Google
 

Read on this transcript of Episode 45 of Iisa Pa Lamang. Many thanks to Neneng of Pinoy TV Junkie.

Estelle: At kanino ako maniniwala? SA IYO? Hahahaha! Hindi ko na hawak ang buhay nang anak ko, Catherine. Kung magkatuluyan kayo wala akong magagawa. Pero ito ang tandaan mo, kung sakaling magkatuluyan kayo… hindi ka rin liligaya sa piling ni Raphael. I will make your life hell for you Catherine. HELL!
-Dumating si Raphael at nagtaka ito kung bakit nandun ang ina.
Raphael : Ma, what are you doing here?
Estelle : Wala lang. Kinukumusta ko lang si Catherine. Mukhang may date kayong dalawa, so don’t let me get in the way. Have fun, you two!
-Umalis si Estelle. Tahimik lang si Catherine, hinawakan ni Raphael sa kamay ang nobya.

Pumunta si Sofia sa Deans’s office.
Sofia : Ma’am pinatawag nyo daw ho ako?
Dean : Oo. Upo ka.
Sofia : Tungkol ho ba ito sa pagbebenta ko ng bags? Bawal po ba?
Dean : Hindi. As long as you got the permit, okay lang iyon. Tungkol ito sa inaplayan mong scholarship. I’m sorry, hindi ka eligible for the scholarship. But the good news is may nag-sponsor ng enrollment mo. Binayaran na niya kanina, so makakapasok ka sa sem na ito.
Sofia : May nag-sponsor ho sa akin? Sino po?
Dean : Ayaw nyang ipasabi. Somebody cares for you.

Ibinalita ni Sofia kay Jenna ang good news.
Jenna : Ang swerte mo friend, at least makakapag-aral ka na ulit. Yung makukuha natin dito, gamitin mo na lang bahay.
Sofia : Pero sino kaya yung nag-sponsor sa akin? Ayaw naman kasi sabihin ng dean kung sino, sabi nya lang somebody cares for me.
Jenna : Iisa lang naman ang kilala nating ganun eh… si Toby.
Sofia : Si Toby?! Hindi naman siguro. Bakit naman nya gagawin ‘yon?
Jenna : Sus, pabulag bulagan pa kuno.
Sofia : At isa pa, saan kukuha ng pambayad si Toby? Hawak ng Mommy nya yung pera nya, kaya I’m sure hindi sya ‘yon.

Kumakain sina Raphael at Catherine sa isang restaurant
Raphael : Catherine, kahit hindi mo aminin sa akin, alam ko pinagsabihan ka ni mama ng hindi maganda kahapon.
Catherine : Nanay mo sya, para sa iyo kaya ko pang magtiis.
Raphael : Nanay ko sya, kaya ko sya kilala. Pero hindi mo dapat pagtiisan, tao man o sitwasyon para lang sa kapakanan ko.
Catherine : Pinuproteksyonan ka lang ng nanay mo Raphael.
Raphael : Pinuproteksyonan? Bakit sino ang kalaban? Sino ang kaaway?
Catherine : Sino ba ang paboritong kaaway ng bayan? Sanay na ako sa ganitong buhay Raphael, tuwing pinipilit kong bumangon.
Raphael : Catherine, malapit nang magbago lahat ‘yan. Hindi ka na aapihin ng kahit sino man. Malapit na tayong magpakasal, Mrs Catherine Torralba.

Dinalaw ni Miguel ang anak na si Maggie.
Miguel : Pasensya ka na Baby, hindi ako nakadalaw sa iyo nung isang araw ha. Busy kasi si Daddy sa bagong trabaho e. Miss mo ba ako?
Maggie : Opo.
Miguel : Sino pa ang miss mo?
Maggie : Miss ko din si Mommy.
Miguel : Oo nga e, busy kasi din kasi yung Mommy mo e. Di bale kapag umuuwi naman sya, di ba naglalaro naman kayong dalawa?
Maggie : Opo. Miss ko din si Mommy Kate.
Miguel : (napabuntong-hininga) Miss ko nga din sya e.
Maggie : Kailan punta dito si Mommy Kate?

