Read the transcript of Episode 44 of Iisa Pa Lamang. (read na lang po muna... hay... kakalungkot. Transcript courtesy of Pinoy TV Junkie.
Pag-uwi ni Scarlet sa mansion ay naabutan niya na naglalaro sina Miguel at Maggie. Ipinakita ni Maggie sa ina ang laruan na bigay daw ng Daddy nya. Tinawag ni Scarlet ang yaya ng anak para paliguan ang bata at nang makapagpahinga na. Humalik si Miguel sa anak, nag-goodnight naman si Scarlet. Nang wala na ang anak ay nagbangayan na naman sina Miguel at Scarlet.
Miguel : Hindi pa kami tapos maglaro, pinaalis mo na.
Scarlet : Sorry Miguel, kaya lang time’s up. Buong araw mo na namang kasama ang bata.
Miguel : Anak ko naman iyon, ano ang masama? Hindi mo kami dapat binibilangan ng oras. Mas mabuti nga nandito ako e, dahil meron syang kasama. Dahil sa iyo ikaw, lagi kang wala.
Scarlet : Aba bakit? Nagtatrabaho ako Miguel hindi ako kagaya mo, hindi ako puedeng maging bum buong araw. Bakit pa kasi hindi ka maghanap ng trabaho?
Miguel : Nagtaka ka pa. Hinaharang mo naman lahat ang applications ko.
Scarlet : Excuse me, you can’t prove that.
Miguel : Alam mo ang totoo Scarlet. Ikaw ang nanloloko sa sarili mo.
Napag-uusapan nina Lola Aura at Louela si Isadora.
Lola Aura : Dapat talaga maimbestigahan ang Isadorang yan. Malamang may kinalaman sya sa pagkamatay ni Rolando.
Louela : Talaga ho? Bakit naman po?
Lola Aura : Kasi likas na masama si Isadora.
Louela : Eh lola ang pagkakakilala ko kay Isadora, pinag-iisipan nya lahat ng ginagawa nya. Hindi naman gumagawa iyon kung wala syang makukuha eh. Ano naman hong makukuha nya sa pagkamatay ni Mang Rolando? Lola, may galit ba si Isadora kay Mang Rolando noon sa Amadesto? Iyon kaya yung naging issue kung bakit iniwan ni Mang Rolando si Catherine noong bata pa sya? Ano po ba talaga ang nangyari kasi?
Lola Aura : Ay naku Louela, puede ba huwag ka nang tanong ng tanong? Baka mamaya pati si Catherine mag-urirat na naman. Ayoko ng ungkatin pa ang mga nakaraan, tapos na iyon.
Miguel : Anyway, may nag hire na sa akin finally… si kuya Raphael.
Scarlet : Talaga?
Miguel : Kinuha nya ako isa sa mga staff nya, bilang finance officer sa Amadesto congress.
Scarlet : At tinanggap mo naman?
Miguel : Bakit naman hindi?
Scarlet : Miguel, para sa isang taong ma-pride, walang ka pride-pride yang ginawa mong desisyon. Ang dating kalaban sa pulitiko… ngayon naging isang tauhan ni Raphael? Hindi ka lang nadapa parang nginudngod ka pa.
Miguel : Hindi naman lahat ng tao katulad mo e. Gusto lang akong tulungan ni kuya Raphael.
Scarlet : Of course! At ikaw naman grab ka kaagad sa oppurtunity para lang mapalapit ka kay Catherine? Miguel please watch yourself, baka nagmumukha ka ng asong natataranta sa kanya.
Miguel : You’re so fixated on me and Catherine, bakit ba? Alam mo, sino sa ating dalawa ang talagang nakakaawa? Yung mga taong nakokontrol mo oo, kaya mo iyon e. Pero masaya ka ba? Hindi, di ba? Aminin mo na, ako lang ang tanging taong puedeng magpaligaya sa iyo.
-Iniwan ni Miguel ang hindi nakapagsalitang si Scarlet.
May kausap na dalawang pulis si Cong. Torralba sa kanyang opisina.
