Read the transcript of episode 51 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.
Tinakot ni Isadora si Catherine sa birthday party ni Estelle at sinabing ‘tumakbo’ na itong pauwi, hindi naman umalis si Catherine.
Nag-speech si Estelle sa kanyang party at nagpasalamat sa mga anak nya dahil sa pag-aabala sa para kanyang birthday party, pati na din si Enrique ay pinasalamatan nya kahit wala na ito. Pinasalamatan din nya ang kanyang friend na si Isadora at si Sofia. Kasama si Catherine sa table nila Estelle at Rafael, pero hindi sya pinansin o pinasalamatan ni Estelle. Pagkatapos nang speech ni Estelle ay tumayo si Rafael para i-announce ang kanilang engagement.
Rafael: By the way, mga kaibigan, gusto ko ding pong ipakilala si… (then suddenly, Isadora butt in with Rafael’s speech.)
Isadora: (stood up and went to their table) Ay oo nga pala Mare, nakalimutan mong banggitin si CATHERINE. (Rafael felt disgusted with Isadora, Catherine felt ashamed.) I’m sure natatandaan nyo namang lahat sya diba? And familiar sya sa inyo, lalo pa ngayong laman sya nang headlines, hindi ba? And if you remember, Catherine is the ex-wife of the LATE MARTIN DELA RHEA. (Estelle is quite shocked upon hearing Isadora’s remarks and the guests felt the same way too.) Which incidentally, diba ibinintang sa iyo ang pagkamatay nya?
Rafael: I don’t think that comment was necessary.
Isadora: Bakit Rafael? I’m sure hindi naman mamasamain nang mga bisita nang mama mo kung ipaalala ko sa kanila kung sino si Catherine. (Catherine felt really ashamed and wanting to cry. Sofia was so disappointed with her mother.) I mean, this is an intimate affair, so magandang magkakilala tayong lahat diba?
Rafael: I think you should stop it.
Isadora: I’m just stating a fact, Rafael.
Rafael: Marami na kayong nasabi. Please, let’s stop now, ok? (Estelle stopped Isadora too.)
Isadora: Sorry Mare, na-carried away ako. (Catherine wipes her tears.)
Rafael: Ladies and gentlemen, I would like to introduce to you, si Catherine Dela Rhea, malapit na po kaming ikasal and I hope makapunta ho kayong lahat pagka-inannounce po namin. We will be very honored to have everybody. (On Estelle’s face, she cannot hide the disappointment.) Ah Mom, this was supposed to be, I hoped, it would’ve been a pleasant announcement during your birthday.
Nakita ni Sofia na nag-iisa si Catherine, nagmumukmok. Dumating si Toby at sinabi na pagkatapos kunin ang cake at nag-blow na nang candles ang kanyang ina ay saka nila sasabihin dito na sila na. Pagkaalis nila Toby at Sofia ay dumating si Isadora para ‘guluhin’ na naman si Catherine.
Isadora: (holding a glass of wine) Mukmok lang? (Catherine looked back and saw Isadora, then she went around her. Isadora looked at Catherine from head to toe, while smirking.)
Catherine: Iniisip ko lang kung paano kita PAPATAYIN na talagang mahihirapan ka nang sobra-sobra. Ano, doon tayo sa labas Isadora? Gusto mo, tapusin na natin ito?
Isadora: Hahaha! Ayoko pa! Nag-e-enjoy pa akong AWAYIN ka eh. Pero pwede rin. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, ha Catherine? Magsampalan tayo at magsabunutan sa harapan nang hilaw mong biyenan, at sa buong alta-sociedad? Hahaha, ang yabang mo na ngayon ha? Porque’t ba ang apelyido mo noon eh Mrs. Catherine Dela Rhea, at future Mrs. Rafael Torralba. Alam mo, bibinyagan nalang kita nang bagong pangalan…umm…Mrs. Catherine Maperang-mapera y Hut-hutera viuda de Impostora, o diba mas maganda, sosyalin?
