Google
 

Read the transcript of Iisa Pa Lamang, episode 46, courtesy of Pinoy TV Junkie.

Inireport ni Atty. Madrinan kay Cong. Raphael Torralba ang nangyari sa meeting nila with Sofia Castillejos.
Atty. Madrinan : Nakausap namin si Sofia Castillejos. Inamin nya na meron ngang sinabi si Rolando sa kanya bago sya namatay, pero hindi ang inaasahan nating identity ng mga taong umambush sa inyong ama Congressman. Pumunta kami sa bahay nila pero wala kaming nakitang morphine… at malamang inosente lang ang pagdalaw niya kay Rolando. I think at this point, puede nating alisin ang pangalan ni Isadora Castillejos sa list of suspects.

Pumunta si Rafael sa tirahan nina Catherine para ibalita ang resulta ng imbestigasyon nila kay Isadora.
Louela : Akala ko pa naman timbog na si Isadora
Raphael : Unfortunately, wala pang nahahanap na ebidensya. Pero huwag kayong mag-alala tuloy tuloy naman ang imbestigasyon. (napansin na walang kibo ang nobya) Catherine, okay ka lang? Huwag kang mag-alala ha, at hahanapin natin ang mga salarin.
Catherine : Sigurado akong hindi ka pa nakakakain
-Niyaya ni Catherine si Louela na maghahain sila ng pagkain para kay Raphael. Naiwan sina Lola Aura at si Raphael.
Lola Aura : Raphael, talaga kayang walang kinalaman si Isadora sa mga pangyayari?
Raphael : Lola, si Isadora ho maaring maraming kasalanan pero sa tingin ho ba ninyo ay makakapatay siya ng tao?

Pumasok si Sofia sa silid ng ina at nakita niyang nag-i-impake ito. Tinanong ni Sofia kung saan pupunta ang ina, pero sinabi niIsadora na silang dalawa ang aalis.
Isadora : Masyado na tayong in demand dito sa Maynila, kailangan na muna nating mag-disappear.
Sofia : Pero di ba binitawan na yung kaso laban sa inyo? Ma tungkol ba ito sa mga utang nyo?
Isadora : Pareho. Puede ba huwag ka na ngang magtanong ng magtanong . Sige na, mag-impake ka na! At aalis tayo ngayon din, sige na. GO!
-Walang nagawa si Sofia kundi sundin ang ina.

Patuloy sa pag-uusap sina Raphael at Lola Aura
Lola : Ewan ko. Hindi naman sa pinangungunahan ko pero… at lalong ayoko namang maghusga. Kaya lang… malakas ang kutob ko… pag nagkataon, napakaraming atraso ni Isadora. Napakarami nyang atraso sa aming mag-lola na dapat nyang pagbayaran.
Raphael: Pero pinapakilos ko na po ang staff ko. In time po, mapu-prove ko ho na null and void ang kasal ni Isadora at ni Don Castillejos.
Lola Aura : Pag nangyari ba iyon eh… mawawala ang karapatan ni Isadora sa Amadesto?
Raphael: Oho. Pero si Sofia ho, meron pa ho syang karapatan sa kayamanan ni Don Victor.
Lola Aura : Alam mo naman sa tamang prinsipyo lang ako, papaano kung… hindi anak ni Victor si Sofia? May karapatan pa rin ba sya sa Amadesto
Raphael: Ano hong ibig nyong sabihin? Pinagdududahan nyo ho na si Sofia ay hindi isang Castillejos?

