine kay Rafael sa altar….panaginip lang pala ang lahat. Nakatulog si Catherine sa may piano, nang magising ay maya-maya dumating na si Louella at may inabot na mga cards from her staffs. Isa-isang tiningnan ni Catherine ang mga cards, si Louella naman ay niyaya nang lumuwas si Catherine sa Manila dahil baka ma-traffic pa sila. May isang card ang napansin ni Catherine, dahil ang nakalagay ay: “magbabayad ka.” Naihulog ni Catherine ang card sa takot at naalala din nya ang ipinadala sa kanyang patay na pusa, pati na din nung pinaulanan sya nang bala nung kailan lang. Maski si Louella ay natatakot for Catherine dahil sa mga threats na nakukuha nito, hindi daw ito tumitigil. Iyon din ang inaalala ni Catherine dahil hindi nya alam kung sino ang kalaban nya. Ang akala ni Louella ay si Vernon ang inaakala ni Catherine, pero sinabi ni Catherine ay iba na ngayon ang kutob nya, at paano daw kung si Isadora ang may gawa nun? Sabi naman ni Louella na patay na si Isadora at ang patay ay hindi kayang gumupit sa magazine (kasi yung letters sa card ay ginupit lang sa magazine, creative pala si Isadora, hahaha! – Ara) Hindi na alam ni Catherine ang iisipin, siguro nga daw ay ganon daw ang kanyang buhay, pag meron magandang nangyayari ay nauudlot, parang isang panaginip. Kapag merong magandang panaginip, kabaligtaran ang nangyayari. Naitanong tuloy ni Catherine kay Louella na kailan kaya iyon matatapos? Naaawa naman si Louella kay Catherine.



- Sa party (sa bahay nila Rafael), hinanap ni Rafael si Catherine kay Louella. Sabi naman ni Louella na wala pa at kanina pa nya tinetext pero hindi ito sumasagot. Narinig iyon nila Sofia at Toby. Nagdecide si Louella na tawagan nalang si Catherine, sumagot naman ito at sinabing nagkaroon sya nang problema sa buhok at sinabing dadating na sya in 30 mins. Sinabi agad ni Louella kay Rafael at Estelle (biglang lumapit kay Rafael habang nasa phone si Louella) at sinabing darating na si Catherine, may inaayos lang sa buhok dahil nagpapaganda. Natuwa naman si Rafael. Sa kwarto ni Catherine, may nakapasok at pinatulog si Catherine. Sa party naman ay naiinip na si Rafael dahil wala pa si Catherine, tinanong muli si Louella kung ano ba daw ang sinabi ni Catherine. Sinabi daw sa kanya ni Catherine na parating na ito, pero 2 hours ago na iyon, sobrang kinakabahan na si Louella dahil baka kung ano na ang nangyari kay Catherine. Pinuntahan naman ni Estelle sila Rafael para tanungin kung may problema. Sinabi ni Louella na wala pa si Catherine. Maski sila Toby at Sofia ay kinakabahan na din.

- Dinala si Catherine sa isang abandoned house, si Isadora ang dumukot sa kanya. Nakatali sa silya si Catherine at may saklob sa ulo. Sinasabi ni Isadora kay Catherine na hindi sya ganon kadaling mamatay dahil ibang level daw sya, at hindi daw ang cheap (calling it cheapangga=gay lingo for cheap) na kumunoy na iyon ang papatay sa kanya.

- Nag decide naman si Rafael na puntahan nalang si Catherine sa bahay nito. Hindi nya mahanap si Catherine sa bahay, pero may napansin syang note sa may table sa patio. Binasa nya ito at ang sabi ay: “Rafael, nagbago ang isip ko. Hindi ako pakakasal sa ‘yo. Goodbye. – Catherine” Naguluhan si Rafael.