Catherine: Ano ba yang iniinom mo Isadora? Scotch ba yan?
Isadora: Oo! Bakit gusto mo? Para talagang makalimot ka? Go ahead! (Catherine took Isadora’s glass.)
Catherine: Gusto ko lang ITAPON SA MUKHA MO! (Catherine threw it on Isadora’s face.)
Isadora: HAAHH! HOW DARE YOU! (Rafael and Estelle arrived.) Estelle! Tingnan mo ang ginawa sa akin nang babaeng yan!
Estelle: Ano ang ginawa mo?! Hindi ka na nahiya sa mga bisita! Talagang wala kang modong babae!
Rafael: Halika na! (Rafael took Catherine with him. Isadora still continues to act as if she’s the underdog.)
Kinabukasan, habang nagbre-breakfast sila Toby, Rafael at Estelle, napag-usapan nila ang nangyari sa party. Sabi ni Estelle na parang sya pa daw ang sinisisi ni Rafael sa nangyari kahapon. Sabi naman ni Rafael na alam naman nang kanyang mama na magkaaway sila Catherine at Isadora, pero kinumbida pa nya ito. Depensa naman ni Estelle na birthday nya iyon kaya pwede nyang imbitahin ang mga kaibigan nya. Tinanong sya ni Rafael kung nakakasiguro ba daw sya na kaibigan nga nya si Isadora? Baka naman ginagamit lang ang kanyang ina. Bato naman ni Estelle kay Rafael ay sigurado ba daw ito na maganda ang hangarin ni Catherine sa kanya? O baka naman pineperahan lang sya nito? Napailing lang si Rafael at hindi na pumatol pa sa ina.
Sa bahay naman nila Isadora ay magbre-breakfast na din sila ni Sofia. Kinukuwento ni Isadora kay Sofia na natapunan man sya nang scotch ay ok lang dahil si Catherine parin daw ang talunan. Galit na galit daw si Estelle kay Catherine at pinagsabihan nang wala itong modo. Very disappointed si Sofia sa kanyang ina. Nagpauna na si Isadora na huwag na daw syang bibigyan ni Sofia nang words of wisdom, dahil pagdating daw kay Catherine ay talagang lumalabas daw ang kanyang galit. Tinanong sya ni Sofia kung hanggang kailan sya magiging ganon? Sagot ni Isadora na hanggang kaya nya at kahit mauna syang mamatay kay Catherine ay hihilahin parin nya ang paa nito at hindi nya ito patatahimikin. Napatanong si Sofia kung kaya ba daw nang ina na pumatay sa sobrang galit nito. Hindi agad nakasagot si Isadora at tinanong si Sofia “ano sa tingin mo?” Naiiyak na sinagot ni Sofia ang tanong nang ina na hanggang doon lang ang kaya nya at hindi nito kayang pumatay, sigurado daw sya doon.
Pinuntahan ni Winnie si Scarlet sa kanyang kwarto at nakitang kumakain nang junk foods sa kama habang nagmumukmok. Pumunta doon si Winnie dahil hindi na naman umattend si Scarlet nang board meeting at nakakahiya na daw dahil third time that week na silang pinaghintay ni Scarlet. Sagot naman ni Scarlet kung bakit pa sila naghihintay? Naiinis na sinabi ni Winnie na dahil sinabi daw ni Scarlet na darating sya at tinatawagan daw nya si Scarlet kanina at hindi nya alam kung pauuwiin ang mga board members o hindi. Kung ayaw daw ni Scarlet ay sabihin daw sa kanya. Patuloy sa pagkain nang junk foods si Scarlet at sinabi sa kanya ni Winnie na she thinks Scarlet needs help. Ipinagmalaki ni Scarlet na hindi nya kailangan nang tulong dahil ang dami-dami nyang pera at ang yaman-yaman nya. Sagot naman ni Winnie na mayaman nga daw si Scarlet pero ang dami nitong napapabayaan – negosyo, anak at sarili nito, at bakit daw nangyayari iyon? Kung buhay pa daw si Martin ay magagalit ito kay Scarlet dahil she has a good life and has everything, tapos masisira lang ang buhay nya dahil sa isang lalake? Dinedeadma lang ni Scarlet ang sinasabi ni Winnie sa kanya. Inabot ni Winnie ang isang brown envelope kay Scarlet at sinabing basahin daw nya ito dahil importante. Habang binubuksan ni Scarlet ang envelope, sinabi ni Winnie na nakahanap nang bagong lawyer si Miguel to speed up their annulment case. Pagbasa ni Scarlet ay napansin nya ang letter head (Gonzalez Law Office), alam nyang doon nagtratrabaho si Catherine, and Winnie confirmed it. Galit na galit si Scarlet kina Miguel, lalo na kay Catherine at nagbanta pa ito na mamamatay na si Catherine.