Tila wala sa sarili si Catherine habang naghahain, kaya napaso ito nang mahawakan ang kalderong mainit.
Louela : Ano ka ba Catherine? Nakita mo nang umuusok, hinawakan mo pa rin. Ano ba? Para kang wala sa sarili mo eh. Ano bang gumugulo sa iyo?
Catherine : Makukulong ako Louela
Louela : Ha?! Napanaginipan mo lang yan. Paano naman mangyayari iyon?
Catherine : Kinasuhan ako ni Scarlet ng arson dahil pinasunog ko ang Castillejos Memorial Hospital.
Louela : Eh sa iyo naman yun eh
Catherine : Oo. Dati. Iyon ang alam ko. Ewan ko na ngayon. Hindi ko na alam, Louela gulong gulo na ako. Hindi ko na alam kung saan ba ako may karapatan at saan ako wala.
Louela : Eh ba’t hindi mo sabĂ­hin kay Raphael? Syempre tutulungan ka nun.
Catherine : Ayokong masangkot pa dito si Raphael. Hiyang hiya na ako sa kanya.
Louela : Ngayon ka pa ba naman mahihiya? Eh magiging future husband mo yun eh.
Catherine : Iy na nga eh. Kapag ginawan ito ni Raphael ng paraan… madudungisan lang ang malinis nyang pangalan nang dahil sa akin. Eh talaga namang guilty ako eh. Talaga namang pinasunog ko ang ospital.
Louela : Hindi mo naman maitatago kay Raphael iyan eh. Lalabas at lalabas din yan.
Catherine : Hahanap ako ng ibang paraan. Gagawan ko ng paraan ito. Kung kailangan kausapin ko si Scarlet, makiusap ako na iurong nya ang demanda nya, gagawin ko.
Louela : Asa ka pa. Hindi ka pagbibigyan nun. Eh kung gigil lang din at gigil, GIGIL NA GIGIL yun sirain ang buhay mo. Kahit maglulumuhod ka mula Maynila hanggang Baguio, walang mangyayari. Eh baliw ang babaeng yun eh.
Catherine : Kahit na, kailangan ko pa ring subukan. Gagawin ko yun alang-alang kay Raphael.

Nag-uusap ang mag-among Vernon at Miguel nang bumaba sina Isadora at Sofia bitbit ang mga bags. Tinanong ni Miguel kung saan pupunta ang ina at kapatid. Sinabi ni Isadora na pupunta sya muna sa Amadesto para magpalamig. Umutang ng pera si Isadora kay Vernon kasi walang wala daw sya. Binigyan naman ni Vernon ang “asawa” , humingi pa ng dagdag si Isadora at hiningi na lang lahat ang perang nasa kamay ni Vernon. Tinulungan ni Vernon sina Isadora na buhatin ang mga bags. Tinanong ni Miguel si Sofia kung bakit gabing gabi na ay aalis pa ang mga ito.
Sofia : Ewan ko ba kay Mommy ka Kuya. Gumagawa sya ng problema, tapos ngayon lahat tayo apektado.
Miguel : Hayaan mo na. Matatapos din lahat ito. O ano kumusta na, nakapag-enroll ka na ba?
Sofia : Nanghiram ako ng pera kay Jenna. Gusto nga sanang bayaran ni Toby ang tuition fee ko eh, kaya lang kuya nahihiya ako eh.
Miguel : Pasensyaka na pati ikaw nadamay. Malaki kasi ang ginastos natin sa kampanya e. Lalong lumaki ang utang ni Mommy. (kumuha ng pera sa wallet) O bukas na bukas, bayaran mo na ang utang mo kay Jenna. Hindi ka na dapat nadadamay sa ganito e. Hindi dapat nasasakripisyo ang pag-aaral mo.
Sofia : pero kuya, paano ka?
Miguel : Okey lang yun. Meron pa naman akong natatabi. Sorry ha. Hayaan mo babawi ako sa iyo. Basta pancake mo sa akin… pagbubutihin mo ang pag-aaral mo at hindi ka magpapabaya. Kung hindi lagot ka sa akin.
Sofia : Salamat kuya!
-Malungkot na nagyakap ang magkapatid.