- Sinasaktan ni Isadora si Catherine habang kinakausap. Siguro daw ay iniisip ni Catherine kung paano sya nakatakas nung iwan sya nito. Sinabi naman ni Catherine na hindi nya iniwan si Isadora. Sinampal sya ni Isadora at pinagpilitan na iniwan sya ni Catherine, sigurado daw sya na nagbagal-bagalan si Catherine na humingi nang tulong para tuluyan na syang lumubog. Nagpupumiglas si Catherine, sa galit ni Isadora ay sinipa sya at natumba si Catherine sa kinauupuan. Rough si Isadora kay Catherine habang pinaupo nya ito ulit. Naalala ni Isadora kung paano ang nangyari that time – habang umalis si Catherine para humingi nang tulong at nakasalubong si Miguel, si Vernon naman ay nakita si Isadora sa kumunoy at tinulungan nya itong maiahon doon. Kaya pagbalik nila Catherine ay wala na si Isadora (end of flashback.) Parang luka-lukang tumatawa si Isadora at sinabi kay Catherine na wala itong bilib sa kanya dahil nakatakas na sya, nakuha pa nya ang pera. Sumagot si Catherine kay Isadora at sinabing madami nga daw itong pera pero hindi nito mai-enjoy iyon dahil criminal sya at hindi nya pwedeng ipakita ang mukha sa labas.

- Sa dining room, nag-uusap sila Toby at Sofia, nandoon din si Louella, nagkakape silang tatlo. Naitanong ni Sofia kung umalis ba daw ang kanyang Ate Catherine, sagot naman ni Toby na iyon ang sabi sa kanya nang kanyang Kuya at may iniwan daw na sulat si Catherine dito, at ang sabi ay ayaw nang magpakasal ni Catherine sa kanya. Naiiyak at sinabi ni Louella na hindi iyon totoo dahil nagkausap pa sila ni Catherine kanina at excited na excited ito. Maski si Sofia ay naniniwala sa sinabi ni Louella dahil masaya daw ang kanyang kapatid nang magkabalikan sila ni Rafael at hindi ito basta-basta nalang aalis. Si Toby naman ay naguguluhan na din, at nasaan na daw si Catherine? Si Louella naman ay naisip na konektado ang pagkawala ni Catherine sa mga pangyayari nung mga huling araw. Sinabi nya kina Toby at Sofia na may natanggap itong sulat at ang nakalagay doon ay magbabayad daw si Catherine. Natakot si Sofia dahil parang iniisip ni Louella na baka may masamang nangyari sa kanyang kapatid. Hindi na sumagot si Louella at naiyak lang.

- (Back to Isadora and Catherine…)

Isadora: Hindi ako ganon kadaling dispatsyahin, kasi (then slapped Catherine) hindi ako mamamatay, at hindi ko papayagan na mamatay ako hangga’t hindi mo napagbabayaran ang lahat nang kasalanan mo sa akin!! (then punched Catherine.) Gusto mo, isa-isahin ko sa iyo? (Catherine is trying to get loose.) Hahahaha! Sige, hahahaha! Iisa-isahin ko! Una muna, (Isadora starts to cry) ang hacienda…hindi mo alam kung ano ang pinuhunan ko doon para mapunta sa akin ang hacienda. BUONG BUHAY KO! (she hit Catherine again.) Tapos kinuha mo sa akin nang ganon-ganon lang?! Ha?! LAHAT! Lahat-lahat ang ari-arian ko!! Ang kasaganahan sa buhay…iyon lang naman ang pinangarap ko eh. Iyon lang naman ang pinangarap ko, ang maging masagana ako sa buhay. Pero lahat iyon kinuha mo. Pero alam mo kung saan kita hindi mapapatawad? Alam mo kung ano ang pinakamalaking bagay na kinuha mo sa akin?! Una, si Miguel. Nun paman, inagaw mo na sa akin ang pagmamahal ni Miguel. (She chokes Catherine) Naririnig mo ba ako, ha?! (Catherine is still trying to get loose. Isadora did let go of her neck and continues her story.) Tapos hindi ka pa makuntento, humirit ka pa eh. Humihirit ka pa hanggang sa huli! Pati yung bunsong anak kong si Sofia ay kinuha mo pa sa akin! Ha?! (Isadora kicked Catherine on her leg. Isadora cries and she walked a few steps away. She saw herself on the mirror and got so disturbed. She went crazy and fired a few gun shots. She got so mad and kicked Catherine off the ground; screamed and pointed the gun on Catherine, ready to kill her.)

