Google
 

Read this transcript of Episode 49 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Pagkaalis ni Miguel ay naglasing si Raphael, inaawat sya ni Toby sa pag-iinom ng alak
Toby : Kuya tama na yan, hindi ka naman sanay uminom e
Raphael : Pabayaan mo na ako. Konti lang ito Toby
Toby : Kuya ikaw pa nga ang madalas nagsasabi di ba? Wala kang mapapala sa paglalasing.
Raphael : Alam ko ang pinagsasabi mo pero totoo pala ito. Kapag umiinom ka pala ay talagang nakaka-relax kung meromn kang konting alak sa katawan.
Toby : Kuya, temporary lang yan. Pag nawala na yung tama nyan, nandyan na naman ang problema mo. Ano ba talaga ang pinu-problema mo? Yung nakita ni mama? Kuya, kausapin mo na si ate Catherine… mahalaga marinig mo yung side nya.
Raphael : Nakausap ko na sya. Inamin nya na totoo ang sinabi ni mama.
Toby : (nabigla) Sigurado ka? Nagawa ni ate Catherine sa iyo iyon?
Raphael : Pinuwersa sya ni Miguel. Haah Toby, nasaktan ako dahil binastos nya si Catherine. Kung nangyari sa ibang tao yun, hindi ako ganun kaapektado… pero si Miguel, kaibigan ko sya.
Toby : Hindi kita masisisi sa nagawa mo kuya. Alam ko magkaibigan kaoy, syempre ipagtatanggol mo yung babaeng mahal mo.
Raphael : Sana ganun din ang pagmamahal nya sa akin
Toby : Nagdududa ka pa ba kay ate Catherine? Kuya, hindi ka naman siguro nya lolokohin.
Raphael : Hindi sa niloloko nya ako Toby. Natatakot lang ako, dahil alam natin na matindi ang nangyari kay Catherine… matindi ang pagmamahal nya kay Miguel. Natatakot lang ako dahil baka hindi ko maibigay ang pagmamahal ng buong buo kay Catherine. Papaano kung balikan nya si Miguel?


Tinatalakan ni Isadora si Miguel
Isadora : O tingnan mo yang pasa mo, ha. Nakaganti ka man lang ba? Naku, ikaw sa susunod nga… galing galingan mo yung pag-ilag mo, yung parang si Pacquiao. O kaya huwag ka namang huminto hanggang hindi ka nakakaganti. Laki-laki ng katawan mo, nagpasapak ka dun sa Raphael na yun.
Miguel : Ma, puede ba ayokong pag-usapan ‘to?
Isadora : Ah hindi, pag-uusapan natin ito hangga’t gusto ko. Tatalak ako hangga’t gusto ko.
Sofia : Ma, kuya might lose his job because of this.
Isadora : (napa-isip) Ah kunsabagay, may tama ka doon. Pasensya na na-carried away lang ako doon. Gusto ko lang naman ma-realize nitong si Miguel, na sana ay pinakita niya sa mga Torralba na hindi sa lahat ng pagkakataon panalo sila. O sige! Ang mabuti pa bumalik ka ngayon sa opisina mo ha, tapos yun lumapit ka kay Raphael… humingi ka ng sorry.
Miguel : What?! You’re unbelievable
Isadora : Of course, I’m unbelievably good! Hoy Miguel! Kapakanan mo lang ang iniisip ko, hindi ka puedeng mawalan ngayon ng trabaho at saka isa pa dapat alagaan mo yang career mo ngayon. Naku hindi ko naman kasi maintindihan… kung bakit hanggang ngayon nagpapaka-tanga ka sa pag-ibig. Hindi na natapos-tapos yang kabaliwan mo kay Catherine (hindi namamalayan ni Isadora na umalis na si Miguel) Naku! Napapagod na ako Miguel, napapagod na ako ng katuturo sa iyo kung anong (lumingon at nagulat ng wala doon ang kausap nya) Nasaan ang kuya mo? (hinanap si Miguel) HOY! HUMINGI KA NG TAWAD HA, YUNG SINCERE NA SINCERE. Hay naku! (bumalik kay Sofia, at sinabing maganda naman palang stool lang ang upuan nila, kasi wala na yung sofa nila) O maganda nama pala di ba… minimalist? (umupo) Bagay naman pala o, luwang pa ‘no, anak?