Sa isang rest house(?) nila sa Amadesto tumuloy sina Isadora, at hindi sa mansion. Panay ang reklamo ni Isadora na kesyo mainit daw at panay alikabok.
Sofia : Eh ‘ma, ano ba naman kasi ang ginagawa natin dito? Nabenta na ba yung hacienda?
Isadora : Hindi ‘no. Atin pa rin iyon at kahit kailan hinding hindi ko bibitawan yun.
Sofia : Eh bakit nga tayo nabndito ‘ma?
Isadora : Ikaw, kahit kailan hindi ka nag-iisip. Syempre nagtatago tayo di ba? O pag nasa hacienda tayo, madali tayong makikita ng mga tao. Madali tayong mahahanap. Eh pag nandito tayo sa dirty place na ito, o hindi nila alam. Sige na nga, bilisan mo ng kumilos tapos linisin mo yung kwaro ha… ang dumi dumi, gusto ko nang magpahinga. Nagugutom na ako. Magluto ka na. Sige na anak, bilis!
Sofia : Eh ‘ma, papaano naman ako magluluto? Ni wala ngang pagkain dito.
Isadora : Ay, e di mamalengke ka. Ikaw talaga, kahit kailan hindi nag-iisip. Sige na, kilos na!
-Binigyan ng pera ni Isadora si Sofia para ipamalengke, corned beef ang gustong kainin ni Isadora. Ipinasok muna ni Sofia ang kanilang mga bagahe.
Isadora : Ganito pala ang feeling ng maging hampaslupa, kaloka!

Pagkatapos ng meeting ni Cong. Torralba sa kanyang mga tauhan, kinausap nito si Miguel
Raphael : Nagtatampo ka ba sa akin?
Miguel: Dahil nasa iyo na si Catherine? O dahil sa gusto mong ipakulong ang mommy ko?
Raphael : Dahil sa mommy mo. I have to investigate all angles.
Miguel: Magsisinungaling ako sa iyo kapag sinabi kong hindi sumasama ang loob ko sa ginagawa mong pag-iimbestiga sa mommy ko. Bata pa lang tayo, magkaka-kilala na ang pamilya natin. Oo nga, magkaribal tayo sa pulitika. Siguro nga tama ka, marami sigurong nagawa ang mommy kong maling desisyon, pero Raphael, hindi nya kayang pumatay nang tao.
Raphael: Miguel, kung ikaw ang nasa pwesto ko at pinatay nang walang awa ang ama mo, gagawin mo rin yung ginawa ko. Mga anak tayo Miguel, at lahat ay gagawin natin para sa ating ama. Ngayon naiintindihan ko kung bibitaw ka sa trabahong ito, dahil hindi rin naman ako kumportable na nagkakaganito tayo.
Miguel: Hindi Raphael. Labas sa personal ko ang trabaho ko. At mabuti na rin yung nangyari, dahil mabubura na ang pagdududa nang mga tao… na ang karibal mo sa pulitika, ang salarin sa pagkamatay ng iyong ama.
Raphael: Bueno, so tapos na ito? Maraming salamat at naintindihan mo ako. Salamat Miguel. (tinapik ni Miguel sa balikat ang congressman bago lumabas) Ah Miguel, tungkol doon sa tanong mo sa akin tungkol kay Catherine… doon ba sumasama ang loob mo?
Miguel: Kasal pa ako kay Scarlet, wala akong karapatan para sumama ang loob. (lumabas na ng opisina)