- Sa bahay naman nila Rafael ay naglalasing ito. Nakita sya ni Toby at pinatitigil syang uminom, nagreklamo si Rafael at sinabing kulang pa nga ang kanyang iniinom. Napailing lang si Toby at sinabing walang magagawa ang alak, mabuti pang hanapin nalang nya si Catherine kesa naglalasing sya. Nagalit si Rafael at sinabi kay Toby na wala na ngang gusto sa kanya si Catherine, hahanapin pa nya? Ilang taon na daw syang naghintay, ilang beses na syang naghabol, at kung ayaw na daw sa kanya ni Catherine ay ayos lang iyon, tutal naman daw ay maraming babae sa mundo. Patuloy parin sa pag-inom nang alak si Rafael. Kukuha pa ulit sana nang alak si Rafael pero inilayo na ito ni Toby at sinabing hindi sya iniwan ni Catherine. Hindi daw naniniwala sila Louella at Sofia na umalis si Catherine dahil excited at masaya ito sa kasal nila, bakit daw ito aalis agad? Alam daw nang kanyang Kuya na mahal sya ni Catherine, hindi nya iyon magagawa sa kanya. Nag-walk out na si Toby pagkatapos sabihin iyon. Napa-isip si Rafael.

- Si Vernon naman ay dumating sa pinagtataguan nila kay Catherine. Nakita ni Vernon na nasa lapag si Catherine, tinanong kay Isadora kung patay na ito. Natawa lang si Isadora at sinabing pinaputukan lang nya, takot pala daw sa putok si Catherine kaya nahimatay. Ginigising ni Isadora si Catherine pero hindi ito kumikilos. Kinakausap pa ni Isadora si Catherine at sinasabing baka nagdra-drama lang ito o talaga bang nahimatay, baka daw nagtatampo sa kanya. Pilit paring ginigising ni Isadora si Catherine.

- Nagpunta ang mga pulis sa bahay nila Rafael. Pinapagalitan ni Rafael ang mga pulis, pati na din ang kanyang assistant dahil wala pa silang nalalaman kung nasaan si Catherine. Sumagot naman ang assistant ni Rafael at sinabing nag-hire na sila nang private investigators. Galit parin si Rafael at sinabing para silang walang ginagawa. Sumabat ang isang pulis at sinabing nasa edad na si Catherine, at kung gusto naisipan maglayas ay hindi na nila kargo iyon. Sinabi ni Rafael sa mga pulis na hindi naglayas si Catherine at dinukot ito. Sumagot naman ang isa pang pulis at sinabing walang pruweba ang nagsasabi nun dahil nag-iwan ito nang sulat at walang foul play. Gusto sanang magwala sa galit ni Rafael pero pinigilan sya ni Estelle at sinabing huwag daw ibunton sa kanila ang galit nya. Naibunton naman ni Rafael ang galit sa kanyang ina at sinagot nya ito, tinanong kung sino ang sisisihin nya sa pagkawala ni Catherine? Sa sobrang inis ay nag-walk out nalang si Rafael.

- Si Vernon naman ay tinatanong kay Isadora kung ano ang balak kay Catherine, gusto na nyang patayin ni Isadora si Catherine dahil pahamak daw ito. Nairita si Isadora kay Vernon at sinabing mapapakinabangan pa nya si Catherine dahil pwede daw syang humingi nang ransom kay Rafael. Sabi naman ni Vernon na marami na silang pera, pero sabi naman ni Isadora na mas masaya kung mas marami. Natawa lang sila pareho at aminado si Vernon na tama si Isadora. Ginising ulit ni Isadora si Catherine pero hindi ito kumikilos. Kinakausap ni Isadora si Catherine at sinasabi na hindi sya ganon kasama sa kanya, ang bait-bait nga daw nya kay Catherine dahil may naisip daw sya. Bibigyan daw nya nang company/bestfriend si Catherine, yung isa pang traydor sa buhay nya – si Scarlet. Biglang nagsalita si Catherine at sinabing huwag daw sasaktan ni Isadora si Scarlet dahil nagdadalang-tao ito. Nainis si Isadora dahil madami daw arte si Catherine, magsasalita din lang pala. Ano naman daw ang pakielam nya kung buntis si Scarlet? Sabi naman ni Catherine na kapag sinaktan ni Isadora si Scarlet ay parang sinaktan din nya ang dugo’t laman nya dahil anak ni Miguel ang dinadala ni Scarlet. Natawa lang si Isadora at hindi naniniwala kay Catherine, sinungaling daw ito. Ang alam ni Isadora ay si Rafael ang ama nang bata. Pinagpilitan ni Catherine at maniwala daw sa kanya si Isadora na si Miguel ang ama nang bata. Ayaw paring maniwala ni Isadora kay Catherine, plano parin ni Isadora na kunin si Scarlet at iparamdam dito ang kanyang kamandag.