Tinatalakan din ni Estelle Torralba ang anak na si Raphael
Estelle : Bravo anak! Pag ini-interview ka ngayon ng press kung ano ang nagawa mo sa first 100 days mo as congressman, may maipagmamalaki ka na… nakasapak ka ng tao at nagpadala ka sa init ng ulo.
Raphael : Masisisi mo ba ako? Ma, girlfriend ko yun, sya yung nabastos.
Estelle : Ah nabastos ang girlfriend mo, kaya nagiging bastos ka na rin ngayon, ganun ba?
Raphael : Ma, nagtatrabaho at aalis na rin ako dito
Estelle : O very good! Mabuti naman naalala mo ang trabaho mo at ang pagiging congressman mo. Yan ang hirap eh, pag ang kaharap mo si Catherine, nakakalimutan mo ang lahat. Mabuti sana kung deserving ang babaeng yun.
Raphael : She is deserving! Hindi nyo lang sya binibigyan ng chance
Estelle : And why should I, ha? Mahilig mamindeho yang babaeng yan, at ngayon pa lang inu-umpisahan na nya ang pagbiktima sa ‘yo. O ano, ano ang iniiling-iling mo dyan?
Raphael : Yan ba ang nakukuha nyo sa kahahang-out nyo with Isdaora?
Estelle : This is not about me Raphael, this is about you! Oo nga at napasagot mo si Catherine (pumalakpak) horaay! But can you truly truly say that you’re happy? I think you better rethink ang reasses this stupid love, Raphael. Is it really worth all this pain and trouble?
-Napa-isip si Congressman handsome sa sinabi ng ina.

Nasa chapel muli ng eskwelahan sina Sofia at Toby
Toby : Alam mo Sofia, isa lang ang paraan para malaman natin yan… DNA testing
Sofia : Pero paano ko gagawin yun? They cremated papa’s remains, saan ako kukuha ng sample?
Toby : Di ba magkapatid si Lola Aura at si Don Victor? Baka puede tayong humingi ng DNA example kay Lola Aura. Castillejos si Lola Aura, so ibig sabihin dapat may common kayong DNA. Doon mo malalaman kung anak ka nga ni Don Victor.
Sofia : Puede ba yon?
Toby : Napanuod ko sa mga documentary shows sa TV na puede naman. Bakit hindi natin gawin ‘yon?

Magka-usap sina Miguel at ama nyang si Vernon. Bahay siguro ito ni Vernon, kasi may sofa… bahay ni Isadora ay wala ng kasangkapan.
Miguel : Maghahanap na lang siguro ako ng ibang trabaho. Ang hirap ng pinapagawa sa akin ni Mommy… mag-a-apologize ako kay Raphael? Ano? Bakit? Dahil sya may pera ngayon at kapangyarihan?
Vernon : Miguel, sa tingin ko tama ang Mommy mo. Aminan na… mahirap talagang humanap ng trabaho ngayon. At isa pa kapag tuluyan ka nang lumayo kay Raphael, baka hindi mo na mabantayan ang mga kilos nya.
Miguel : Bakit ko naman gagawin yun?
Vernon : Ang ibig kong sabihin anak… kapag lumayo ka na, umalis ka na sa pagtatrabaho mo kay Raphael. Hindi mo na malalaman ang mga kilos nila ni Catherine. Papaano mong mababawi ang babaeng mahal mo?