Dumating si Catherine at hinahanap si Raphael. Sinabi ni Gil (staff) na nasa loob daw nang office at may ka-meeting pero patapos na raw. Umupo si Catherine at doon na lang naghintay. Naiwan si Catherine kasi gumawa ng coffee si Gil para sa kanya. Pag labas ni Miguel sa opisina ni Raphael ay nakita nito ang naghihintay na si Catherine. Nilapitan ni Miguel ang babae.
Catherine : Miguel, ahm tamang tama dahil kakausapin sana kita.
Miguel : Tungkol saan?
Catherine : Si Scarlet, dinemanda nya ako ng arson.
Miguel : Ginawa ni Scarlet iyon?
Catherine : (tumayo) Ilang beses ko bang uulitin? Ni minsan, hindi ako naghabol sa pera ni Martin. Ba’t hindi pa rin nya ako nilulubayan?
Miguel : Dahil hindi pa rin nya makalimutan ang tungkol sa atin.
Catherine : Bakit ba ayaw nyang maniwala na wala na tayo? Na tapos na.
Miguel : Dahil hindi pa tayo tapos Catherine. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at alam kong may nararamdaman ka pa rin para sa akin.
-Iniiwasan ni Catherine ang mga titig ni Miguel. Halos pabulong ang kanilang pag-uusap.
Catherine : Tapos na tayo Miguel. Si Raphael ang mahal ko.
Miguel : Hindi totoo ‘yan.
Catherine : Mahal ko si Raphael! Pakakasal na kami.
Miguel : Papaano ako? Catherine, papaano tayo?
Catherine : Ilang beses ko bang kailangang sasabihin sa iyo na wala nang tayo?
Miguel : (naiiyak) Hindi ako naniniwala. Hindi ganun kadaling kalimutan ang nangyari sa atin… ang pagsasama natin, ang pag-ibig natin. Catherine, alam kong mahal mo pa rin ako hanggang ngayon. Hindi basta-basta mawawala iyon. Ako ang una mong minahal.
- Paglabas ni Raphael ay kaagad nitong nilapitan ang kasintahan at hinawakan sa kamay. Umalis na ang magkasintahan. Naiwan ang lulugo-lugong si Miguel.

Isang tauhan sa asyenda ang nagbalita kay Isadora na may mga taong umaali-algid sa asyenda at hinahanap si Isadora… hindi naman daw mukhang goons pero mukhang mga taga bangko.
Isadora : O sige, basta kahit na anong mangyari ha, huwag mong nandidito ako. Sigurado ka?
Babae : Opo ma’am.
- Pinaalis na ni Isadora ang babae, pero humirit ito na kailangan ng tulong kasi may sakit daw ang anak. Nahulaan ni Isadora na pera ang kailangan ng babae, pinakuha ang check book sa nag-aatubiling sumunod na si Sofia. Nag-issue ng tseke si Isadora para sa babae. Muling nagbilin si Isadora na huwag na huwag sasabihin na nandodoonan sya pag may naghanap sa kanya.

Pinuntahan ni Raphael si Lola Aura para sabihin ang napakagandang balita para sa matanda.
Raphael : Confirmed na po. Hindi po napa-annul ni Isadora ang kasal nya kay Vernon nung magpakasal po sya kay Don Victor.
Lola Aura : (masaya) Kung gayon, walang bisa ang kasal nya kay Victor?
Raphael : Wala po. Lola, meron lang po akong gustong linawin at meron ho kayong nabanggit nung isang gabi. Nagdududa ho kayo na, si Don Victor po ay anak nya si Sofia? Kung mapapatunayan po natin ‘yon, kayo po ang kaisa-isang tagapagmana nang Amadesto.
Lola Aura : Kung mapapatunayan natin iyon. Mahalaga ba na mapatunayan din natin kung sino ang ama ni Sofia?
Raphael : Hindi ho, dahil ibang kaso ho iyon.
Lola Aura : Kung ganun… hindi si Victor ang ama ni Sofia. Kapatid ko si Victor, baog sya. (naiiyak na hinawakan ang kamay ng kausap) Raphael, sana… sana madaliin mo na ito. Gusto ko talaga maiayos ang lahat para kay Catherine. Raphael… nararamdaman ko, di na ako tatagal sa mundong ito.
Raphael : Gagawin ko hong lahat ng makakaya ko.
Lola Aura : Salamat! Ikaw lang ang pag-asa ko, para maiayos si Catherine.
- Labis na lumuluha si Lola Aura.