Kausap ni Miguel is Vernon sa may pool area (pero yung pool nila ay walang tubig, kailangan nilang magtipid - Ara), at sinabi ni Miguel na baka tumagal ang kanilang annulment case kapag hindi nakipag-cooperate si Scarlet. Sinabihan naman ni Vernon na huwag daw ipakita ni Miguel na nagmamadali sya dahil lalo lang daw manggigigil si Scarlet, at magbabago din ang isip nito balang araw. Kinamusta ni Vernon ang trabaho ni Miguel. Sinabi ni Miguel na ok lang at civil naman silang dalawa ni Rafael. Kinamusta din ni Vernon ang mga projects sa Amadesto at binanggit din nya na nabalitaan nyang open for bidding ang project na South Express Way going to Amadesto. Nasabi ni Miguel sa ama na nagkakaroon sila nang konting problema sa contractor na kinausap dati ni Enrique, tinanong din ni Miguel kung bakit ito naitanong nang ama? Sinabi ni Vernon na may kakilala syang contractor na nagpapalapit kay Rafael, maayos daw itong kausap at madami na din projects na nagawa. Tinanong ni Miguel kung sino ang contractor. Sinabi ni Vernon na grupo daw ni Marcus Silvestre. Nag-isip si Miguel at sinabihan ang ama na kausapin ang contractor at magbigay daw sila nang proposal, titingnan nya kung may magagawa sya. Nagpasalamat naman si Vernon sa anak.
Pumunta si Miguel sa bahay nila Scarlet dahil binisita ang anak. Pagbaba ni Scarlet sa living room ay nakita nyang nagliligpit si Miguel nang mga laruan nang anak at hinanap ni Scarlet si Maggie. Sinabi ni Miguel na pinatulog na nya dahil napagod ito sa kakalaro.
Scarlet: (sitting on the stair) Kamusta ka naman?
Miguel: Ok naman. Ikaw? You look sick.
Scarlet: Sick and tired of this life? Yes.
Miguel: Mag-aaway na naman ba tayo?
Scarlet: Ikaw ang bahala, gusto mo ba? Ako, ready lang ako.
Miguel: (sat on the couch) Scarlet, hindi ka ba napapagod sa ganito?
Scarlet: No Miguel. (stood up) In fact, alam mo, hinahanap-hanap ko sya. Ikaw ha, I must admit, sa isang naghihirap na taong kagaya mo, you look…fit and terrific! Iba na talaga kapag meron kang INSPIRASYON.
Miguel: (stood up) What are you talking about?
Scarlet: (went closer to Miguel) Gonzalez Law Office, paralegal Catherine Ramirez. Does that ring a bell, huh? Sabihin nalang natin na hindi pa nga kayo nagkakabalikan ni Catherine, pero habang mag-asawa tayo, SYA lang ang laman nang isipan mo. So in principle, talagang nagkasala ka nga!
Miguel: (mad) Unfair ka. Hindi ka talaga patas maglaro.
Scarlet: Talagang hindi. Hindi mo ba napapansin, kaya nga parati akong nananalo eh. Who cares about the rules? Bakit pa kasi hindi ka umamin, Miguel. Talaga namang napakadumi nang pag-iisip mo, diba?! (pushed his head with her finger.)