Kausap ni Isadora ang kanyang abugado
Isadora : Talung talo naman yata ako Attorney, bakit mo sinasabi na hindi natin malulusutan ito? Ibig mo bang sabihin, mahina kang dumiskarte?
Lawyer : Malinaw na ipinamana ang lupang yon kay Aura Castillejos, nakabukod ang titulo ng kapirasong lupa nya. Mahihirapan tayong umapela
Isadora : Wala akong pakialam kung mahirapan ka. Ang importante umapela tayo. Hanapan mo ng paraan.
Lawyer : Ang dapat nating tutukan ngayon, ay kung papaano nyo masisiguro na sa inyo nga ang share mo ng asyenda.
Isadora : Eh teka muna, yung sinasabi nila na… kinuquestion nila yung legitimacy ng pagpapakasal ko kay Don Victor. Eh totoo namang pinakasalan ako ah.
Lawyer : Well, nasa iyo ang burden para patunayang legitimate yun. E matanong ko lang ho kayo… bakit nyo naman pinakasalan si Don Victor gayung alam nyo namang hindi pa annuled ang unang kasal ninyo kay Vernon Fuentes?
Isadora : Eh kasi nga kahit kailan hindi ko naman itinuring na asawa si Vernon, napaka-inutil eh.
Lawyer : Kung mapapatunayan ninyo na mahigit pitong taon na kayong hindi nagkita o kaya’y ganun katagal nang hindi nakita si Vernon Fuentes, hindi ninyo nalaman kung nasaan sya. Baka mabigyan kayo ng konsiderasyon ng husgado.
Isadora : Ganun ba? Parang kaya ko naman yatang lusutan yan. You’re very good, Attorney! Pasado ka na.

Miguel : Sagad ang poot ko ngayon kay Raphael. Sana huwag na kaming magkita dahil magtutuos talaga kaming dalawa.
Vernon : Miguel, huwag naman. Alam mo, mas magandang napapaligiran ka ng kaibigan. Mas makakatulong naman sa iyon kung ikaw ang umaligid sa kaaway. Makinig ka sa payo ko. Kalimutan mo nang kaibigan mo si Raphael. Hindi lang ito tungkol kay Catherine. Meron kang dapat malaman Miguel.
Miguel : Tungkol saan?
Vernon : Nakulong ako noon dahil dinikdik ako ng isang abugado, para lang isalba ang sarili nyang ama. At alam mo ba kung sinong abugado iyon?
Miguel : Abugado? Sino si RAPHAEL?
Vernon : Oo, pinakulong ako ni Raphael noon. Muntik na akong mabulok at mapatay sa bilangguan dahil sa kanya.
Miguel : Bakit hindi nyo agad sinabi sa akin ito? (sus! para namang may magagawa)
Vernon : Ayoko na kasing gumawa ng gulo pa e. Isa pa, ayaw kong magka-away pa kayo. Pero sa nakikita kong nangyayari ngayon… naiisahan ka na nya.
Miguel : Ang dami ng atraso sa akin ng taong yan a… pina-i-imbestiga niya si Mommy, pinagbintangang kriminal… pinakakulong ang ama ko… inagaw ang pinakamamahal kong babae. Traidor talaga ang taong yan. Magtutuos kaming dalawa!
Vernon : Isang masama at matinding kaaway si Raphael. Kung gusto mong manalo sa labang ito… kilalanin mo muna sya, matyagan mo. Kunin mo ang loob at tiwala. Kapag nangyari yun, alam mo na kung papaano sya pababagsakin.

Nasa office si Raphael, kausap ang ina sa cellphone
Raphael : Yung away naming personal, labas sa aming trabaho. Ma, I am professional hindi ko pinaghahalo ang trabaho sa personal. Saka baka bigla na lang umalis si Miguel sa trabaho… saka na natin pag-usapan. Marami pa akong gagawin (dumating si Miguel) Okey
-Walang salitang inilagay ni Miguel ang folder sa table at lumabas ng opisina ni Raphael.

