We would like to thank Pinoy TV Junkie for this wonderful transcript.
Enrollment na. Nakita ni Toby sa campus si Sofia.
Toby : Ano tapos ka na bang magpa register? Nakuha mo ba lahat ng subjects mo?
Sofia : Toby, hindi na kasi ako mag-aaral this sem eh, kaya lang ako nandito para kunin yung clearance ko at saka things ko sa locker.
Toby : Teka, anong hindi mag-aaral?
Sofia : Maraming problema ang pamilya namin.
- Aalis na sana si Sofia pero pinigilan siya ni Toby
Toby : Sofia, pag-usapan muna natin ito.
Sofia : (naiiyak) Kailangan ko na talagang umalis.
-Walang nagawa si Toby kundi tingnan na lang ang papalayong si Sofia.
Dinalaw ni Isadora ang kaibigang si Estelle Torralba
Isadora : Naku hindi ko maintindihan dyan sa mga anak natin, ang titigas ng ulo. Mabuti na lang si Miguel naka move-on na.
Estelle : Hindi ko nga alam kung paano pipigilan ang kasal eh.
Isadora : Naku! Alam mo naman ang mga bata mentras pinipigilan, lalong nanggigil gawin ang isang bagay.
Estelle : Pero alangan namang pabayaan ko na lang matuloy ang kasal
Isadora : Mare kung hindi mo kayang pigilan yung kasal, bakit hindi kaya i-delay mo na lang?
Estelle : Paanong i-delay?
Isadora : Magdahilan ka sa kanila. Mawalang galang mare ha, o pero di ba kamamatay lang ni pareng Enrique at saka ni Rolando? O sabihin mo sa kanila malas na gawin iyon, di ba kasi meron tayong kaugalian sa pinoy?
Estelle : Anong kaugalian?
Isadora : Ang sukob. O hindi puedeng magpakasal pag merong namatay sa isang pamilya sa loob ng iisang taon.
Estelle : Naku nagsalita na si Raphael eh, sabi nya pagkababang luksa daw ng kanilang mga ama… itutuloy na raw ang kasalan.
Isadora : E di iba na lang mare, sabihin mo na lang sa kanya, malas magpakasal hangga’t hindi pa nakikita ang hustisya sa pagkamatay ni pareng Enrique. O di ba it’s a good idea?
Estelle : Isadora parang you making me decide between a rock and hard place. Parang pinapipili mo ako sa dalawa… either mahanap na yung nag-ambush o magpakasal ang anak ko. Alam mo syempre gusto kong mahanap yung nag-ambush, pero kung sakali mangyari na iyon ibig sabihin nun magkakasal na si Raphael kay Catherine, e di ayaw ko ‘yon.
Pinuntahan ni Sofia si Lola Aura.
Lola Aura : Ay naku! Akala ko ngayong lumipat na kami ng ibang tirahan, hindi mo na kami masusundan.
Sofia : Pasensya na ho kayo, alam ko hong nakukulitan na kayo sa akin. But I’m desperate for some answers
Lola Aura : Noong huli tayong magkita sabi ko sa iyo, kung meron kang gustong malaman itanong mo sa ina mo.
Sofia : Marami ho kasing dinadala si Mommy, ayoko hong makisali sa mga problema nya. Gusto ko lang hong malaman… bakit sinabi ni Mnang Rolando na hindi ako Castillejos? Kung ganun sino ang tunay kong ama? Sorry po pero hindi ako titigil hangga’t hindi ho ninyo ako sinasagot.
Lola Aura : Bweno sasabihin ko na sa iyo kung ano ang nalalaman ko. Kasi ang ina mo nagkaroon ng ibang lalaki bago ka ipinanganak.
Sofia : Sino po?
Lola Aura : Hindi ko alam pero nakita sila ni Rolando doon sa koprahan
Sofia : (nangingili ang luha) At dahil doon nanghihinala ho si Mang Rolando na anak ako ni Mommy sa ibang lalaki?
Lola Aura : Oo kasi pagkatapos nyang sabihin yun, sinesante sya, inalis sya doon sa asyenda.
Sofia : Pero bakit ho ako binigyan ng bracelet ni Mang Rolando? Nakita ko ho parehong pareho ng kay Catherine.