Miguel: Sana sa lahat nang mga pinaggagagawa mo, ang makita nang judge, ay ang kasiraan nang ulo mo! (Miguel pushed Scarlet’s head with his finger. Scarlet is teary-eyed.) You’re not even stable – emotionally and psychologically, kawawa ang bata sa iyo.
Scarlet: Mas kawawa ang bata sa iyo dahil isasama mo lang sya doon sa kerida mo!
Miguel: OO! Sana lang magkatotoo ang lahat nang sinasabi mo. Dahil si Catherine, di hamak na mas magiging mabuti syang ina at asawa kesa sa iyo. (Miguel walks out. Scarlet wiped her tears.)
Habang kumakain naman nang dinner si Isadora, tinanong sya ni Sofia na nung nasa Amadesto pa daw sila, bukod sa mga Torralba ay sino pa daw ang malapit sa pamilya nila? Tinanong ni Isadora kung bakit iyon naitanong ni Sofia. Sagot naman ni Sofia na bata pa sya nung lumipat sila nang Manila, kaya wala syang maalala. Nagdududa naman si Isadora sa mga tanong ni Sofia at tinanong nya ito kung bakit nya kailangan alalalahanin? Kinakabahan pero nagdahilan si Sofia na meron syang assignment sa school na ‘tracing one’s roots.’ Alam ni Isadora na may gustong malaman si Sofia kaya sinabi nyang “uhmm, tracing one’s roots? Or tracing one’s father?” Pinagalitan ni Isadora si Sofia at sinabing tigilan na nito ang pagpu-pursue na hanapin ang totoong ama. Isadora starts to cry, at isinumbat kay Sofia na pwede na nga daw syang maging madre dahil all these years mula nang mamatay ang ama ni Sofia ay wala naman daw itong nakitang lalake sa buhay nya. Sumagot naman si Sofia at sinabing hindi kailangan mag-detalye ang kanyang ina. Sinabi ni Isadora na kailangan nyang idikdik sa utak ni Sofia iyon dahil baka sakaling paniwalaan daw sya nito, hurt na daw sya. Aamuin sana sya ni Sofia pero tumangging magpa-amo si Isadora at patuloy itong umiyak at pinaalis na si Sofia. Pagkaalis ni Sofia ay sabay pahid ang luha ni Isadora, at tumawa, nag-drama lang pala ito.
Kinabukasan sa campus, sinabi ni Toby na pinayagan na sya nang kanyang ina na mag-group study, hindi nya pinaalam na pupunta sila ni Sofia nang Amadesto dahil baka hindi sya payagan nito. Nag-aalala naman si Sofia dahil baka naaabala si Toby sa mga problema nya, at nag-aalala din sya baka sya lang din ang gumagawa nang sarili nyang problema. Sabi naman ni Toby na normal lang iyon dahil pagkatao ni Sofia ang pinag-uusapan doon. Pero nag-aalala parin si Sofia na baka she’s just wasting her time, effort and emotions at baka pagsisihan nya ito. Sabi naman ni Toby na pagsisisihan ito lalo ni Sofia pag hindi nya ito tinuloy dahil hindi sya matatahimik, at kung si Toby ang nasa kalagayan daw ni Sofia ay iyon din daw ang gagawin nya.
Pinuntahan nila Toby ang bahay ni Lola Aura sa Amadesto. Magiliw na binati ni lola si Toby, akala ni lola ay kasama ni Toby si Rafael, pero nag-iba ang mood ni lola nang makita si Sofia.