Pulis 1 : Pero mukhang mabigat ho ang akusasyon na ibinibintang ninyo kay Mrs. Castillejos, Congressman.
Raphael : Oo alam ko iyon. Pero ayon sa autopsy report masyadong mataas ang morphine sa loob ng dugo ni Mr. Ramirez. Hindi naman dapat. Isa pa nandodoon si Isadora Castillejos
Pulis 1 : Pero posibleng coincidence lang po talaga
Raphael : Maaring mali ako. But I can not ignore this. Hindi lang ang buhay ni Rolando ang nakasalalay dito. Huwag nyong kakalimutan na si Rolando Ramirez lang… sya lang ang witness ng pagkamatay ng aking ama, si Cong. Enrique Torralba.
Habang papalabas sa bahay nya ay may kausap sa cellphone si Isadora.
Isadora : Oo mare papunta na ako dyan, nahihirapan lang akong maghanap ng taxi. Ha?! A hindi yung kotse ko kasi hiniram ng anak ko. Oo, oo andyadyan na ako, ayan na o, nakikita ko na ang building. O sige ha, see you, babye!
- May dumating na mga pulis.
Pulis : Mrs. Isadora Castillejos?
Isadora : Bakit anong kailangan nyo?
Pulis : May search warrant po kami
Isadora : Para saan?
Pulis : Kahit na ano ho na makakapagbigay liwanag sa pagkamatay ni Rolando Ramirez. (natigilan si Isadora) Matanong ko lang ho, may morphine ho ba kayo sa bahay?
Isadora : Morphine? Ano naman ang gagawin ko sa morphine?
Pulis : Tingnan ho natin. Sige, halughugin ang bahay.
-Walang nagawa si Isadora ng pumasok na sa bahay nya ang mga pulis. Habang naghahalughog ang mga pulis ay nagtatatalak si Isadora.
Isadora : Makikita nyo ha, makikita nyo. Makakarinig kayo sa abugado ko. Idedemanda ko kayo for harassment… for stupidity.
-Nakita ni Isadora na bitbit ng isang pulis ang sako ng basura.
Isadora : Hoy ano yan? Pati basura papatulan nyo?
Pulis 2 : Ipapa-test ho namin sa lab ito. Maaaring nandito ang pumatay kay Rolando Ramirez.
Isadora : Sa basura? Andyadyan talaga sa basura?
-Kinabahan si Isadora nang dalhin ng pulis ang sako ng basura.
Hawak ni Sofia ang syringe na nakuha sa basurahan ng ina, nasa campus ang dalaga binabantayan ang kanyang mga paninda. Dumating si Jenna na may dalang pagkain.
Jenna : Lunch muna tayo, treat ko ito at huwag kang tumanggi. Ano ba yan?
Sofia : Hindi ko alam. Nahanap ko lang ito sa basurahan ni Mommy. Jenna paano mo ba alam kung nagda-drugs ang isang tao?
Jenna : Iyong drugs na bawal na gamot? Siguro mukhang bangag at weirdo kung kumilos at mga sinasabi. Hindi ko din alam eh. Sa tingin mo drugs talaga ang laman nyan? Kanino ba yan galing?
Sofia : It doesn’t matter. Ang importante malaman ko kung ano ang laman ng syringe na ito.
Jenna : May mga lab na nagtetest ng mga ganyan dito, doon mo dalhin. Kahit iwan mo ako dito, okey lang.
-Dumating si Toby.
Jenna : O bakit nandito ka?
Toby : Bibili ako ng bag.
Jenna : Bag? Ows!
Toby : Oo nga, para sa Mommy ko.
Sofia : (tumayo) Sige Jenna, may pupuntahan lang ako ha.
-Pagkaalis ni Sofia
Toby : Galit ba sa akin si Sofia?
Jenna : Wala naman syang sinasabi eh.
Toby : Para kasing iniiwasan nya ako.
Jenna : May mga family problems lang. O alin ba ang gusto mo dito?
-Malungkot na tumingin lang si Toby.