Dinala ni Miguel ang anak kay Catherine. Tuwang tuwa si Maggie ng makita ang Mommy Kate nya.
Miguel : Sabi sa opisina nyo nandito ka daw. Sobra ka nang namimiss ni Maggie e. I hope you don’t mind, dinala ko sya dito dahil gusto ka nyang makita e.
Catherine : Okay lang. Hindi naman kasama sa problema si Maggie eh. (kay Maggie) I miss you! Gusto mo maglaro tayo may playground dun.
-Niyakap ni Catherine ang bata. Habang naglalaro sina Catherine at Maggie, nakabantay sa kanila si Miguel na hindi maalis ang tingin kay Catherine.

Nasa silid nya si Scarlet, nag-iisip.
Scarlet : Hindi ako naniniwala na wala na sa iyo si Catherine, Miguel. Nandyan pa din sya sa isip mo. At ikaw Catherine, tandaan mo ito… kung hindi ako liligaya, lalong hindi ka liligaya.

Nasa bahay nina Isadora si Vernon. May ibinigay na sobre si Isadora sa dating asawa.
Isadora : 100,000 yan ha. Siguro naman magiging masaya na dyan yung mga partners mo.
Vernon : (tiningnan ang laman ng sobre) Ang nipis nito Isadora. Milyones ang utang mo, barya barya lang ang ibabayad mo.
Isadora : Buti nga nagbabayad eh. Ba’t hindi mo kaya ipakausap sa akin yang mga partners mo, para naman makahingi ako ng installment plan… yung 100 years to pay.
Vernon : Anong akala mo sa kanila, pipitsugin? Tyak magagalit yung mga iyon.
Isadora : Hindi ka kasi marunong makipag-deal eh. Ako nga kasi ang ipakausap mo, sigurado na makakarating kami sa isang magandang kasunduan.

Pinapakain ni Scarlet si Maggie
Scarlet : How was your day, Baby?
Maggie : Pumunta dito si Daddy.
Scarlet : Talaga, eh di happy na ang baby ko?
Maggie : Pasyal kaming dalawa.
Scarlet : Talaga? Saan kayo nagpunta?
Maggie : Sa restaurant, kay Mommy Kate, sa toy store.
Scarlet : (nabigla) Saan kayo nagpunta bago kayo magpunta sa toy store?
Maggie : Kay Mommy Kate, laro kaming dalawa. Miss nya din si Daddy eh.
- Pinipigilan ni Scarlet na huwag maiyak sa harap ng anak.

Nadatnan ni Miguel na nag-uusap ang mga magulang (Isadora at Vernon). Nagyakap ang mag-ama.
Miguel : Kamusta na? Napadalaw kayo.
Vernon : Oo nga e. Ito medyo matagal tayong hindi nagkikita e.
Miguel : Oo nga e. Hindi man lang tayo nakapag-kwentuhan tungkol doon sa kampanya… tungkol sa pagkatalo ko.
Vernon : Okey lang, pare pareho lang tayong naipit doon. Ano kaya kung pumasok ka ng trabaho sa kanila? Baka sakaling mahimasmasan yung boss ko.
Miguel : Salamat ‘tay, pero may trabaho na ho ako e.
Isadora : Ha?! May trabaho ka na? Bakit hindi mo sa akin sinasabi? Saan?
Miguel : Well, ah kinuha ako ni Kuya Raphael. Ginawa nya akong staff. Ginawa nya akong Finance head nya.
Isadora : Talaga? So ibig mong sabihin, ikaw na ngayon ang may hawak ng pera ng Amadesto? Interesting (dumating si Sofia) O ba’t ngayon ka lang?
Sofia : Ah may tinapos lang ho ako sa school. Ma, may nag-sponsor ng tuition ko for this sem, kayo ho ba ‘yon?
Isadora : Alam mo naman na wala tayong pera. Tsaka kung ako man iyon, bakit ko naman ililihim sa iyo? O hindi ka pa bumabati sa bisita natin.
Sofia : (tumingin kay Vernon) Good evening po, ako po si Sofia.
Vernon : Good evening! Ako si Vernon, ama ni Miguel.
Sofia : Vernon?!

Hindi mapakali si Sofia sa kanyang kwarto. Naiisip ng dalaga ang ipinagtapat sa kanya ni Mang Rolando bago ito namatay, “Si Isadora at si Vernon ang may pakana ng ambush. Sila ang pumatay kay Torralba.” Naalala din ni Sofia na nakita niya si Vernon sa video ng ambush ni Cong. Torralba.
Sofia : Diyos ko, ayaw kong paniwalaan ito, pero parang totoo lahat ng sinasabi ni Mang Rolando. Totoong involved si Mommy sa ambush.