Teasers:

- Naiiyak si Miguel at iniisip na baka kagagawan iyon nang kanyang ina, pero at the same time ay na-i-imposiblehan sya.

- Sinabi ni Winnie kay Scarlet na nasa balita na buhay pa si Isadora at inannounce na sa public na wanted ito sa mga pulis, hindi na daw ito magpapakita kay Scarlet. Galit na galit si Scarlet at hindi daw sya papayag na ganon nalang iyon. Maghahanap daw sya nang taong pwedeng pumatay kay Isadora.

- Kinausap ni Scarlet si Marco. (Mapapansin na hindi na malaki ang tiyan ni Scarlet.) Pumayag si Marco na makipag-deal kay Scarlet.

- Nagbreak-in si Isadora sa bahay ni Scarlet. Ginulat nya si Scarlet. Nang makita ni Scarlet na bubunot nang baril si Isadora, hindi ito nag-dalawang isip na barilin si Isadora. Tinamaan si Isadora malapit sa dibdib.
Read more of this article

Read the transcript of episode 78 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Pag uwi nila nang bahay, sinasabi ni Scarlet kay Miguel na paano nakita ni Maggie si Isadora ganong imposible daw iyon. Inalala naman ni Miguel ang kalagayan ni Scarlet dahil sobra itong nag-aalala, baka daw makasama sa bata. Sinabi na din ni Miguel kay Scarlet na nag-usap sila ni Rafael at posibleng buhay daw ang kanyang mommy. Lalong natakot si Scarlet at paano na daw sila ni Maggie ngayon? Sabi naman ni Miguel kay Scarlet na kilala nya ang kanyang mommy, hindi nito sasaktan ang pamilya nya. Sagot naman ni Scarlet na siguro nga silang mga pamilya ni Isadora ay hindi nya sasaktan, pero sya ay siguradong sasaktan dahil galit sa kanya si Isadora. Inalo naman ni Miguel si Scarlet at sinabing pro-protektahan nya ang kanyang mag-ina, kung kinakailangan nyang mag-stay doon sa bahay ni Scarlet ay gagawin nya. Medyo nawala naman ang takot ni Scarlet.



- Si Marco naman ay sinundo nang mga tauhan nya dahil nakalaya na ito. Walang ikakaso sa kanya, isa lang (daw) kasi syang concerned citizen na gustong humili sa puganteng=fugitive si Catherine. Tinanong sya nang mga tauhan kung uuwi na sila sa bahay, pero sabi ni Marco ay hindi pa dahil marami pa syang dapat gawin, marami syang dapat singilin.

- Sa Hacienda Amadesto ay nasa garden si Sofia, malungkot at nag-iisip. Nakita sya ni Toby and he tried to cheer her up. Nalulungkot si Sofia dahil she grew up there at lahat nang memories nya doon ay kasama ang kanyang ina. Sabi naman ni Toby na isipin nalang daw ni Sofia na nandoon ang mommy nya. Naiiyak parin si Sofia at sinabi na iyon din nga ang feeling nya, na parang binabantayan sya nang mommy nya. Niyaya nalang ni Toby na i-ikot sila ni Sofia (with their friends) sa kanilang hacienda.