Lola Aura : Siguro dahil ilang beses na tinanggihan ni Catherine ang kanyang inaalok na pagmamahal bilang ama… siguro binaling na lang nya sa iyo. Ganun lang iyon, hwag mo nang intindihin iyon.
Sa office ni Cong. Raphael Torralba, may iniabot ang isang bodyguard sa congressman — listahan ng mga dumalaw kay Mang Rolando sa hospital. Tiningnan maigi ni Raphael ang listahan.
Raphael : Madalas doon si Sofia.
Bodyguard : Halos araw araw po
Raphael : Naging malapit sila sa isa’t isa mula nung magtrabaho doon si Mang Rolando sa bahay nina Toby at Sofia. Nandodoon si Isadora noong araw na mamatay si Mang Rolando.
Bodyguard : Opo Sir, kasama nya ang anak nyang si Sofia.
Raphael : Binantayan ba ninyong mabuti ang ICU? Meron bang ibang pumasok doon?
Bodyguard : Wala po Sir. Kung iniisip ninyong nasalisihan tayo o na foul play, malabo po iyon. Magdamag po kaming nakabantay doon.
-Napapa-isip si Raphael sa natuklasan na pagpunta ni Isadora sa ICU.
Nakipagkita si Lola Aura kay Isadora sa breakwater
Isadora : It’s been a long time Aura. Na miss kita. Pero sa lahat naman ng lugar kung saan tayo puedeng magkita, bakit naman dito pa? Ang daming nagde-date, unless gusto mo humanap din tayo ng ka-date natin.
Lola Aura : Wala akong panahon sa mga kalokohan mo Isadora. Dito kita pinapunta dahil dito namin isinaboy ang mga abo ni Rolando.
Isadora : Ah dito ba? Kawawa naman ang dagat lalong mangingitim… mapo-polute. Eh sa itim ng budhi ni Rolando lalong dudumi yan. O baka naman may hinihintay ka pang iba Aura. Gusto mo ba akong makitang mag-breakdown? Huhuhu! Rolando, bakit mo ako iniwan? Masyadong madrama, ayoko na nun.
Lola Aura : Bakit hindi mo subukan na humingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kawalanghiyaan mo?
Isadora : Dahil wala akong kasalanan. Wala akong pinagsisisihan dahil wala akong kasalanan. Ikaw naman kasi Aura, masyado kang nagpapaapekto hindi kita maintindihan.
Lola Aura : Ang yabang mong magsalita, duwag ka naman. Ni hindi mo maamin sa anak mo na ama nga nya si Rolando.
Isadora: Dahil hindi iyon totoo. Si Don Victor Castillejos ang ama ni Sofia, wala nang iba.
Aura: Kapatid ko si Victor, alam ko baog sya
Isadora: Masyado ka nang napag-iiwanan nang panahon Aura. Alam mo namang well-travelled kami ni Victor. Sa Europa, sa America… ang mga baog nagkaka-anak.
Aura: Kaya mong patunayan ‘yan?!
Isadora: Kaya mong patunayang hindi? Sige, ipa-DNA test natin si Sofia. Salukin natin at salain ang abo ni Rolando, galing dyan mismo (sa dagat)
Aura: Wala akong pakialam kung anak nga si Sofia ni Rolando. Ang akin lang yung anak mo, rendahan mo. Dahil hindi nya ako tinitigilan ng kakaurirat tungkol sa tunay nyang pagkatao at naghihinala sya na si Rolando ang ama nya
Isadora: Masyado ka kasing pa-involve eh. Teenager lang ang anak ko, wala syang kapasidad para guluhin kayo!
Aura: Hindi ako sanay magsinungaling katulad mo. Minsan na akong nakapagsinungaling, at kinailangang gawin ko iyon dahil ayokong magkaroon nang permanenteng ugnayan ang anak mo sa apo ko
Isadora: Hindi naman yata ako papayag na maging kagaya nang anak ko ang mga katulad nyo
Aura: Siguraduhin mo yan Isadora. Paulit-ulit mong winasak ang buhay ni Catherine, at MINSAN MO PANG KANTIIN SI CATHERINE
Isadora: Ano? Magkakasakitan tayo Aura? Iyan naman ang gusto ko sa iyo, nacha-challenge ako. Pero dapat ngayon alam mo na, na wala akong konsensyang tao. Responsibilidad mo si Catherine, responsibilidad ko si Sofia. Buntot mo, hila mo.