Nasa kwarto si Scarlet at galit na galit sa nalaman na dinala ni Miguel si Maggie kay Catherine.
Scarlet : Ang kapal ng mukha mo Miguel, kayong dalawa ni Catherine. Hanggang ngayon nagkikita pa rin kayo at ginagamit nyo pa ang anak ko para lang magkita kayo. You don’t have any sense of dignity Miguel, you’re truly disgusting!

Kasama ni Sofia ang ina at ang kanilang lawyer, papunta sila sa abugado ni Cong. Raphael Torralba.
Sofia : Ano hong ginagawa natin dito?
Lawyer : On-going pa rin ang investigation sa pagkamatay ni Rolando Ramirez. Kailangan nilang kunin ang statement mo.
Sofia : Ako ho? Pero wala naman ho akong alam eh.
Lawyer : Ikaw kasi ang huling nakasama niya sa kwarto.
Sofia : Ma, natatakot ako.
Isadora : Sinabi ko naman kasi sa iyo na huwag ka ng bumalik doon sa ICU, bumalik-balik ka pa kasi eh. Ayan tingnan mo e di nasabit ka nga.
Lawyer : Pero ayun sa iyo wala namang sinabi si Rolando Ramirez, di ba? O e di walang problema. Sabihin mo lang ang totoo, walang mangyayari sa iyo.
Sofia : Ang totoo?
-Ninerbyos si Isadora.

Sa opisina ng abugado ng gwapong congressman ng Amadesto.
Atty Madrinan : Good afternoon! Ako po si Atty. Madrinan, ako po ang may hawak ng kasong ito.
Isadora : So, ikaw pala ang tuta ni Raphael
Lawyer (of Sofia) : Isadora
Atty. Madrinan : May ilang katanungan lang kami sa iyo Sofia, kasi ikaw raw ang huling nakasama ni Rolando Ramirez sa kwarto.
Sofia : Nagbigay na ho ako ng statement dati… (saglit na tumingin sa ina) wala ho syang sinabi sa akin.
Atty. Madrinan : Nakuha na namin iyon, salamat. Nagtataka lang kami kung bakit palagi kang dumadalaw kay Rolando.
Sofia : Handy man ho namin sya sa boarding house, naging close lang ho kami.
Atty. Madrinan : E ang Mommy mo, bakit bumibisita sya?
Isadora : O paano naman ako napasok sa usapan?
Atty. Madrinan : Kayo ho ang ini-imbestigahan namin. Kaya marami kaming katanungan pa.
Sofia : Bakit nyo ini-imbestiga si Mommy? Lagi nyo na lang sya pinag-iinitan, hindi masamang tao ang Mommy ko.
Isadora : Oo nga! Sige nga anak, ipagtanggol mo ako. Pambihira naman kasi porke’t meron lang nakitang morphine sa katawan ni Rolando, ako na kaagad ang iniisip nyo. Ano ba ang palagay nyo sa akin, adik?
Sofia : Morphine?!
Atty. Madrinan : Ang cause of death ni Rolando Ramirez, may alam ka ba tungkol doon?
Sofia : Paano makakapasok ang morphine sa katawan ni mang Rolando?
Atty. Madrinan : Well, ang pinaka-madaling paraan ay kung i-i-inject ito sa dextrose nya.
“>Sofia : (shock at naiiyak) Injection?
Lawyer (of Sofia) : Sofia, are you okay? Parang namumutla ka. Do you need water?
Sofia : Ah oho. Puede hong mag-CR muna ako?
Lawyer (of Sofia) : Sige, sige!
Isadora : Anak, are you okay?
Sofia : Yes ‘ma.

Sa CR. Takot na takot si Sofia. Naalala niya noong sumama sa kanya ang ina sa pagdalaw kay Mang Rolando… noong pinalabas siya ni Isadora sa ICU… noong mamatay si Rolando… noong sinabi ni Isadora na tigok na si Rolando kahit hindi pa nya sinasabi dito… at noong nakita niya ang syringe sa basurahan ng ina.
Sofia : Suspect si Mommy. Ini-imbestigahan sya sa pagkamatay ni Mang Rolando. Bakit si Mommy? Hindi! Hindi puede… huwag si Mommy, huwag si Mommy