Tuwang tuwa si Louela sa balita.
Louela : Yes! Sa wakes tapos na ang maliligayang araw ng Isadora na ‘yan. Naku, bruhang yun pekeng Castillejos lang pala. Pero ang Lola, o ang beauty…heredera.
- Natawa sina Lola Aura at Raphael kay Louela.
Lola Aura : Raphael, kailan naman nati puedeng palayasin sa asyenda ang Isadorang yun?
Raphael : Well Lola, hindi ho kasi ganun kadaling matapos ang mga ganitong kaso. Kaya lang ang maganda dito, may bala na tayo laban kay Isadora. Nasa korte na lahat ng ebidensya. Ang hirap pa dito, si Isadora ngayon hindi mahanap, pati ang kanyang abugado hindi alam kung saan sya hahanapin.
Lola Aura : Aba! Eh natural, alam nyang walang kalaban laban. O e di nagtatago na yun.
Raphael : Nagpunta ho ako rito para sabihin sa inyo ang good news. Ako po ay Mauna na.
-Pinigilan ni Lola Aura si Raphael sa pag-alis, kasi ipaghahanda daw nya ng pagkain. Tumanggi si Raphael pero napapayag rin ni Lola Aura sa huli na kumain muna. Umalis si Lola Aura pa maghain.
Raphael : Si Catherine, kamusta na?
Louela : Eh nasa opisina pa. May overtime yata.
Raphael : Louela, napansin ko si Catherine medyo matamlay. May problema ba?
Louela : Wala lang yun. Pagod lang siguro. Alam mo naman maraming trabaho sa opisina di ba?

Nagsisibak si Sofia nang kahoy.
Isadora : Ano ba naman iyan anak? Galingan mo naman ang pagpuputol. Dapat nagiging stick iyan, panggatong natin iyan eh.
Sofia : Eh ‘ma hindi naman talaga ako marunong nito eh.
Isadora : Eh wala, matuto ka.
Sofia : Ma, ilang linggo na po tayo dito, hindi pa ba tayo puedeng bumalik ng Maynila.? Hahabol pa ako sa school ko eh.
Isadora : School, school, school! Puro ka na lang school. Kita mong namumroblema nga ako eh. Ikaw talaga napaka-selfish mo.
-May nakita si Sofia na mga padating. Hinawakan ang ina at patakbo sana silang aakyat sa bahay pero narinig ni Isadora ang boses ni Lola Aura.
Lola Aura : Isadora!
- May mga kasama si Lola Aura, babae at lalaki.
Isadora : Si Aura lang pala eh, kaya ko ‘to. (hinarap si Lola Aura) O Aura, sayang no? Wala na akong mga aso, ang sarap sanang panoorin habang nilalapa ka nila.
Lola Aura : Lalo sigurong masarap panoorin habang pinoposasan ka at kinakaladkad palabas sa ASYENDANG NINAKAW MO SA AKIN.
Lalaki : Mrs. Virgilio Sandoval?
Isadora : Tanga ka ba? Castillejos ako, MRS. VICTOR CASTILLEJOS!
Babae : Ayon sa aming imbestigasyon, kasal kayo kay Virgilio Sandoval at hindi kayo nagpa-annul nang kasal bago kayo ikasal kay Don Victor Castillejos.
Sofia : Ma, anong ibig sabihin nito?
Lola Aura : Ang ibig sabihin, hindi Castillejos ang nanay mo.
Isadora : Pwede ba, tumigil na kayo ha? Lumayas na kayo sa lupa ko ngayon din, kung hindi ay idedemanda ko kayo nang trespassing!
Lola Aura : Hep, hep! Hahahaha! Akin ang lupang ito! Ikaw ang idedemanda ko ng trespassing! Dahil kami na lang ni Catherine ang tanging Castillejos, at amin ang buong hacienda Amadesto.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!