Aura: Oo. Alam ko may buntot ka… BUNTOT NI SATANAS
Isadora: Oo. At iwasan mo yun dahil kapag nahagip ka, baka tumilapon ka…kasama nang apo mong HALIPAROT
-Nagkasakitan ang dalawang babae. Napabagsak ni Lola Aura ang mas batang si Isadora. Galit na umalis si Lola Aura. Nagpupuyos sa galit si Isadora.
Tinutulungan ni Jenna si Sofia sa pagbebenta ng ilang kagamitan.
Jenna : Sayang naman itong mga bag at shoes mo Sofia. Alam ko love na love mo ito lahat. Sigurado ka bang ibebenta mo ito?
Sofia : Kailangan ko lang tulungan si Mommy, sobra na syang naghihirap eh.
-May ilang tumitingin sa binebenta ni Sofia. Lumapit si Toby.
Girl : You’re selling this? Are you sure it’s original?
Sofia : Oo yung card nasa loob, kahit i-check mo pa yung serial number.
Girl : I was just asking. Hindi naman kasi bumibili ng second hand bags eh.
Toby : E kung hindi ka naman pala bibili, puede ka ng umalis. Haharang harang ka pa dyan e. (tumingin kay Sofia) Tulungan na kita
Sofia : Hindi na Toby, kaya ko naman ito eh
Toby : Alam ko namang kaya mo e. Gusto ko lang makatulong.
Sofia : Huwag na Toby. Kaya na namin ito ni Jenna.
-Malungkot na umalis na lang si Toby.
Jenna : Sure ka, hindi ka galit kay Toby?
Sofia : Hindi. Huwag na nating pag-usapan.
Masayang namamasyal ang magkasintahang Raphael at Catherine.
Catherine : Malamang excited na excited na ang mga taga Amadesto
Raphael : Sana hindi ako pumalpak
Catherine : Ikaw pa! Alam mo bang ikaw ang pinaka-perfect para sa mga tao sa Amadesto?
Raphael : Iyan ang gusto ko sa iyo e. Sige bolahin mo pa ako ng bolahin.#
Catherine : Totoo naman eh.
Raphael : Ano kaya ang kailangang ng mga taga Amadesto ano?
Catherine : Alam mo, simple lang naman ang gusto ng mga tao doon eh. Simple lang kaming mamuhay… tahimik. Ang gusto lang nila iyon, bang kilalanin ang mga karapatan ng mga magsasaka. Maayos na pagamutan para sa mga mahihirap. Edukasyon at tamang sweldo. Mula noon hanggang ngayon… yun lang ang hinihiling nila kay Isadora.
Raphael : Speaking of Isadora, dumalaw sya sa tatay mo sa ICU
Catherine : Kailan?
Raphael : Noong kamamatay lang nya at wala rin tayo doon.
Catherine : Raphael hindi magkaibigan sina Isadora at ang tatay ko. (naiiyak ang boses) Anong ginagawa nya doon? Hindi kaya… hindi kaya si Isadora ang pumatay sa tatay ko?
Hawak ang bag, nagpapaalam ang maid ni Isadora na aalis.
Isadora : Ano na namang gimik ito ha?
Elvie : Ma’am aalis na rin po ako dito. Ilang buwan na rin po ninyo akong hindi sinuswelduhan e.
Isadora : Aba ang kapal ng mukha mo, wala kang utang na loob. So paano pera-pera na lang. Hindi mo man lang naisip na kinuha kita galing sa bundok, binihisan at nakatikim ng corned beef dahil sa akin.
Elvie : E wala na rin nga po akong makain dito
Isadora : Hoy! Anong wala? E di ba kayo ang umuubos ng grocery ko? Ha? Di ba? Ang kapal ng mukha nito, tapos ngayon nagmamalaki malaki ka na. Sige gusto mong lumayas? Sige lumayas ka, LAYAAAS!!! Huwag ka nang babalik dito. LAYAAS!