Bumalik si Sofia sa opisina.
Atty. Madrinan : Are you alright?
Sofia : Opo. Gusto ko ho sanang palitan yung statement ko. Noong gumising si Mang Rolando may sinabi ho sya sa akin.
Laywyer (of Sofia) : Can I request for recess to confirm with my client?
Sofia : Huwag na ho. Sabi nyo sabihin ko ang totoo. I’m ready.
Atty. Madrinan : Ano ang sinabi sa iyo ni Rolando?
Sofia : Tungkol ho kay Cong. Torralba. Winarningan ni Mang Rolando si Congressman tungkol sa ambush, dahil nakita ho nya ang mga lalaking may baril. Pero iyon lang ho ang alam nya. Hindi nya kilala ang mga lalaking yun o kung sino man ang nag-utos ng ambush. (pinangingiliran ng luha) Humihingi lang ho sya ng tawad kasi hindi ho sya makakatulong sa kaso. Iyon lang ho ang sinabi nya.
- Nakahinga si Isadora sa sinabi ng anak, pero mukhang hindi kumbinsido si Atty. Madrinan.

Sa campus. Nilapitan ni Toby ang malungkot at nag-iisang si Sofia.
Toby : Sofia, anong problema?
Sofia : Okay lang ako.
Toby : Hindi ka naman mukhang okay. Di ba enrolled ka na? Matutuloy mo na ang pag-aaral mo.
Sofia : (nagtaka) Paano mo nalaman?
Toby : Ah… hindi kasi
Sofia : Ikaw ba yung nag-sponsor sa akin? Toby, hindi mo dapat ginawa yun.
Toby : Alam ko. Pero importante sa iyo ang school. Sayang naman kung hihinto ka. Sofia, kung sa akin nangyari yun hindi sayang kasi batugan ako e. Pero ikaw, mas deserving ka magkaroon ng education… masipag ka, honor student… magandang role model.
Sofia : Hindi ako magandang role model, Toby. May ginawa akong masama, napakasama.
Toby : (tumawa) Si Miss Perfect, gagawa ng masama? Dyan naman ako hindi maniniwala.
Sofia : Hindi mo alam yun Toby. Excuse me, I have to go.
Toby : Teka, saan ka pupunta?
Sofia : Pupunta ako sa Register’s office.
Toby : Register’s office, bakit?
Sofia : Idradrop ko yung subjects ko. Titingnan ko if I can get a full refund.
Toby : Full refund? Akala ko ba gusto mong mag-aral?
Sofia : I’m sorry Toby, pero hindi ko matatanggap ‘yang tulong mo.
-Umalis na si Sofia. Nag-iisip ang naiwang si Toby

Naikwento ni Toby sa mga kaibigan ang tungkol kay Sofia
Doms : Dude, Baka naman napahiya lang si Sofia
Toby : Hindi naman masama ang intensyon ko pare e, at saka wala naman akong hinihinging kapalit sa tinulong ko sa kanya. Ayoko lang naman tumigil sya sa pag-aaral nya, may masama ba doon?
Jester : E Dude, baka naunahan ka na naman ni Jonas
Toby : Hindi pare, pakiramdam ko talaga meron syang ibang rason. Hindi naman sya mukhang offended na galit e. Hindi e. Mas nakita ko pa nga sa kanya… para syang natatakot na guilty
Doms : Guilty? Bakit naman, may kasalanan ba sya sa ‘yo?
Toby : Wala. Unless kung meron
Jester : E kung meron nga, anong gagawin mo?
Toby : Pare, patatawarin ko. Hindi ko kayang magalit nang matindi kay Sofia.
Doms : Ows! Ganun ba talaga kalakas ang tama mo kay Sofia?
Toby : Ganun katindi ang pagmamalasakit ko kay Sofia. Saka alam naman nating lahat na mabait si Sofia e. Kung anuman yung iniisip nyang ‘yon, sigurado ako kababawan lang yon.
Doms : Dude, ang corny mo grabe.