Pinapunta naman ni Scarlet ang kanyang lawyer sa bahay nya dahil gusto nyang ipabuksan ulit ang arson case ni Catherine. Sinabi nang lawyer na na-dismiss na daw ito at under what grounds daw ang kanilang appeal, dahil siguradong tatanungin sila tungkol dito. Pagdating ni Winnie sa may living room (from the kitchen to get some coffee) ay nakinig sya sa usapan nila Scarlet at lawyer nito. Sinabi ni Scarlet na talagang nagpasabog si Catherine sa ospital at imposible na faulty wirings daw iyon. Sumingit naman si Winnie sa usapan at sinabi kay Scarlet na kung sana ay may eye witness silang makakapagsabi na si Catherine mismo ang nagpasabog nang ospital. Pinagpipilitan parin ni Scarlet sa kanyang lawyer na buksan ulit ang kaso laban kay Catherine, kahit sa anong paraan at pati si Rafael ay gusto din nyang pa-imbestigahan dahil baka may ginawa daw ito para gapangin ang kaso. Sabi naman ni Winnie na mabuti at maprinsipyong tao si Rafael at hindi nito kaya gumawa nang ganon. Sagot naman ni Scarlet na she’s not questioning his principles, ang sa kanya lang ay baka lang naman, dahil lahat daw nang nahuhumaling kay Catherine ay nasisiraan nang ulo at pwede daw nyang ito ipanlaban kay Catherine.
Mahinahon namang kinausap ni lola si Sofia, dahil nagtatanong muli ito tungkol sa tunay nyang ama. Sinabi ni lola na ang alam lang nya ay baog ang kapatid nya. Nagtanong si Sofia kung may alam ba daw si lola na naging karelasyon nang kanyang ina dahil matagal na tumira si lola sa Amadesto, at umaasa lang sya na baka matulungan sya ni lola. Sabi ni lola na madami nang kaguluhang nangyayari sa buhay nila. Pero nagmakaawa si Sofia at sinabi kay lola na si Mang Rolando daw ang nagsabi sa kanya na hindi sya isang Castillejos, at si lola naman ang nagsabi na baog ang kanyang Papa Victor, paano daw sya matatahimik? Naaawa din si lola kay Sofia. Sinabi ni Sofia na isa lang naman daw ang hihilingin nya, kung hindi man nya mahanap ang tunay na ama, gusto nyang mapatunayan kung isa syang Castillejos at magagawa lang nya iyon kung magpapa-DNA test sila ni Lola Aura. Kung magkadugo sila, sigurado syang anak sya nang kanyang Papa Victor.
Gabi na nang makabalik sila Toby at Sofia sa Manila, natutuwa din sila dahil nagbigay nang hair sample si lola. Nag-aalala naman si Sofia na baka hindi 100% effective ang magiging result dahil half-sister lang ni Don Victor si lola. Sabi naman ni Toby na iisa sila nang tatay at Castillejos si Lola Aura. Willing naman si Sofia to explore all her options and possibilities. Biglang napabuntong-hininga si Toby. Sinabi ni Toby na pag napatunayang hindi nga anak si Sofia ni Don Victor ay baka lalong lumakas ang kaso nila lola laban sa kanyang ina at baka mawala pa ang natitira nilang chance sa hacienda. Lalong naguluhan si Sofia at hindi alam ang gagawin, naiyak si Sofia dahil nagtatalo ang kalooban. Sinabi naman ni Toby na alam nyang importante iyon kay Sofia pero sana daw ay maisip din nito na naghihirap na sila ngayon. Lahat daw ay ginagawa nang mommy ni Sofia para huwag mawala ang hacienda nila, pero sa gagawin daw ni Sofia ay maaring malagay sa alanganin ang laban nila sa husgado. Napag-isip ni Sofia na may tama si Toby at hindi na din nya alam ang gagawin dahil naguguluhan na din sya.
Pagbaba ni Rafael sa kotse, sa tapat nang kanyang office sa Amadesto, iniabot nang kanyang staff ang isang susi nang kotse (Volvo.) Iniwan daw iyon para kay Rafael. Nalaman ni Rafael na galing iyon kay Mr. Lintoco. Inutusan nya ang kanyang staff na hanapin ang address ni Mr. Lintoco at sabihin daw na hindi nya tinatanggap ang kotse at pinababalik nya ito.