Nagreport kay Cong. Raphael Torralba ang mga pulis.
Pulis : Hinalughog na ho namin ang buong bahay ni Mrs. Castillejos, pero wala ho kaming nakita na magta-tie up laban sa kanya sa pagkamatay ni Rolando Ramirez.
Raphael : Hindi ako naniniwala. Alam kong mayroon syang kinalaman sa pagkamatay ni Mang Rolando. Napa-test na ba ninyo ang mga gamot na kinonfiscate ninyo?
Pulis : Nasa lab na po Sir. Pero parang mga totoong over the counter lang ang mga gamot na iyon. Sinusuri na rin po namin ang lahat.
Raphael : Okay. We have to be careful. Syempre gusto nating ilabas ang katotohanan, pero gusto rin nating lumaban ng patas.
Paalis si Scarlet para pumasok sa Dela Rhea Foods, gustong sumama ni Maggie.
Scarlet : Anak hindi puede, maraming work si Mommy ngayon. Tatawagan na lang natin ang Daddy mo para meron kang playmate
Yaya : Ma’am, tumawag po si Sir Miguel kanina hindi daw po sya makakarating today.
Scarlet : Sige maghahanap na lang tayo ng ibang playmate ha. Gusto mo si Tita Sofia o kay si Lola Isadora?
Maggie : Si Mommy Kate!
-Nabigla si Scarlet sa sinabi ng anak, pero nagkunyaring hindi naapektuhan.
Scarlet : Yaya, magpunta kayo ng park ha o kaya sa Mall tapos bilhin mo lahat ng gusto ni Maggie. (nagbigay ng pera sa yaya) O ito, ito ang lahat ng pera. Ubusin nyo yan. Lahat ng gusto ni Maggie. (tumingin sa anak) Aalis na ang Mommy ha. Huwag nang maghahanap ng ibang playmate ha. Bibili ka na lang ng toys, wala ng playmate Maggie.
-Malungkot si Maggie ng umalis ang ina, si yaya na naman ang kasama nya.
Pinapunta ni Isadora ang lawyer nya sa bahay nya.
Isadora : Mukhang kailangan ko ng abugado. Ako ang iniipit nila sa pagkamatay ni Rolando Ramirez.
Lawyer : May arrest warrant na ba sila?
Isadora : Wala pa naman. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinapa-imbestiga nila. Ang ginawa ko lang naman ay dumalaw doon, krimen ba iyon? At saka isa pa, hindi lang naman ako ang dumadalaw doon eh, ang dami dami. Bakit hindi kaya si Raphael ang ipa-imbestiga nila? O madalas sya doon.
Lawyer : Dahil si Cong. Torralba ang nagpapa-imbestiga sa iyo. Sya ang nag-request ng search warrant sa bahay mo.
Sumugod si Isadora sa office ni Cong. Torralba.
Staff : Sorry Ma’am pero wala po kayong appointment
Isadora : Anong appointment? Hindi ko kailangan ang appointment. Gusto mo sapatusin ko yang mukha mo? Nasaan si Raphael?
-Pumasok si Raphael at pinaalis na si Gil (staff) at sya na daw ang bahala
Isadora : Totoo bang ikaw ang nagpa-issue ng search warrant para sa bahay ko?
Raphael : Ikaw ang lead suspect ko sa pagkamatay ni Rolando.
Isadora : Ano ba kayo? Nabaril yung tao, naging malala ang kundisyon… namatay, tapos ako ang pagbibintangan nyo?
Raphael : BAKIT MO SYA DINALAW NG GABING ‘YON? May motibo ka. Nagkaroon kayo ng relasyon ni Rolando, pati ang kanyang pamilya.
Isadora ; Iyan ang issue. Ang pamilya nya… si Catherine. Kung hindi ako nagkakamali, sya ang may pakana nito?
Raphael : Walang pakialam si Catherine dito.
Isadora : Anong wala ha? Sigurado ako gumaganti lang sya sa akin at nagpapagamit ka naman. Alam mo Raphael, akala ko matalino kang tao pero pagdating kay Catherine… BOBO KA! Bilis nyong dumami.