Humiram ng pera si Sofia kay Jenna
Jenna : Sofia, ito na yung hinihiram mo.
Sofia : Nahihiya ako sa iyo Jenna, pero wala na kasi akong ibang matakbuhan eh
Jenna : Sus! Huwag ka na. We’re bestfriends, kaunti lang naman yan eh
Sofia : Thank you ha. Alam mo, pag nabenta ko yung GUCCI bag ko, babayaran kaagad kita
Jenna : Oo na, pini-pressure mo naman ang sarili mo. Okay lang yan. Si Mommy nagwo-worry sa iyo, huwag ka na daw mahiyang lumapit sa kanya, parang anak ka na rin nya eh.
Sofia : Thank you talaga ha. Alam mo, malapit ko nang i-drop lahat ng subjects ko pero hindi ko talaga kaya dahil ayokong pabayaan ang pag-aaral ko Jenna eh. Ito namang binigay mong pera ipambabayad ko kay Toby, inisponsoran nya ako.
Jenna : Iyan ang hindi ko maintindihan sa iyo. Bakit ayaw mong tanggapin ang tinutulong ni Toby, e di ba childhood friends naman kayo? At saka magkaibigan naman ang family nyo.
Sofia : Mahabang kwento iyon Jenna
Jenna : Asus! Pride at immaturity na naman yang pina-iral mo. Ano ba ang tingin mo, kung tinanggap mo yung tulong ni Toby, matu-turn off sya sa iyo?
Sofia : Hindi. Pero pag nalaman nya ang buong katotohanan baka hindi lang sya ma-turn off Jenna, baka isumpa nya pa ako.
Jenna : Ano ba yang buong katotohanan? You’re acting weird. Kapraningan na naman ba yan? O baka nananaginip ka na naman ng masama at sa tingin mo mangyayari in the near future.
Sofia : Sana nga ganun lang yon Jenna. But it’s more serious than that, mas mabuti pang wala kang alam kaysa madamay ka pa.
Jenna : Eh naku naiinis na ako sa iyo. Ano ba yang sinasabi mo? Kung magsalita ka parang kasali ka ng isang krimen.



Sa isang restaurant kausap ni Catherine si Winnie.
Catherine : Ms. Winnie, ano na naman ang kailangan sa akin ng boss mo?
Winnie : She’ll be here any moment now
- Dumating si Scarlet. Nagpasalamat si Scarlet kay Winnie. Iniwanan ni Winnie sina Scarlet at Catherine
Scarlet : Oh hahahaha! How stupid? Nag-abala pa ako mag-ayos, nawala kasi sa isip ko eh… poor ka na nga pala.
Catherine : Nagkita na tayo dati Scarlet. Humingi na rin ako ng tawad sa iyo. Please lang, gusto ko na ng tahimik na buhay.
-Aalis sana si Catherine
Scarlet : Tahimik? TAHIMIK NGA YUNG PASIMPLE NYONG PAGHAHARUTAN NI MIGUEL AT GINAGAMIT NYO PA YUNG INOSENTE KONG ANAK. Kunsabagay Catherine, dyan ka naman magaling eh… ang manggapang ng pai-la-lim.
Catherine : Ikakasal na ako sa isang desenteng lalaki. Hindi na ako dapat nagpapa-eskandalo sa mga BABAENG SINASAPIAN NG ASONG ULOL dahil sa selos. KUNG GUSTO MONG MAGKALAT NG RABBIES, HWAG DITO.
Scarlet : Haha! Ako, parang asong ulol? Huwag kang mag-alala Catherine dahil hindi ako ang SASAGPANG SA IYO KUNG HINDI ANG MGA PRESO SA CORRECTIONAL NA GUSTONG GUSTO YANG MGA TISAY NA KATULAD MO. Hinihintay ka na ng selda mo.
Catherine : Hindi ako naghabol sa pera ng mga Dela Rhea. Wala kang ikakaso sa akin.
Scarlet : PERO NAGPASUNOG KA NG OSPITAL SA AMADESTO KAYA PUEDE KITANG KASUHAN NG ARSON. Ahhh, huwag kang mag-alala Catherine, naging concerned naman ako sa wardrobe mo, kaya pinilian na kita ng magandang outfit.
-Tinawag ni Scarlet ang alalay na si Elvie iyong lumayas na maid ni Isadora. Iniabot ni Elvie ang “outfit” na ipinagawa ni Scarlet para kay Catherine.
Scarlet : O ang ganda di ba? May pangalan mo na, Catherine. (ipanakita ang likuran ng t-shirt) Letter P! Bagay sa ‘yo!
-Galit na galit si Catherine, kinuha at itinapon ang “outfit”.
Scarlet : Huwag kang mag-alala. Baka naman puede mo pang gapagangin ‘to. Bakit hindi mo pakasalan ang piskal o kaya ang judge para ma-abswelto ka na naman. Or else ang dating gold digger… magiging jailbird in orange hahahaha! Hahahaha! Hahahaha! Nakakatakot! Hahahaha!

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!