That afternoon ay dumating si Mr. Lintoco sa office ni Rafael dahil nalaman nyang hindi tinanggap ni Rafael ang kanyang ‘munting’ regalo dito. Tinanong nya si Rafael kung hindi ba daw nito nagustuhan ang kulay o modelo? Sinabi ni Rafael na he don’t want to deal with him in any way, at sinabi nya na hindi ganon ang ginagawa nila (bribery) sa kanyang office. Tinanong naman ni Mr. Lintoco kung ano ang gusto ni Rafael and he will do it. Ang alam daw kasi nang kanyang mga kasamahan na sa kanila na ang SLEX project. Nangungulit si Mr. Lintoco kay Rafael na ibigay nalang sa kanya ang project dahil wala naman daw mawawala kay Rafael. Sinagot ni Rafael na kaya nila gustong makuha ang project dahil kikita sila nang malaki at ang integridad daw nya ang mawawala. Pinaaalis ni Rafael si Mr. Lintoco sa kanyang office. Pinansin ni Mr. Lintoco ang picture ni Catherine at tinanong kung ito ba daw ang mapapangasawa ni Rafael. Sana lang daw ay inaalagaan ni Rafael si Catherine nang mabuti. Tinanong ni Rafael kung threat ba daw iyon ni Mr. Lintoco? Sagot naman ni Mr. Lintoco na wala syang sinasabi, at ang sa kanya lang ay magulo ang mundo at maraming loko, dapat daw ay nag-iingat sila palagi. Pag-alis ni Mr. Lintoco ay nag-alala si Rafael for Catherine.
Nasa kalye si Catherine at tumawag sa kanya si Rafael, sinabi ni Catherine na pauwi na sya kaya huwag na syang sunduin pa ni Rafael. Low batt na ang cellphone ni Catherine kaya hindi sila nagkarinigan mabuti at naputol pa ang pag-uusap nila. Biglang pumasok si Miguel sa office ni Rafael at binibigay ang proposal for Marcus Silvestre’s group for the SLEX project. Hindi naman mapakali si Rafael dahil sobrang nag-aalala kay Catherine, at pinaiiwan nalang ang mga documents kay Miguel. Nangulit si Miguel tungkol sa project dahil sinabi daw sa kanya ni Rafael na ok na daw iyon. Medyo nagalit si Rafael kay Miguel at sinabing huwag daw syang pe-personalin pero nasa office daw nya si Miguel at huwag syang kukuwestyonin.
Habang nag-ta-try parin si Catherine na tawagan si Rafael, may isang lalaki ang dumaan sa kanya at sinabihan syang huwag na syang papalag. May isang van ang huminto sa may tapat nila at nakiusap si Catherine at sinabing kunin nalang nila ang kanyang bag. May 2 pang lalakeng bumaba sa van at hinawakan si Catherine at pinilit na pinasakay si Catherine sa van. Kinidnap si Catherine.
Teasers:
- Pumunta si Rafael kina lola para ibalita na nakidnap si Catherine. Sobrang nag-aalala si lola at nagtataka rin kung sino ang ki-kidnap kay Catherine.
- Nakipagkita si Rafael kay Mr. Lintoco. Sinabi ni Lintoco na masyado daw straight kasi si Rafael at dapat matuto syang bumaluktot kahit konti, dahil kawawa daw si Catherine kung ito ang magbabayad sa katigasan nang ulo ni Rafael.
- Nagkausap naman sila Miguel at Rafael sa office at tinanong ni Miguel kung mas matimbang ba daw kay Rafael ang prinsipyo nito kesa kay Catherine? Sabi naman ni Rafael na pag pinagbigyan nya ang mga ito ay magde-demand ulit ito sa kanya, at hawak sya sa leeg. Nagwarning naman si Miguel kay Rafael na sana ay tama si Rafael, dahil pag may nangyari daw kay Catherine ay silang dalawa ang magtutuos.
- Nakita ni Sofia na paalis si Miguel. Gustong i-rescue ni Miguel si Catherine at umalis na ito, hindi nagpapigil kay Sofia.
Labels: Iisa Pa Lamang