-Kinuha ni Isadora ang bag at umalis.
Pumunta si Raphael sa bahay ng kasintahan at sinabi ang tungkol sa autopsy report ni Mang Rolando
Raphael : Ini-imbestigahan ang tatay mo at meron silang nakitang mataas na dosage ng morphine sa kanyang bloodstream. Maaaring iyon ang dahilan kung bakit sya nagkaroon ng cardiac arrest.
Catherine : Anong ibig mong sabihin? Sa tingin mo may pumatay sa tatay ko?
Raphael : That’s a possibility.
Catherine : Si Isadora?
Raphael : Kasama sya sa imbestigasyon. Hinalughog na lahat ang gamit nya pero walang nakitang tie-up sa kanya
Catherine : Pero sya iyon. Alam kong sya iyon. Wala nang iba pang puedeng gumawa nun.
Raphael : Huwag ka nang susugod sa kanya. Baka kung ano pa ang gawin nya sa iyo ulit.
Catherine : Subukan lang nya. Hindi ako natatakot sa kanya Raphael.
Raphael : Huwag mo nang papakialaman yan ha. Ako na ang bahala doon. Baka mamaya ma-istorbo ang aking imbestigasyon. Kung merong foul play doon sa tatay mo, hahanapin natin ang mga gumawa nun. Promise, trust me!
Ipinagluto ni Sofia ng dinner ang ina. Tinanong ni Sofia kung masarap ang luto nya, matabang daw sabi ni Isadora pero okey lang.
Sofia : ‘ma okey lang ba kayo?
Isadora : Kita mo ng ganito ang itsura ko, tatanungin mo pa kung okey ako. Naku! Nakakainis eh, bakit ba kasi kailangan pang imbestigahan ‘yang pagkamatay ni Rolando? Ang dami dami tuloy ng nangha-harass sa akin.
Sofia : Ini-imbestigahan nila yung death ni Mang Rolando? Yung tungkol sa ambush?
Isadora : Hindi. Iyong pagkamatay nya sa ospital
Sofia : Eh kayo ‘ma, ano sa tingin nyo? May pumatay kaya sa kanya? Kasi witness sya doon sa ambush ni Tito Enrique. At minsan may tangkang pumatay sa kanya sa ICU kaya posible ngang
Isadora : Puede ba? Bakit ba natin pinag-uusapan yang pagkamatay ni Rolando? Wala namang kakwenta-kwentang tao iyon. Hindi naman sya importante.
- Nairita si Isadora kaya hindi na tinapos ang pagkain.
Dala ni Isadora ang pagka-aburido hanggang sa mahjongan.
Vivian : Isadora, mukhang aburido ka?
Isadora : Ay naku, hindi lang ako aburido ano? Bwesit na bwesit na ako sa buhay ko.
Vivian : Kunsabagay, malaki-laki rin ang natalo sa iyo sa kampanya ano? Pero alam mo Isadora, ginulat mo ako. Hindi ko alam may ganun kalaki kang pera. Pala-utang ka lang pala at pala-daing iyon pala milyonarya ka.
Isadora : Nang-aasar ka ba? Nang-aasar ka ba ha? Mamumroblema ba ako ng ganito kung marami akong pera?
-Nanalo si Vivian kaya lalong naaburido si Isadora at umayaw na sa paglalaro.
Vivian : Minsan ganyan talaga. Minsan panalo, minsan talo
Isadora : Hindi ako sa mahjong nabubwesit… sa mukha mo at sa kadaldalan mo.
Dinalaw ni Estelle si Isadora.
Estelle : Isadora, nassan ang ibang gamit mo?
Isadora : Ah naku, pinamigay ko sa charity kasi balak kong magpalit ng furnitures eh. I’m in the process of fixing things now.
Estelle : Baka kailangan iyon din ang gawin ko nang may magawa naman ako. Kasi sa bahay bihira na kaming magkita ni Toby. At ito namang si Raphael, halos hindi ako dinadalaw kaya wala akong maka-usap na matino sa bahay… nabo-bore ako!