Si Vernon naman ang tinatalakan ni Isadora
Isadora : Hindi kaya katangahan yung sinabi mo sa anak mo yung totoo? Biruin mo, eh papaano kung maghuramentado iyon doon, e di sira lahat ang plano natin?
Vernon : Masyado kang mainit Isadora. Kung hindi ko sinabi yun, hindi na sisipot si Miguel sa opisina ni Raphael. Mabubulilyaso ang lahat ng plano natin na gamitin ang opisina ni Raphael, para sa mga transaksyon natin. At si Miguel, si Miguel mismo ang magiging mata natin sa opisina nya.
Isadora : Papaano kung hindi nya mapigil ang galit nya? Alam mo naman si Miguel, hindi marunong ng grace under pressure.
Vernon : Hindi tanga si Miguel. Pinayuhan ko sya na matyagan ang kaaway. Ngayon na nakita nya na dehado tayo kay Raphael… mas madali natin syang mapag-uutusan ngayon laban kay Raphael.
Isadora : May point ka dyan ha. Naku Vernon, sigurado ako matutuwa lahat ng partners mo ‘no. Ano kaya kung gawin nila tayong VIP partners, di ba? O e di, Goodbye utang! Hello millions! Hahahaha!
Vernon : Ang saya mo naman Isadora
Isadora : Eh paano naman nakakatuwang isipin, na iyong anak natin… pinag-aral natin sa UCLA ng business course para lang maging isang remote control. Biruin mo isang pindot lang kay Miguel, sumusunod na… o edi ba ang saya? Hahahaha!
-Nag-cheers pa ang mga magulang ni Miguel, masaya sila sa pagiging masunurin ng “remote control” nila

Nasa isang restaurant sina Raphael at Miguel, katatapos lang nila makipag-meeting. Umalis na ang mga kausap nila. Si Raphael ang bumasag nang katahimikan sa pagitan nila ni Miguel
Raphael : Hindi ka pa ba uuwi?
Miguel : Kailangan mo nang aprubahan yung final budget para doon sa proyekto natin. Matatagalan pa ako dito.
Raphael : Okey. Miguel tungkol doon sa
Miguel : Kalimutan na natin ‘yon. Mali ako, mali ka rin.
Raphael : Akala ko hindi ka na babalik sa opisina.
Miguel : Sabihin na lang natin na labas ang personal nating problema dito. Trabaho trabaho, kailangan kong kumita e. Kailangan mo ako dito at pareho nating gustong tumulong sa Amadesto, yun lang ‘yon.
Raphael : Very good! Kung ganun mauna na ako.
-Tinapik ni Raphael sa balikat si Miguel, pagkatapos nakipagkamay sa “karibal” sa puso ni Catherine.

Sa bahay ni Vernon naghapunan si Miguel
Vernon : Kumusta naman ang pakikitungo sa iyo ni Raphael?
Miguel : Ganun pa rin. Alam nyo naman yun… disente, hindi katulad ko barumbado.
Vernon : Alam mo Miguel, ibang klase ka pala magmahal. Mana ka sa akin. Noon ako, kung sinu-sino ginulpi ko para lang sa Mommy mo. Hindi ako papayag na maagaw sya ng iba sa akin.
Miguel : Pero naagaw pa rin sya sa iyo e.
Vernon : Dahil wala akong laban sa kayamanan ni Victor. Pero kung manu mano lang, hindi uubra sa akin ang matandang iyon. Nakulong lang ako e, kung hindi baka ako mismo ang nagpatumba sa kanya (asus! matagal ng patay si Don Victor ng makulong ka, nilalagyan mo lang battery ang remote control nyo)
Miguel : Kaya nyong magpatumba ng tao?
Vernon : Ahm syempre hindi. Ang ibig kong sabihin… siguro kapag umabot na sa sukdulan, baka kaya ko. Kaya ikaw… labanan mo si Raphael sa lahat ng aspeto. Huwag kang patatalo, kung mapera sya… kailangan mas mapera ka. Ganun lang. Utakan lang yan.