- Si Scarlet at Catherine naman ay nag-uusap. Pinupuri ni Scarlet si Catherine dahil pinaganda nito ang hacienda at masaya sya dahil pumunta sya doon. Si Catherine naman ay nagpasalamat kay Scarlet dahil sa sinabi/statement nito, kaya sya na-absuwelto. Sabi naman ni Scarlet na sya dapat ang magsorry kay Catherine dahil sa dinami-dami nang pinagdaanan nilang dalawa, nagawa parin syang tulungan nung muntik na syang makunan, utang daw nya kay Catherine ang buhay nang anak nya at hindi daw nya alam kung paano nya mababayaran si Catherine. Sagot naman ni Catherine ay ang bigyan sya ni Scarlet na maging magkaibigan sila, ang makapagsimula silang muli – iyon lang. Bahagyang ngumiti si Scarlet at sinabi kay Catherine na meron syang dapat malaman. Nilabas ni Scarlet ang note nang huling bilin ni Martin, sinabi nya kay Catherine na ginawa daw iyon nang kanyang Papa sa ospital pagkatapos nitong maaksidente. Halos maiyak-iyak si Catherine, hindi nya inabot ang papel kay Scarlet pero tinanong nya kung ano ang nilalaman nun. Binasa ni Scarlet ang sulat: “Catherine, I believe you. Pinagsisisihan ko ang mga sinabi ko sa phone video. You’re still my wife. – Martin” Naiyak si Catherine, inabot ang papel at binasa nyang muli. Masaya si Catherine dahil napatawad din pala sya ni Martin, nagpasalamat sya kay Scarlet. Nagsorry si Scarlet kay Catherine at sinabi nya na matagal nang nasa kanya ang sulat na iyon pero tinago nya iyon kay Catherine dahil sa sobrang galit nya dito. Sabi naman ni Catherine na naiintindihan nya si Scarlet dahil sobra din naman ang pinagdaanan nilang dalawa. Nakangiting sinabi ni Scarlet na pwede nang kunin ulit ni Catherine ang lahat nang iniwan nang kanyang Papa sa kanya. Tumanggi si Catherine at katulad daw nang sinabi nya dati, hindi sya maghahabol sa pera nila dahil pera iyon ni Scarlet dahil sya ang anak ni Martin, sya ang rightful heir. Sabi naman ni Scarlet na pinakasalan si Catherine nang kanyang Papa at asawa parin sya nito, kaya merong karapatan si Catherine doon. Sagot naman ni Catherine na masaya na sya kung ano ang meron sya ngayon, nalaman nya na hindi nya kailangan nang ganong kalaking pera para maging masaya. Sabi naman ni Scarlet na wala nang kailangan si Catherine, pero sagot ni Catherine na meron din syang kailangan dahil hindi perpekto ang buhay nya, pero nalaman nya na hindi mabibili nang pera ang tunay nyang kailangan, ang tunay na makakapagpaligaya sa kanya. Napag-isipan din ni Scarlet ang mga sinabi ni Catherine.

- Ipinasyal naman nila Toby at Sofia ang kanilang mga kaibigan around the hacienda. Masaya silang lahat.

- Pagkatapos nilang mag-usap, inimbitahan ni Scarlet si Catherine for a dinner on Saturday. Tinanong naman ni Catherine kung ano ang meron, sagot ni Scarlet na meron lang syang importanteng sasabihin kay Catherine. Tanong naman ni Catherine kung ayaw sabihin sa kanya ni Scarlet ngayon? Pero ang gusto ni Scarlet ay sa saturday nalang. (Naku, kung sa sabado iyon, wala akong text update. Joke lang, hihihi. – Ara) Papaalis na sila Catherine nang biglang may narinig silang putukan, may nagpaputok nang baril. Takot na takot sila Scarlet at Catherine.

- (Next scene) Dumating ang mga pulis (nandoon din si Miguel) at tinanong sila Catherine kung nakilala nila ang gumawa nun. Sabi naman ni Catherine na mabilis ang mga pangyayari at wala silang nakita. Nagtanong ulit ang pulis kung meron silang nakitang kakaiba, nagtaray na si Scarlet at sinabi na nilang mabilis ang pangyayari at nagkaroon nang putukan doon, paano daw nila mapapansin iyon. Inawat at inakbayan naman ni Miguel si Scarlet at sinabing ginagawa lang daw nang mga pulis ang trabaho nila, at wala din namang maibigay na information sila Catherine kaya ganon daw talaga. Sabi naman ni Catherine na wala naman silang maisip kung sino ang gustong gumawa noon sa kanila. Tinanong nang pulis kung meron daw silang naisip kung sino ang pwedeng magtangka sa kanila. Naisip naman bigla ni Miguel si Marco. Nagtaka naman si Catherine dahil nakakulong na si Marco, sinabi ni Miguel na napiyansahan na si Marco at malaya na ito, posibleng sya ang may gawa nun. Si Scarlet naman ay sinabi kay Catherine na paano kung hindi pa patay si Isadora? Nakaramdam nang takot si Catherine.