Isadora : And depress, I’m sure
- Niyaya ni Isadora si Estelle sa bahay ng amiga nya, kasi sigurado daw na maaaliw ito.
Estelle : I’m not in the mood to socialize.
Isadora : Pero hindi tayo doon magso-socialize Estelle. Naku, mga luka-luka ang amiga ko, sigurado ako mag-e-enjoy ka.
Estelle : Hindi na siguro
Isadora : Bakit? Siguro pinagbabawalan ka ng anak mo na makipag-socialize sa akin ‘no?
Estelle : Sinong anak?
Isadora : Si Raphael. Alam mo ba na pina-i-imbestigahan nya ako tungkol sa death ni Rolando?
Estelle : What?!
Isadora : Oo. Alam mo, iniisip ko nga eh, na-offend ko ba kayo? Nagalit ba kayo sa akin ng tumakbo si Miguel at kinalaban si Enrique sa kongreso? Kaya ako ngayon ginaganito ni Raphael?
Estelle : Hindi. I’m so shocked. Pero well, I must admit na nagulat ako doon at medyo nagtampo pero tapos na iyon eh. And you know, Miguel has every right to run for office of what he wants. Wala na sa akin iyon.
Isadora : Oo nga at saka kayo naman ang nanalo, di ba? Kaya nga nagtataka ako ngayon kung bakit ako ginaganito ni Raphael eh.
Estelle : Eh hindi nga. Wala akong kinalaman dyan. Teka, saan na nga ba yung amigang pupuntahan natin? Siguro, it’s a good idea na tayong dalawa maghanap ng libangan.
Isadora : Malapit lang iyon. O ano lalakad na tayo, sasama ka na ha?
Estelle : O sige
Isadora : Tapos ang mabuti pa, sasabay na lang ako sa iyo. Yung sasakyan mo na lang ang gamitin natin, kasi pinagamit ko rin sa anak ko yung sasakyan ko eh.
Dinala ni Sofia ang “syringe” sa isang laboratory. Pinababalik na lang siya kinabukasan para sa resulta.
Umiiyak si Sofia sa kanyang silid. Naaalala niya si Mang Rolando… ang mga masasaya nilang sandali na magkasama, noong sinabi ni Mang Rolando na hindi siya Castillejos, noong nalaman niya na magkapareho sila ng bracelet ni Catherine, at noong bago bawian ng buhay si Mang Rolando.
Nasa mahjongan na sina Estelle at Isadora
Estelle : Imagine my shock, ang anak ko pala ay makakasama sa listahan ng mga naloko ng babaeng iyon. I’m sorry, I didn’t mean to insult Miguel ha.
Isadora : Okey lang iyon mare. Matagal na iyon eh, pero alam mo mabuti nga noong araw napigilan ko yang si Miguel. Pero you know what, I’m really worried about Raphael, naku kakawawain lang iyon ng Catherine na iyon.
Estelle : Iyon na nga ang inaalala ko eh. But what can I do? Nasa tamang edad na si Raphael at hindi na nya hahayaang makialam ako sa buhay at desisyon nya.
Isadora : Naku Mare! There are 101 ways para gawin yan. Unang una (kinuha ang cellphone ni Estelle) dapat tandaan mo, magpa-importante ka, dapat hindi ka palaging available para sa mga anak mo.
-Nag-alala si Estelle na paano daw kung may emergency. Pero sinabi ni Isadora na malalaki na ang mga anak ni Estelle at hayaan na ang mga ito naman ang mag-alala sa ina.
Pumunta si Raphael sa bahay ng mga magulang, nadatnan nya doon si Toby na nagku-computer. Kinumusta ni Raphael ang Mommy nila. Sinabi ni Toby na hindi pa bumabalik at hindi rin nya makontak sa cellphone.