Sa campus. Habang nag-uusap sina Sofia at Jenna ay dumating si Toby na may dalang regalo para kay Sofia
Toby : Happy birthday!
Jenna : Nagpalit ka na ba ng birthday?
Sofia : Hindi. Toby, what are you talking about? Kaka-birthday ko lang.
Toby : E wala na akong maisip e. Para sa iyo
Sofia : Bakit? Bakit ka nga may gift?
Jenna : Sus! Ang dami mo pang questions. Buksan mo na! Baka may pagkain yan, bigyan mo ako ha.
-Binuksan ni Sofia ang gift ni Toby at nagulat sa nakita
Sofia : Di ba ito yung binili mong bag sa akin? I thought it was for your mom, hindi ba nya nagustuhan?
Toby : Hindi naman nakarating sa kanya yan e. Para sa iyo talaga yan. Ayoko kasing mawala sa iyo ang mga importanteng bagay
-Kinikilig si Jenna
Sofia : Nakakatwa ka naman. You bought my used bag para ibigay mo ulit sa akin?
Toby : Pagtawanan mo na nag effort ko. Ayoko lang mawala sa iyo ang mga mahalagang bagay sa ‘yo.
Jenna : Hay naku, ang sweet! Baka himatayin ako sa inggit dito. Sus, makaalis nga.
Sofia : Toby, tinuturuan ko na ang sarili ko na huwag ma-attach sa mga materyal na bagay. Iba na ang estado ng buhay namin ngayon, hindi na tulad ng dati
Toby : Alam ko, mahirap yun Sofia. Pero ayaw kong tumigil ang pagiging masaya mo nang dahil lang sa problema. Lahat tayo may dinadala, it’s part of growing up.
Sofia : (natawa) Toby, nagma-mature ka na ba?
Toby : (natawa din) Ewan. Siguro basta ang alam ko, importante sa akin ang makita kang masaya… dahil kapag masaya ka, masaya na din ako.
Sofia : You’ve definitely change Toby. Hindi ka lang senti, baduy ka pa!
-Nagkatawanan ang dalawa

Gabi. Nakita ni Estelle na nag-aaral pa rin si Toby.
Estelle : Toby
Toby : Yes ‘ma
Estelle : I thought my eyes were deceiving me. Don’t be offended pero ang sipag mo sa pag-aaral mo ngayon ha. I must say na matataas ang grades na inakyat mo this semester. I’m very pleased. At mabuti na rin nawawala ang obsession mo sa panunuod ng DVD ng ambush… that was so unhealthy.
Toby : Kaya ba ‘ma kinunfiscate nyo yung DVD?
Estelle : Confiscate? Hindi ako nakikialam sa gamit nyo ha
Toby : E noong isang araw ko pa ho hinahanap e. Akala ko kinuha nyo
Estelle : Baka naman na misplace mo lang. Basta, wala akong kinukuha. Masama na nga ang loob ko, pasasamain ko pa lalo sa panunuod nun?
Toby : E nasaan na kaya yun?

Sa silid ni Sofia. Pinapanuod ng dalaga ang kinuhang DVD kayToby. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto nya… sumilip si Vernon. Pinatay kaagad ni Sofia ang pinapanuod
Vernon : Sofia
Sofia : Hindi ho ba kayo marunong kumatok
Vernon : Kumatok ako kanina, baka hindi mo ako narinig. Nasaan ang mommy mo?
Sofia : Hindi ko alam, galing akong school. Pagdating ko wala na sya dito. Bakit?
Vernon : E usapan namin magmemeet dito e. Pag-uusapan namin yung tungkol sa Amadesto.
Sofia : Eh bakit hindi nyo na lang sya tawagan sa cellphone nya?
Vernon : Hindi ko sya makontak. Anyway, sige maghihintay lang ako sa baba. Baka gusto mo akong samahan, may dala akong konting pagkain.
Sofia : No thanks. Wala akong gana
Vernon : Bakit ba para kang galit sa akin, may nagawa ba akong mali?
Sofia : Sa akin wala
Vernon : Anong ibig mong sabihin?
-Naputol ang kanilang pag-uusap dahil narinig nila ang pagtawag ni Isadora kay Sofia.

