Read this transcript of episode 48 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.
Raphael : Sinuhulan ko ang inspector.
Catherine : Ha?!
Raphael : Sinuhulan ko para maiba ang findings. I broke the law Catherine, I broke it for you.
-Lumong-lumo si Raphael sa nagawa nya. Nagawa nyang lumabag sa batas at sirain ang prinsipyo na palagi niyang ipinaglalaban… nagawa niya para sa babaeng iniibig.
Ng gabing iyon ay hindi mapakali si Raphael. Naiisip niya ang ginawang panunuhol sa inspector. Ang tauhan niyang si Gil ang lihim na nakipagkita sa inspector at nag-abot ng pera. Ibinato ni Raphael sa pool ang baso na hawak. Dahil sa hindi sanay gumawa ng masama ay labis na nakukonsensya si Raphael.
Nadatnan ni Scarlet sa bahay nya si Miguel
Scarlet : Aba Miguel, mukhang mas na-a-appreciate ko pa ngayon ang separate lives nating dalawa dahil mas madalas kitang nakikita ngayon.
Miguel : Hindi ako magtatagal. (inilapag sa table ang isang sobre) Iwan ko sa iyo ito, pang-tuition ng anak ko. Mauna na ako.
-Tiningnan ni Scarlet ang laman ng sobre. Aalis na sana si Miguel
Scarlet : Uy Miguel sandali lang. Ito pang-tuition ni Maggie? Alam mo bang P 88,000.00 na ngayon ang tuition fee para sa kindergarten?
Miguel : Pang first quarter lang yan. Saka ko na ibibigay, next week yung kulang.
Scarlet : Tama ba ang pagkaka-intindi ko sa iyo Miguel… gusto mong gawing installment ang ipambabayad ko sa tuition fee ng kaisa-isa kong anak?
Miguel : Pasensya na. Gipit kami ngayon e.
Scarlet : Wala akong pakialam kahit na naglulupa ka na ngayon. Bigyan mo naman kami ng konting kahihiyan ni Maggie. Isang Dela Rhea - Castillejos… installment ang ipambabayad para sa tuition fee? Kayang kayang bilhin ni Maggie ang eskwelahan nya.
Pinuntahan ni Catherine sa opisina si Raphael
Raphael : O Catherine, anong ginagawa mo dito?
Catherine : Kasi, akala ko ba pupunta tayo ng Amadesto ngayon?
Raphael : Oo pupunta tayo pero masyado pang maaga.
-Naramdaman ni Catherine na tila malamig ang pakikitungo sa kanya ni Raphael.
Catherine : Ahm tinatawagan kasi kita kagabi, eh hindi ka naman makontak
Raphael : Pasensya ka na, masyadong marami akong ginagawa, pinatay ko yung aking cellphone. Bakit may problema ba?`
Catherine : (hinawakan sa kamay ang nobyo) Raphael, gusto ko lang mag-sorry. Sorry dahil nasangkot ka pa sa gulo ko, sa problema ko
Raphael : Okey lang ‘yon. Catherine girlfriend kita… syempre ipagtatanggol kita.
Miguel : Alam ko. Saksakan ka kasi ng yaman. At alam ko rin mas maraming pera sa akin ang anak ko… may trust funds kayo di ba? Pero dahil ako ang kanyang ama, she will have to make do it what can I give (hah? nabingi ba ako?)
Scarlet : Shame on you! Kunin mo na tong pera mo kasama ng prinsipyo mo. Ang mga Dela Rhea, may mga pinapangalagaan kaming image.
Miguel : Para sa anak ko yan
Scarlet : (kumuha ng lighter sa bag) Hanggang 5 lang Miguel. (ini-akma na susunugin ang pera) 1… 2… 3… 4 (kinuha ni Miguel ang pera) Hahaha! I’m so proud of you Miguel. At least hindi ka nilalamon ng prinsipyo mong bugok. May natitira pa palang practicality dyan sa pagkatao mo, hindi ka pala kasing bobo ng inaakala ko.