Sa mahjongan. Nananalo si Isadora, pero si Estelle ay natatalo. Wala namang pakialam si Estelle kung magkano ang natalo sa kanya, basta enjoy na enjoy daw sya. Sinabi ni Isadora na sa susunod ay sa ibang playground naman niya dadalhin si Estelle… sa casino.
Nag-aalala naman sina Raphael at Toby sa ina. Tinawagan ni Raphael ang driver ni Estelle at nalaman niyang kasama ng ina si Isadora.
2 a.m. na nang makauwi si Estelle. Naghihintay pa rin sa kanya ang mga anak.
Raphael : Where have you been? Kanina pa kami naghihintay dito ni Toby. Nag-aalala kami sa inyo.
Estelle : Really? You spend your time worrying about me rather worrying about Catherine? I’m so touched.
Raphael : Si Catherine na naman ang pinag-usapan ninyo. Kaya ba kayo nagkakaganito dahil kay Catherine?
Estelle : Natural. Sino namang ina ang hindi magagalit kung ang sarili nyang anak would rather spend time with the leech rather than his own mother? Buti sana kung ibang babae ang pinili mo. For all the women in the world, you have to have Catherine. Well, kung siya ang gusto mong babae, go ahead. I don’t care.
Raphael : Ma ano ba naman, e tatatlo na lang tayo rito
Estelle : Iyon na nga eh. Tatatlo na lang tayo, hindi pa tayo magkasundo. Well I think the best way to handle this is magkanya kanya na lang tayo. I let you run your own life, and you let me run mine.
Raphael : ‘ma that’s crazy
Estelle : You’re crazier. May desisyon ka na. May desisyon na rin ako. Ito ang tandaan mo Raphael, for as long na meron kang relasyon dyan sa Catherine na yan… kalimutan mo na mag-ina tayo, okey?
Pumunta si Estelle sa office ni Raphael at nakita niya doon si Catherine. Tumayo si Catherine nang makita si Estelle.
Catherine : Ma’am Estelle
Estelle : Dito ka na pala nagta-trabaho Catherine. Mabuti naman at may nagbigay pa nang chance sa ‘yo, considering na ang pangit-pangit ng background mo.
Catherine: Nagtatrabaho lang po ako.
Estelle: Bakit pa? Mayaman ang anak ko, kayang kaya ka nyang buhayin. Pag nagkataon balik donya ka uli Catherine. Kaya lahat itong mga pagtatrabaho at pagsisikap, iisa lang ang ibig sabihin nito… pakitang-tao.
Catherine: Ma’am, sana ho… sana ho huwag naman tayong ganito. Wala ho akong ginagawang masama sa inyo. Napakalaki ho nang respeto ko sa buong pamilya nyo.
Estelle: Nasusuka na ako sa pagkukunwari mo Catherine. Dapat sa iyo nag-artista ka na lang eh. Ang galing-galing mong umarte, ang galing-galing mong magpaawa. Kuhang kuha mo ang anak ko.
Catherine: Sana ho, huwag ho kayong naniniwala ng basta-basta lang sa mga tsismis at sa mga nakasulat sa diaryo. At lalung lalo na, sana huwag ho kayong maniwala sa mga sinasabi ni Isadora sa iyo.
Estelle: At kanino ako maniniwala? SA IYO? Hahahaha! Hindi ko na hawak ang buhay nang anak ko, Catherine. Kung magkatuluyan kayo wala akong magagawa. Pero ito ang tandaan mo, kung sakaling magkatuluyan kayo… hindi ka rin liligaya sa piling ni Raphael. I will make your life hell for you Catherine. HELL!
Labels: Iisa Pa Lamang
sayang ganda pa naman na ng kwento.babalik pa rin po ba ung dati na mapapanood ko ang iisa pa lamang na may video?
ok ang acting ni isadora natural na natural me pagka comedyante pa na kontra bida, sayang bat ala po video gusto ko pa naman ulitin kahit napanood ko na sa tv.
THANKS ETHANE sa SCRIPT, OK NATO KAYSA WLA, MARAMING SALAMAT SA LAHAT
YOUR THE BEST TALAGA!