- Pinuntahan ni Miguel si Marco sa resthouse nito. Nang makita sya ni Marco, halos mawalan ito nang ganang kumain at sinabing ang lakas daw nang loob magpakita ni Miguel sa kanya, pagkatapos daw syang pagtangkaan at ipakulong, nakuha pa daw nitong humarap sa kanya. Sagot naman ni Miguel na kung matatandaan daw ni Marco, nananahimik sila ni Catherine, sya ang sumugod sa kanila. Sabi naman ni Marco na may punto doon si Miguel pero malaki parin ang atraso ni Miguel sa kanya. Kinuha ni Marco ang baril nang isa nyang tauhan at tinanong si Miguel na kung barilin nya kaya ito sa kinatatayuan nya. Hindi naman natakot si Miguel at sinabing subukan lang daw ni Marco, marami daw nakakaalam na pumunta sya doon at kapag may nangyari sa kanya, si Marco lang ang ituturo na pumatay sa kanya. Tumawa si Marco at sinabing tuso talaga si Miguel, manang-mana daw ito sa ina. Tinanong ni Marco kung ano ang kailangan sa kanya ni Miguel. Sinabi ni Miguel na pinagtangkaan na naman ni Marco ang buhay ni Catherine. Nagulat si Marco at sinabing nananahimik sya doon. Sabi naman ni Miguel na sya lang naman ang gagawa nun. Sagot naman ni Marco kung gusto nyang gawin iyon, dapat ay nakaburol na ngayon si Catherine. Nagtaka naman at huwag daw sabihin ni Marco na wala syang kinalaman doon? Biglang iniba ni Marco ang usapan at kinamusta ang ama ni Miguel, balita daw nya kasi ay nawawala ito. Tinanong ni Marco kung kino-contact ni Vernon si Miguel. Sabi ni Miguel ay hindi. Ipinasabi nalang ni Marco kay Miguel na malaki ang atraso ni Vernon sa kanya, nilimas daw nito ang lahat nang alahas at pera sa safe nya, hindi sya papayag na ninakawan sya. Sabihin din daw ni Miguel kay Vernon na maniningil sya. Hindi kumibo si Miguel at umalis nalang.

- Sa bahay naman nila Catherine, kausap nya si Louella at sinabi nya na tumawag sa kanya si Miguel at hindi daw si Marco ang nagtangka sa kanya. Kinabahan naman si Louella at hindi nya alam kung totoo iyon. Maski si Catherine ay naguguluhan din, sabi pa nya na sinubukan nga syang dukutin ni Marco dati pero dahil iyon sa pera/reward money. Ano naman daw ang motibo nito, nilagay nya ang pera ni Marco sa Dela Rhea Foods para maging malaking investment, at wala daw syang makitang dahilan para ipapatay sya ni Marco dahil mas kailangan sya nito nang buhay kesa patay. Si Louella naman ay hindi parin maisip kung sino pa ang natitira, ganong ok na sila ni Scarlet at Estelle. Sabi naman ni Catherine may isa pa – si Vernon. Siguro daw ay gumaganti ito sa kanya dahil sa pagkamatay ni Isadora.

- (Next scene) Nag-aayos si Catherine dahil aalis ito. Sinabi nya kina Sofia na magkikita sila ni Scarlet. (Ah, sabado na pala sa kanila, hihihi. – Ara) Inalala naman ni Sofia ang nag-threat sa buhay ni Catherine. Sabi naman ni Catherine na kung talagan gusto syang patayin, kahit doon sa loob nang bahay nila ay kayang-kaya syang patayin. Nagalit naman si Louella at pinababawi kay Catherine ang sinabi, mag knock on wood daw sila. Inexplain naman ni Catherine na ayaw nyang maging preso sa sarili nyang pamamahay at higit sa lahat ay ayaw nyang mabuhay na punong-puno nang takot. Pinag-iingat nalang ni Sofia ang kapatid. Sabi naman ni Catherine na huwag silang mag-alala, nagpromise pa ito.

- Nagkita sila Catherine, Rafael at Scarlet sa dating mansion nila Isadora sa hacienda. (Teka, kanino na ang mansion na ito? – Ara)

Scarlet: Meron akong gustong sabihin sa inyong dalawa. Hindi ko nga din alam kung bakit ko pa pinatagal ito nang ganito eh. Napakarami kong ginawang mali sa buhay ko na hindi ko iyon kayang ipagmalaki.