Miguel : Talagang hindi. Dahil alam mo kung ano ang pinakamatalinong ginawa ko sa buong buhay ko?…. Ang iwan ka.
- Sabay alis ni Miguel. Nagpahid ng luha ang nasaktang si Scarlet.
Catherine : Iyong ginawa mong pagtatanggol sa akin, sobrang hiyang hiya ako. Dapat kasi hindi ko na sinugest na bayaran mo eh
Raphael : Alam mo, huwag mo ng isipin yun. Desisyon ko ‘yon.
Catherine : I’m sorry Raphael, nang dahil sa akin, nadamay ka pa sa gulo na ito.
Raphael : Huwag mo nang isipin yun. Tapos na yun, okey?
-Yumakap si Catherine kay Raphael… pero hindi si Raphael, nagtaka si Catherine. Marahang inalis ni Raphael ang pagkakayakap ng Catherine.
Raphael : Mauna na ako. Marami pa akong dapat i-meet
Catherine : Sorry sa istorbo
Raphael : Okey lang
Pinuntahan ni Miguel ang boss nyang si Cong. Torralba. Nagliligpit ng mga gamit nya si congressman kasi paalis na ito sa opisina.
Miguel : Congressman
Raphael : (natawa) Congressman. Miguel, huwag mo na akong tawagin nun, medyo nakakailang.
Miguel : Mabuti naabutan kita bago kayo lumuwas sa Amadesto. Syanga pala, nandito na yung bill ng mga contractors para doon sa highway development na ginagawa natin para doon sa programa natin.
Raphael : Miguel ikaw na ang bahala dyan, padalhan mo na lang ako ng recommendation.
Miguel : Okey. Okey ka lang ba parang wala ka sa sarili mo a.
Raphael : Puyat lang ito siguro.
Miguel : By the way, nabalitaan ko na na-drop na yung case para doon sa arson case ni Catherine. Good job! Magaling ka talagang lawyer. Magse-celebrate ba kayong dalawa?
Raphael : Ewan ko, siguro pag may oras Miguel.
- Nagpa-alam na si Raphael kasi kailangan na nyang umalis. Napansin ni Miguel na parang may problema si Raphael.
Paglabas ni Miguel sa office ni Raphael ay nakita niya ang nakatulog na sa paghihintay na si Catherine. Nilapitan at ginising ni Miguel si Catherine.
Miguel : Nandito ka pala
Catherine : Oo. Ahm aalis kami ni Raphael papuntang Amadesto
Miguel : Si Raphael? Kanina pa umalis.
Catherine : Ano?! sigurado ka?
Miguel : Oo. Akala ko nga kasama ka e.
Catherine : (nag-isip) Akala ko rin
Miguel : Okey ka lang ba? May problema ba kayo ni Raphael?
Catherine : Wala. Okey kami, okey na okey.
Sa campus ay masaya sina Toby at Sofia… naghaharutan.
Masayang pinangangasiwaan ni Lola Aura ang Hacienda Amadesto. Masaya ang mga trabahador ng asyenda sa pangangasiwa ni Aura Castillejos.
Sa office ni Cong. Torralba. Pinagagalitan ni Raphael si Gil kasi nakalimutan nito ang meeting ni Raphael sa mga magsasaka ng Amadesto. Humingi ng pasensya si Gil kasi sa sobrang dami daw kasi ng schedule ay nagkapalit palit ito. Sinabi ni Raphael na gawan ni Gil ng paraan ang schedule, basta kailangan nilang makapunta sa Amadesto kasi importante na maka-usap niya ang mga magsasaka. Humingi muli ng pasensya si Gil… okey lang daw sabi ni Congressman. Pinauna na sa pag-alis ni Raphael sina Angel at Gil. Dumating si Catherine na may dalang pagkain.
Catherine : Raphael, anong nangyari? Anong problema?
Raphael : Wala. Nagkagulo gulo ang schedule, kailangan kong magpunta ng Amadesto. Alam ko traffic ngayon, but I need to go.
Catherine : Gusto mo samahan kita?
