Concerned si Cynthia kay Melanie? - Walang Kapalit
0 comments Posted by Ethanne at Friday, July 27, 2007Inuwi ni Miguel si Vanessa sa kanilang bahay. Si Vanessa ay muntik nang ma-rape dahil sa paghihintay kay Anton. Mabuti na lang at dumating si Miguel at nailigtas siya.

Kinabukasan ay nagpasya nang umuwi si Vanessa. Ngunit bago ito umuwi ay binigyan muna siya ni Melanie ng tseke pambayad sa ospital ng ama nila ni Ronald.

Binisita naman ni Dr. Victor, asawa ni Cynthia, si Noel sa site nito kasama ang kapatid ni Cynthia na si Brian. Nag-aalala si Dr. Victor sa mga ikinikilos ni Cynthia lalo pa at nalaman nitong kinuha ni Cynthia si Noel upang maging architect ng ipapatayo nilang bahay.


Nagalit naman si Vanessa kay Anton nang makita niya ito sa kanilang bahay.



Nalaman ni Ronald na may ibinigay na pera si Melanie kay Vanessa. May naisip itong maitim na plano... nauto niya ang kanyang ina upang tawagan si Melanie at papuntahin sa bahay nito upang magpasalamat kunwari.




Nagulat naman si Melanie nang makita si Cynthia sa opisina nila. Kay Cynthia niya nalaman na si Noel ang gagawa ng ipapatayo nitong bahay. Nagalit si Melanie dahil pinaglilihiman diumano siya ni Noel.






Kunwaring concern ay dinamayan ni Cynthia si Melanie sa galit nito kay Noel. I'm sure deep inside ay tuwang tuwa si Cynthia sa takbo ng mga pangyayari.





Read more of this article
Hindi na maikakaila ang matamis na pagmamahalan ng dalawang sikat na cooks na sina Mito at Ysay. Labis namang nasasaktan dito si Georgia na hanggang ngayon ay mahal pa din si Mito.







Sinubukan siyang kausapin ni Ysay ngunit binalewala lang niya ito.

Dahil dito ay pinuntahan ni Georgia ang kanyang ama upang ibigay ang kanyang resignation at maipatanggal si Ysay sa network. Pero nag-suggest ang kanyang ama na si Mito ang tanggalin dahil si Ysay ang nagdadala ng ratings.

Nagkausap na sina Mito at Sophia tungkol sa job offer na maging chef sa Florencia's. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang dumating si Victoria at nagbanta kay Mito. Huwag daw niyang tanggapin ang offer ng Florencia's kungdi ay pababagsakin siya ni Victoria.












Pinag-iisipan pa lang nila Mito ang offer nang sa pag-uwi ng kanyang ama ay sinigawan siya at sinabihan na huwag tanggapin ang offer ng Florencia's. Malakas ang kapit ni Victoria, kahit sa law firm ng ama ni Mito ay may koneksyon siya.


Samantala ay itinuloy ni Alex ang kanyang Open Mic Night. Hinihintay niya sina Ysay ngunit hindi sila nakarating dahil nga sa problema ni Mito. Kaya ang nangyari ay nawalan ng confidence si Alex at hindi naging maganda ang performance nito.





Read more of this article
Subscribe to:
Posts (Atom)