Catherine: Scarlet, diba napag-usapan na natin ito?

Scarlet: Hindi pwedeng ganon-ganon nalang iyon Catherine. (Rafael is just listening.) Masyado tayong nagpadala sa galit natin sa isa’t isa dati. Sa sobrang galit natin noon, lahat gagawin natin para masaktan lang natin ang isa’t isa. Nag-isip ako nang paraan kung paano kita masasaktan nang sobra-sobra. Inisip ko, kapag inagaw ko sa iyo si Rafael, sigurado akong masasaktan kita dahil masisira ko ang relasyon nyong dalawa. Pero hindi, hindi naman ako nagtagumpay, hindi ba? Catherine, hindi ko maagaw sa iyo si Rafael dahil ikaw lang ang mahal nya. Nakakatawa, dahil ginawa ko na ang lahat, lahat ginawa ko na – blinackmail ko na si Rafael, pero walang kwenta. Rafael, kaya ka hiniwalayan ni Catherine ay para protektahan ang pangalan mo at ayaw nyang madungisan ang pangalan mo. (Scarlet took out a brown envelope.) Eto, hindi ko na kailangan ito. (She left it on top of the coffee table.) Sa inyo na yan. Simula ngayon, Catherine, hindi ko na gagamitin yan laban kay Rafael. Ipinapangako ko, hinding-hindi ko na kayo hahadlangan. I’m sorry. I’m very sorry for all the troubles that I’ve caused. And for the record…hindi si Rafael ang ama nang dinadala kong bata. Catherine, wala talagang nangyari sa amin nung gabing iyon. I’m sorry…

Rafael: Catherine, gusto mo bang magsalita?

Catherine: (teary eyed) Anong gusto mong sabihin ko?

Rafael: (took her hand) Hindi ka ba natutuwa? Hindi ako ang ama nang anak ni Scarlet.

Catherine: (crying) Kahit naman noon…hindi ko alam o kahit na may nangyari sa inyo ni Scarlet, napatawad na kita. Kahit alam ko yung consequences, handa kong tanggapin ang bata. (Scarlet was touched and starts to cry.) Ginamit ko ang pagbubuntis ni Scarlet para lang…makipaghiwalay sa iyo, dahil ayoko ngang madungisan ang pangalan mo. (Sobs) pero noon pa man, napatawad na kita. At handang handa na akong tanggapin ang batang yan sa pamilya namin. (Catherine leaned on Rafael. Scarlet felt good.)

Rafael: Uhm, Scarlet, by the way, huwag mong kakalimutang magpunta sa kasal namin. (Rafael kissed Catherine on her lips. Scarlet is so happy for them.)

- (Next scene) Masayang masaya sila Toby, Sofia, Estelle at Rafael sa bahay nila.

- (Next scene) Araw na nang kasal nila Catherine at Rafael. Motiff nila ay red and yellow-orange (yun ang tingin ko. – Ara) Maganda si Catherine sa kanyang simple but elegant gown. Maiyak-iyak si Sofia sa tuwa. Masaya din sina Estelle and Scarlet for Catherine and Rafael. Naglalakad na sa aisle si Catherine, nandoon si Miguel malapit sa may altar, waiting for her…biglang lumabas si Rafael. Bestman lang si Miguel. (Si Catherine naman ay parang gustong malito. Ito lang ang observation ko ha. Teka, ano ba ito, panaginip lang? – Ara)

Teasers:

- Natutulog si Scarlet sa kanyang kwarto at bigla itong naalimpungatan. Kinakabahan sya kaya nya kinuha ang baril na nasa ilalim lang nang kanyang unan. Tinawagan nya agad si Miguel. Nag-alala naman si Miguel kay Scarlet. Hindi pa tapos ang kanilang pag-uusap, parang may nangyari na kay Scarlet.

- Naglalakad si Sofia at may isang kotseng pumarada. Akala ni Sofia ay iyon ang bagong kotse nang kanyang Kuya. Paglapit nya, nagulat sya sa nakita kung sino ang sakay nang kotseng iyon.
Read more of this article


 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!