Raphael : No, it’s okay. I can handle this. Thank you!
Catherine : Okay lang ba talaga? O umiiwas ka sa akin?
Raphael : Hindi ako umiiwas sa iyo.
Catherine : I’m sorry. O sige, ito dalhin mo na lang ito (ibinigay ang plastic ng pagkain) Niluto ko ito para sa iyo
Raphael : Okay. Thank you, mukhang masarap nga. Dadalhin ko ito, kakainin ko ito roon.
-Dinala ni Raphael ang pagkain… pero bumalik kasi nakalimutan niya ang bag nya… naiwan naman nya ang pagkain na inihanda ni Catherine. Nalungkot si Catherine nang nakita na naiwan ang pagkain. Nang nasa sasakyan na ay napansin ni Raphael na naiwan niya ang pagkain na bigay ni Catherine.
Raphael : Uy teka muna, nakalimutan ko ang baon ko. Please, pakikuha lang.
Gil : Sir, mahuhuli na tayo sa appointment natin e. At saka baka abutan tayo ng traffic.
Raphael : Okey, okey let’s go!
- Nag-aalala si Raphael dahil alam niyang siguradong magtatampo si Catherine.
Pumasok si Miguel sa office ni Raphael at nakita niya ang malungkot na si Catherine.
Miguel : Si Raphael?
Catherine : Kaaalis lang. (ikinukubli kay Miguel ang mukha, para hindi makita ang pag-iyak nya)
Miguel : Ganun ba? O, umiiyak ka ba?
Catherine : Hindi. Okey lang ako. Okey lang ako
Miguel : Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Raphael?
Catherine : Tampuhan lang yun Miguel
Miguel : Catherine, ano bang nangyayari sa iyo?
Catherine : Wala. Maaayos rin ito.
Miguel : Tama na.
-Inalo ni Miguel si Catherine saka niyakap. Dumating si Estelle at nakita mula sa likuran ang eksena, akala nya naghahalikan ang dalawa.
Estelle : Hoy! What’s going on here? Dito pa kayo sa opisina na anak ko nagkaringkingan. Ikaw Miguel, di ba’t kaibigan ka ni Raphael? Isa kang ahas. At ikaw namang babae ka… kahit kailan isa kang linta! The two of you… you deserve each other.
-Umalis si Estelle Torralba. Galit naman si Catherine kay Miguel dahil sa nangyari
Sa bahay ng mga Torralba. Magkasamang nag-aaral sina Toby at Sofia. Tinanong ni Toby si Sofia kung gusto nito ng coffee… oo daw. Habang gumagawa ng coffee si Toby, ay palihim na kinuha ni Sofia ang video sa bag ni Toby.
Pagka-uwi sa bahay nila ay inilabas ni Sofia ang CD at itinago.
Sofia : Sorry Toby, pero yokong makulong ang Mommy ko.
Pag-uwi ni Raphael sa condo nya ay nadatnan nya doon ang kanyang ina.
Estelle : Maghapon kitang tinatawag, where were you?
Raphael : Ma nagtatrabaho ako a, galing ako ng Amdesto… marami akong ginagawa
Estelle : I went to your office. I was shocked with what I saw. Catherine was there
Raphael : Catherine… of course! She’s my fiancee… dinadalaw nya ako
Estelle : Dinadalaw ka? O she went there to meet with Miguel? I saw them both there Raphael, and guess what they’re doing… THEY WERE KISSING! Sa mismong opisina mo, sa mismong opisina mo right under your own nose. Nakakahiya! Mga walang delikadesa ang mga hayop na iyon!
Raphael : Ma, that can’t be true
Estelle : Hindi ako ganung klaseng tao na gagawa ng ganyang kasinungalingan. Hindi ako baba sa kanya Raphael. I saw them with MY OWN EYES.