Sofia : (pinipigilan ang ina) Ma kailangan din naman nilang kumita eh
Isadora : Ay naku huwag mo ngang kinakampihan ang mga iyan, kaya…
-Biglang dumating si Catherine
Isadora : Ahhh what a bwesit surprise Catherine? Anong ginagawa mo dito?
Catherine : Hindi ako nagpunta dito para bisitahin ka o supresahin ka. Anong ginagawa mo sa ICU? Bakit mo binisita ang tatay ko?
Isadora: Ganun ako makipag-kapwa tao Catherine. Kahit winalanghiya na ako nang buong pamilya mo, nagbibigay pugay pa rin ako sa tatay mo.
Catherine: Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Isadora. Ikaw? Na sa lahat nang oras, wala nang magandang magawa. Anong ginawa mo sa tatay ko?
Isadora: Teka muna sa tono nang boses mo, parang pinagbibintangan mo na naman ako eh. Anong sinasabi mo, na pinatay ko ang tatay mo?
Catherine: Sa lahat nang taong kakilala ko, ikaw lang… ikaw lang Isadora ang may kapasidad pumatay nang tao
Isadora: Hahahaha! Thank you! I’m flattered. Ibig sabihin, talagang nag-iisa lang ako sa mundo. Pero mali ka, dahil kung papatay ako nang tao, doon sa may K na, hindi sa isang hampaslupa na katulad nang tatay mo
-Hindi nakapagpigil si Catherine at biglang pinagsasabunutan si Isadora. Panay ang sigaw ni Sofia na tama na, pero mas lalong nasasaktan ni Catherine si Isadora dahil pinipigilan ni Sofia ang mga kamay ng ina.
Catherine: SIGURADUHIN MONG WALA KANG KINALAMAN SA PAGKAMATAY NANG TATAY KO DAHIL KAPAG NALAMAN KO, PAPATAYIN KITA ISADORA! PAPATAYIN KITA!
Isadora: PUMILA KA MUNA! DAHIL MARAMI NANG NANININGIL SA AKIN. AT MAS NAKAKATAKOT SILA KAYSA SA IYO!
Sofia: Ma umakyat ka na. (umakyat si Isadora, susundan sana sya ni Catherine) CATHERINE SANDALI! Hindi naman totoo yung binibintang mo kay Mommy eh.
Catherine: Pwede ba? Huwag kang makialam sa usapang matatanda.
Sofia: Mali ka! Hindi magagawa ni mommy iyon. HINDI NYA KAYANG PUMATAY
Catherine: Nagbubulag-bulagan ka lang ba o talagang TANGA ka?
Sofia: Kaysa naman sa iyo. You’re accusing her of a crime with no evidence
Catherine: SA SOBRANG WALANGHIYA NG NANAY MO? Malinis lang sya trumabaho… pero mamamatay-tao pa rin sya
Sofia: SHUT UP!
Catherine: IKAW ANG SHUMUT UP DYAN!
-Biglang dumating ang mga taga bangko, tatlo na sila ngayon, kahapon dalawa lang.
Bank employee : Excuse me, are you Mrs. Isadora Castillejos?
Catherine : Bakit mukha ba akong demonyo ha?
Sofia : Wala ho sya.
Catherine : Anong wala? Bakit ano ang kailangan nyo kay Isadora?
Bank employee : Matagal na ho kasing hindi nakakapagbayad ng car mortgage si Mrs. Castillejos. Kailangan na ho naming hatakin ang sasakyan nya, eh parati naman ho syang wala.
Catherine : (tumingin kay Sofia) Parating wala? Hayaan nyo ngayon nandito na sya. At wala na syang kawala.
Hinahatak na ang kotse, nakikiusap si Isadora sa mga taga bangko. Tawa naman ng tawa si Catherine. Napansin ni Isadora na maraming uzi (usyusera’t usyusero) sa paligid
Catherine : Hahaha!
Isadora : Humanda ka Catherine! Hindi pa ako tapos sa iyo. Humanda ka! Pagbabayaran mo ito, humanda ka sa akin!
-Nag babay pa si Catherine at tawa pa rin ng tawa habang palayo. Galit na nakatingin si Sofia sa papalayong si Catherine. Para hindi mapahiya sa mg uzi ay nagkunwari na lang si Isadora na bibili ng bagong sasakyan.
