Google
 

Sorry for the inconvenieoce, clips from episode 73 was not recorded. Here's episode 74 of "Tayong Dalawa" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Nag-away ang dalawang David Garcia (what else is new) dumating sina Rita, Marlene at Angela para umawat. Yada, yada, yada.

Sinabi ni Audrey kay JR na sana huwag na niyang pinatulan si Dave. Sinabi ni JR na alam niya ang kayang gawin ni Dave (what?!). Tama na raw sabi ni Audrey, she’s his naman daw at don’t forget na mabuting tao si Dave at hind siya nito sasaktan.

Sinabi ni JR na imposible na silang magkabati ni Dave, matagal na raw siyang nagtitimpi. Sa susunod na banggain daw siya ni Dave, hindi na niya ito uurungan. Masaya naman si Ramon sa nangyayari.


In-announce ni Marlene sa board meeting na inappoint niyang presidente ng kumpanya si Dave. Hindi makapaniwala si Dave at hindi niya ito tinanngap. Iniisip niya na may gustong kapalit si Marlene. Sinabi ni Marlene na gusto lang niyang tulungan si Dave. Hindi raw makukuha ni Marlene ang loob niya dahil kinamumuhian niya ito.

Nag-walk out si Dave. Nakita niya si Audrey. Tinanong niya kung ano raw ang balak ng pamilya ni JR sa kaniya (as if naman na sasabihin sa iyo ni Audrey no).

Nag-iiyak si Marlene at dinalhan siya ng tubig ni Angela. Sinabi ni Marlene kay Angela ang totoong pagkatao ni Dave.

Binisita ni Stan sina Stanley at Lily. Ibinalita ni Stan sa tatay at lola ang tungkol sa P5M na ibinigay ni Marlene kay Angela.

Pinipigilan ni Greta si Ramon tungkol sa kung ano man ang binabalak niya kina JR. Kapatid pa rin daw niya si JR kahit na ano ang mangyari. Dinedma lang siya nito. Pagdating ni Ramon sa kung nasaan si Olivia, naabutan niya itong galit. Binantaan na naman siya ni Olivia.

Sinabi ni Audrey kay Angela na kinakabahan siya, baka raw kasi anong gawin ni JR kay Dave. Sinabi ni Angela na ganoon lang daw talaga ang mga lalaki.

Pinasok nina Ramon ang kwarto ni Audrey. They just made sure na magigising lang si Audrey thinking na they are going to rape her. Sumigaw si Audrey, nakalabas na sina Ramon. Narinig ni Stan na Dave ang pangalan ng isa sa kanila.

Tumawag ng mga pulis sina Audrey. Naroon na ri si Audrey. Hindi na niniwala si Audrey na si Dave ang nanloob sa kanila. Ayaw maniwala ni JR.

Naglalasing naman si Dave.

Sinugod ni JR si Dave. Nagbunutan na sila ng baril. Natutukan. Humabol sina Audrey (NAGKAROON PA NG ORAS SI AUDREY PARA MAGBIHIS LOL). Sinabi ni Audrey na huwag silang magpatayan dahil magkakambal sila. (LOL bakit kung mag-half brothers lang sila pwede silang magpatayan?)

Ayaw nilang parehong maniwala siempre. Dumating lumabas sina Elizabeth at Ingrid. Nanakit ang dibdib ni Elizabeth at pinaalis na nina Ingrid sina JR.

May mga dumating na taga-NBI para i-question si Dave. Pero matibay ang alibi ni Dave dahil nasa bar ito buong gabi and the bartender confirmed. (In your face JR!!!)

Galit na galit si Ingrid. Ipapa-DNA test daw niya si Dave para lang maisampal niya sa pagmumukha nina Marlene ang resulta.

Blah blah blah. Sinabi ni Marlene na sana raw matanggap na ni JR si Dave. Sinabi ni JR na hindi niya kaya for now.

Hindi na nakayanan ni Elizabeth, ipinagtapat na niya ang totoo kay Ingrid.

Stillborn ang batang ipinanganak ni Ingrid at ayaw niyang bumalik ito sa dati niyang sakit kaya binili niya ang anak ni Marlene. Lumuhod si Elizabeth sa harap ng anak, dumating si Dave at hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Tahimik namang kumakain ang pamilya ni Marlene. Si Ramon lang ang may appetite (LOL). Humingi ng tawad si Rita kay JR pero umalis lang si JR.

Hindi matanggap ni Dave ang totoo.

Nag-be-vent out naman si JR kay Audrey.

Inatake ng puso si Elizabeth at dinala siya sa ospital. She’s still alive.

Nalaman ni Marlene na inatake sa puso si Elizabeth.

Sinabi ni Ingrid kay Dave na magpapa-DNA test sila para makasigurado, pero sinabi ni Dave na si Ingrid ang ina niya at hindi nila kailangan iyon. Si Ingrid daw ang ina niya at walang makakapagbago noon. Gusto lang daw malaman ni Ingrid ang totoo.





0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!