Raphael : Paano naman ako makakapaniwala
Estelle : AY BAHALA KA KUNG AYAW MONG MANIWALA. DAHIL NGAYON PA LANG SINASABI KO SA IYO HA… NGAYON PA LANG PINEPENDEHO KA NA NG TRUSTWORTHY NA FIRST LADY MO, AT YAN NA ANG SIMULA NG PAGBAGSAK MO, RAPHAEL! Ano, papayag ka… papayag kang iiputan sa ulo?
- Galit na galit na umalis ang ina ni Raphael
Kaagad na pinuntahan ni Raphael si Catherine
Raphael : Kanina ka pa hindi mapakali. Hindi ka makatingin sa akin ng diretso. Catherine, meron ka bang itinatago sa akin? Meron ka bang gustong sabihin sa akin?
Catherine : (luhaan) Raphael, kung tungkol sa nangyari kanina
Raphael : Hindi ko kailangan ang eksplanasyon… totoo bang nagkita kayo ni Miguel? Totoo o hindi?
Catherine : Totoo.
Pinuntahan ni Estelle si Isadora sa mahjongan. Magbebeso sana si Isadora kay Estelle, pero umiwas ang huli. Nagtaka si Isadora
Isadora : O akala ko close na tayo?
Estelle : Akala ko, kaibigan ng anak ko ang anak mo. Traidor si Miguel Isadora, traidor!
Isadora : Teka muna, anong ibig mong sabihin?
Umiiyak na nagpapaliwanag si Catherine kay Raphael
Catherine : Raphael, pakinggan mo muna ako. Totoo na may nakita yung mama mo. Pero hindi ko yun ginusto
Raphael : Nalilito ka pa ba para sa nararamdaman mo sa akin? May nararamdaman ka pa ba para kay Miguel?
Catherine : Wala. Wala na Raphael. Maniwala ka sa akin. Dumating si Miguel sa opisina kanina, nakita nya akong umiiyak… niyakap nya ako, tapos pinagpipilitan nya sarili nya sa akin. Iyon ang naabutan ng mama mo pero nanlaban ako, nanlaban ako
Raphael : Pinilit ka ni Miguel?
-Umiiyak na tumango si Catherine. Niyakap ni Raphael ang kasintahan.
Pinapakalma ni Isadora ang galit na galit na si Estelle
Isadora : Teka muna Mare, sandali lang… relax, cool it down. Sa tono nang pananalita mo, parang si Miguel lang ang sinisisi mo. Parang ipinagtatanggol mo pa ang relasyon ni Raphael at ni Catherine. Huwag kang masyadong mag-react
Estelle : Aba natural lang, yung anak ko ang niloloko nila
Isadora : Oo nga. Pero maling approach… wrong strategy. Bakit ah, hindi mo nalang pabayaan na mahulog sa isa’t isa si Miguel at saka si Catherine? Nang sa ganun, makita talaga ni Raphael kung anong klaseng babae ang ginusto nya.
Estelle : You’re talking nonsense
Isadora : No Mare, it makes a lot of sense. Kaya lang nga, masasaktan ang anak mo.
Estelle : Ang ibig mong sabihin, okay lang sa iyo na maging si Miguel at Catherine uli?
Isadora : Of course not! Pero syempre ang goal natin ngayon, si Raphael. Saka ko na pu-problemahin si Miguel. For all you know, baka naglalaro lang yung anak ko. Trust me mare, concerned lang talaga ako sa pamilya nyo.
Pag-uwi sa bahay ay kaagad na tinalakan ni Isadora si Miguel.
Isadora : Ano na naman itong nabalitaan ko na nakipaghalikan ka na naman kay Catherine? Sa opisina pa ni Raphael. Hindi ka na ba talga nag-iisip, ha?
Miguel : Ma, puede ba? Ayoko nang pag-usapan pa yan
Isadora : Anong ayaw mong pag-usapan? PAG-USAPAN NATIN ‘TO! Hindi ko maintindihan kung bakit pagdating kay Catherine… talagang ang TANGA TANGA MO! Alam mo ba ha, muntik ng nasira ang diskarte ko kay Estelle. Sinugod ako, galit na galit sa iyo. Pati sa akin, gallit na galit. Naku! Mabuti na lang sadyang matalino ako at nagawan ko ng solusyon ang sitwasyon. Kung hindi o ano? Naging pabor pa sa akin ngayon.