Isadora : Bibili kasi ako ng bago, di ba anak. O sige ha, magdeliver na lang kayo ng bago, yung gusto ko, yung inorder ko, yung pinag-usapan natin.
Nakikipag meeting si Cong. Torralba sa kanyang staff.
Male staff : Sir, marami na tayong projects na naka-line up para sa Amadesto. Kaso we feel, we need a good person who will be in-charge of the budget. Siguro isang economist
Raphael : Okey. So kumuha tayo. Do you have any recommendations?
Male staff : Meron Sir. Pero huwag po kayong mabibigla
Raphael : Sige, sino iyan?
Male staff : Ah Sir, bale hindi ho sya nag-a-apply e, pero puede natin syang irecruit. Mukhang magaling naman ho e. Graduate sya sa States ng isang business course, tapos nag master ho sya sa economics. Saka tubong Amadesto rin ho Sir, so malamang malaki ang maitutulong nya sa bayan natin.
Raphael : Taga Amadesto pala sya e. Sino naman yan?
Male staff : Si… Miguel Castillejos
Nasa office ni Raphael si Catherine. Nagmamadali sa pagliligpit ng mga gamit nya si Raphael kasi hahabol pa sila sa kanilang appointment.
Catherine : Ahm kukunin mo ba talaga si Miguel para magtrabaho sa iyo dito?
Raphael : Bakit mo naitanong?
Catherine : Wala lang. Usap-usapan kasi ng mga staff mo, narinig ko. Umaasa sila na tanggapin mo sya.
Raphael : Ewan ko, pinag-iisipan ko pa. Pero okey lang ba sa iyo ‘yon?
Catherine : Okey lang Raphael. Alam mo pagdating sa trabaho hindi mo na ako dapat kinukonsulta, desisyon mo ‘yan. Pareho nating mahal ang Amadesto, kaya dapat lang we should do what is best for Amadesto.
Raphael : Sigurado ka?
Catherine : Sigurado ako. At saka hindi naman ako nagtatrabaho dito eh. Kahit na makita ko pa si Miguel. wala na iyon sa akin. Wala na sya sa puso ko.
Tinutulungan ni Sofia sa paglilinis ng silid ang ina.
Sofia : Ma kailan nyo ba huling nilinis itong kwarto nyo?
Isadora : Ay naku, alam mo naman yung mga maids natin… ang tamad tamad. Naku dapat nga paaalisin ko yung mga iyon e, naunahan lang ako sa pagpapaalam.
Sofia : Pati itong trash can, hindi rin itinatapon
Isadora : (pumasok sa banyo) Ay naku! Pakitapon na lang kung gusto mong itapon, huwag ka nang mag-question question dyan.
-Nakita ni Sofia sa basurahan ang “syringe” na ginamit ni Isadora sa pagpatay kay Rolando. Napapa-isip si Sofia. Ibinalik ni Sofia sa basurahan ang “syringe” ng lumabas ng banyo si Isadora.
Isadora : Hindi ka pa ba tapos dyan? Bilisan mo na dyan
Sofia : Ah ‘ma under medication ba kayo?
Isadora : Hindi, bakit?
Sofia : Nung nagpanic attack kayo minsan, wala bang pinescribe ang doctor?
Isadora : Hindi. Bakit ba ang dami-dami mong tanong. Sandali ha, meron lang akong hahanapin sa baba.
-Nang makaalis ang ina ay muling kinuha ni Sofia ang “syringe”.
Dinala ng doktor ni Mang Rolando ang autopsy report sa office ni Cong. Torralba.
Raphael : May pagbabago ba sa initila findings?
Doktora : Pareho pa din po ang cause of death… cardiac arrest. Pero may nakita po kami sa lab test na ngayon lang po namin napansin, na may high dosage of morphine sa dugo ni Mr. Ramirez. At posibleng ito ang naging cause ng cardiac arrest.
Raphael : But he is under pain medication, correct?
Doktora : Pero nire-regulate po namin ang dosage nya. Hindi po dapat ganun kataas ang morphine nya.
Raphael : Saan galing ang morphine?
-Umiling lamang doctor ni Mang Rolando.
Labels: Iisa Pa Lamang
1 Comment:
-
- Anonymous said...
September 12, 2008 at 9:17 AMwala na b talagang videos na maupupload?