Nag-usap sina Vernon at Isadora
Isadora : Galing lang ako sa abugado ko ngayon. Alam mo ba na pati yung share ko sa hacienda Amadesto nanganganib?
Vernon : Dahil peke ang kasal mo kay Victor. Pinilit mo kasi e, ngayon lumitaw na ang mga problema mo.
Isadora : Huwag mo na nga akong sinisisi dyan, past is past. At isa pa, hindi rin naman ako nagsisisi na iniwan kita noon. Aminan na… gumanda ang buhay ko, ang buhay namin kay Victor.
Vernon : Kung hinintay mo lang sana ako
Isadora : Kung hinintay kita noon, hanggang ngayon wala pa rin akong pera. Isang kahig, isang tuka pa rin tayo. Ni hindi ako makakabili ng isang panty.
Vernon : Pero panatag ka naman at walang problema. Kaysa naman ngayon… namumroblema ka sa dami ng kasong dapat mong harapin, di ba?
Isadora : Naku Vernon! Huwag mo na nga akong sumbatan. Tulungan mo na lang ako.
Vernon : Basta’t usapin sa nasira mong asawa, labas ako dyan.
Isadora : Wala ka lang naman ibang gagawin kundi pumirma ng sworn statement na inabandon mo kami ni Miguel, yun lang.
Vernon : Hindi ko naman ginawa yun a. Ikaw ang nang-iwan sa akin
Isadora : Oo nga Vernon. Kaya lang kapag napatunayan ko sa husgado na bago kami nagpakasal ni Victor e inabandon mo nga kami ni Miguel, o e di okey na ako, ligtas na ako.
Vernon : Puro ka kasinungalingan!
Isadora : Pasensya na ha Mr. Tama, iyon lang ang paraan

Kasama ni Scarlet ang alalay na si Edith
Scarlet : Hindi ba ang sabi ko sa iyo, imported ang mga corned beef ko sa bahay. O e di natikman mo na rin
Edith : Opo
Scarlet : Nasaan na ba si Miguel (nakita ang nakaparadang kotse ni Migue) Ito yung kotse nya
-Lumapit si Scarlet sa kotse ni Miguel. Naiiyak sa tuwa si Scarlet ng makita ang mga bulaklak na nasa sasakyan ni Miguel. Lumabas sa building sina Miguel at Maggie
Scarlet : Hi Maggie! How was your day, nag-enjoy ka ba?
Maggie : You know Mommy, nag buy kami ni Daddy ng flowers, ang ganda!
Scarlet : Oo nga, maganda! Para kanino?
Miguel : Ahm kailangan ko nang mauna. Alis na ako. (hinalikan ang anak) Bye Baby!
-Emote naman si Scarlet, kasi hindi pala para sa kanya ang bulaklak.

Nasa restaurant si Catherine. Lumapit ang isang waiter at may inilagay na bulaklak sa table. Nagpasalamat si Catherine. Inakala ni Catherine na kay Raphael galing ang bulaklak kaya tinawagan nya kaagad ito sa cellphone.
Catherine : Raphael, thank you ha!
Raphael : Thank you for what?
Catherine : Thank you sa… sa lahat. Wala lang, gusto ko lang magpasalamat. O baka naistorbo kita, sige tatawag na lang ako mamaya.
-Lumapit si Miguel kay Catherine. Nahulaan ni Catherine na kay Miguel galing ang bulaklak, galit si Catherine.
Catherine : Ano na naman ito ha?!
Miguel : Naisip ko lang na it would be nice to give you flowers.
Catherine : I don’t need a flowers! (ngek!) May asawa ka, may anak ka, engaged na ako… ikakasal na ako! Pwede ba? Nananahimik na ako huwag ka nang manggulo
Miguel : Catherine, hindi kita ginugulo.
Catherine : Ginugulo mo ako at nagugulo ako. Kaya’t tigilan mo na ‘to.
Miguel : Nagpunta ako dito para ipaalam sa iyo… abugado ang boss mo diba? Well, gusto kong ipaalam sa iyo na kinuha ko ang serbisyo nya bilang abugado ko. Sya ang maghahawak ng kaso namin for annulment. At sa pagkakaalam ko, linggo-linggo kaming magkikita dito. So whether you like it or not, you will be seeing more of me. See you Catherine!
-Iniusod pa ni Miguel ang bulaklak sa malapit kay Catherine bago umalis.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!