Miguel : (may hawak na alak) O e di ba mabuti!
Isadora : Anong mabuti? Hindi mo ba naiisip ha Miguel, na puede kang sisantehin ni Raphael dahil sa nangyari? Kailangan mo yang posisyon na yan ha. Kaya huwag kang papayag… siguro naman meron kang kontrata di ba? Kaya hindi nya puedeng tanggalin ka sa trabaho
Miguel : (napa-isip) Teka muna, bakit ba masyadong interesado sa trabaho ko? Ano na naman ang pina-plano mo?
Isadora : Wala! Syempre! Syempre ayaw kong mawalan ka uli ng trabaho. Nakakahiya na!
-Kinuha ni Miguel ang bote ng alak at iniwan sa kusina ang ina.
May natanggap na tawag si Miguel mula kay Raphael, atubiling sinagot ni Miguel ang cellphone nya. Nasa sasakayan si Raphael… sinabi nito kay Miguel na mag-usap sila. Kinabahan si Miguel.
Inihatid ng dalawang bodyguard ni Raphael si Miguel sa may pool kung saan naghihintay ang congressman
Raphael : Huwag mong sasaktan si Catherine, Miguel. Naiintindihan mo ba? Akala ko kaibigan kita, ikaw pala ang traidor!
Miguel : IKAW ANG TRAIDOR! Ikaw ang traidor Raphael! Wala kang ginawa kundi sirain ang buhay nang pamilya ko, AT BUHAY KO!
Raphael : (ngumisi) Buhay mo?!
Miguel : Ang tagal mo ng may gusto kay Catherine, tapos hindi ka kumikibo?
Raphael : PINAGBIGYAN LANG KITA!
Miguel : (dinuro si Raphael) INAGAW MO SYA SA AKIN!
Raphael : ANONG GINAWA MO? SINAKTAN MO YUNG TAO, TINABOY MO! NAGPAKASAL KA SA IBANG BABAE. PATI SI CATHERINE GUSTO MONG PAKASALAN, IYON BA ANG GUSTO MONG GAWIN?
Miguel: (nangingilid ang luha) Wala kang alam Raphael, iba na ngayon. Babawiin ko sa iyo si Catherine!
Raphael : Ako na ngayon ang mahal ni Catherine.
Miguel : Sigurado ka? O baka nagbabayad lang sya ng utang na loob sa iyo… gaya nang ginawa nya sa papa ni Scarlet. O baka naman ginagamit ka lang nyang panakip-butas, dahil ako ang totoong mahal nya.
Raphael : At siguro, ako na ang huli.
-Tatalikod sana si Raphael
Miguel : At ako pa rin ang unang nakatikim sa kanya
- Hindi nakapagpigil si Raphael, sinuntok nya si Miguel. Gumanti ni Miguel. Nagsuntukan ang dalawang lalaking umiibig kay Catherine (haba ng hair)… nanaig ang lakas ni Raphael kay Miguel. Dumating ang mga bodyguard ni Raphael at inawat sina Raphael at Miguel.
Miguel: (nagpupumiglas) BITIWAN NYO AKO! Hindi ako manghihinayang sa pagkakaibigan natin na mawala. Ang tagal kong nagtiis na wala sa akin si Catherine… ipaglalaban ko na sya ngayon
Raphael: MATAGAL MO NA DAPAT GINAWA ‘YON! MIGUEL, IKAW ANG NAGING TRAIDOR… TANDAAN MO YAN!
-Hahaha! Parang batang inagawan ng laruan si Miguel… wawa naman umiiyak!
Miguel: Tandaan mo ito… ako ang lalaking mahal nya. Gagawin ko ang lahat, PARA AGAWIN SYA SA IYO!
-Umalis na ang lalaking luhaan.
Raphael: Subukan mo! Haah subukan mo! Haah subukan mo…
Labels: Iisa Pa Lamang