Google
 

Read the transcript of episode 54 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Habang excited na nagkukuwento si Catherine kay Rafael na may nahanap na sila ni Louella para sa design nang kanyang wedding gown, si Rafael naman ay sobrang bothered at hindi mapakali. Napansin iyon ni Catherine kaya tinanong nya kung may problema ba ito o masama ang pakiramdam. Sinabi ni Rafael na wala at ituloy lang daw ni Catherine ang kinukuwento nito. Tinanong ni Catherine kung anong kwento, biglang sinabi ni Rafael na bakit hindi ikuwento sa kanya ni Catherine yung napag-usapan nila ni Miguel.

Sinabi ni Catherine na wala silang napag-usapan, nagpasalamat lang sya ulit. Parang hindi naman naniniwala masyado si Rafael dahil parang may na-interrupt daw sya sa kanila, at tinanong din kung may nangyari sa kanila ni Miguel sa gubat. Naging defensive agad si Catherine at sinabing wala, sabay tanong kung pinagdududahan ba daw sya ni Rafael. Ibinalik ni Rafael ang tanong at sinabing meron ba dapat syang pagdudahan?

Naging defensive ulit si Catherine at sinabing wala. Nahalata iyon ni Rafael at kung wala daw ay bakit defensive si Catherine? Medyo iritado si Catherine at sinabi nya kay Rafael na sa tono ang pananalita nito ay para daw syang ini-imbestigahan. Sabi naman ni Rafael na he trusts Catherine but it’s Miguel who he don’t trust. “Kung sinabi mo sa akin na wala, eh di wala. Yun lang yun. Mauna na ako” sabi ni Rafael, sabay alis. Hindi naman nakaimik pa si Catherine at feeling guilty.

Sa office nila Catherine, kausap sya nang kanyang boss at sinabing pupunta doon si Scarlet para pag-usapan nila ang visitation rights ni Miguel para sa anak. Nagtaka naman si Catherine at tinanong ang boss nya kung nilalayo na ba kay Miguel ang anak nito. Sabi namang nang boss ni Catherine na ito ang perception ni Miguel, so kailangan nilang pagharapin ang mag-asawa para maging malinaw ang lahat.

Sa bahay naman ni Scarlet ay naglalasing ito. Pumunta sya sa kanyang kwarto, dala ang alak at binasa ang annulment papers, at pagkatapos ay pinunit at nag-iiiyak sa kama habang naaalala ang sinabi sa kanya ni Miguel na sya lang ang tanging taong pwedeng magpaligaya sa kanya.

Naalala din ni Scarlet nang sabihin sa kanya ni Miguel na ang pinaka-matalinong desisyon na ginawa nya ay nang iwan nya si Scarlet. Pati na din ang pagsumbat ni Miguel na si Catherine ay di hamak na mas magiging mabuting ina at asawa kesa sa kanya. And the time na sinabi sa kanya ni Miguel na their marriage doesn’t deserve a second chance and she doesn’t deserve to have a family. Iyak nang iyak si Scarlet habang naaalala ang mga iyon.

(Next scene) Nagpunta na si Scarlet para sa meeting nila ni Miguel with his lawyer, nandoon din sa meeting si Catherine. Very awkward moment para kina Catherine at Miguel ang meeting na iyon, lalo na dahil si Scarlet ay mukhang palaban at nandoon din ang lawyer nya. Sinabi nang lawyer ni Miguel na they set up the meeting para marinig ang both parties at para ma-settle ang lahat amicably.

Hindi pumayag si Scarlet at sinabing aalis na sya dahil maglolokohan at magbobolahan lang daw silang lahat doon. Sinabi din nya kay Miguel na hindi sya makikipag-cooperate sa kahit sa anong gusto ni Miguel. Lumapit si Scarlet near Catherine at sinabi din nya na ang dahilan nya ay dahil si Miguel is having an affair at yung babae ay nandoon sa loob nang kwartong iyon (sabay tingin kay Catherine na mukhang guilty) at sabay sabing “nakakasuka.” Lumabas nang kwarto si Scarlet at medyo napahiya naman si Catherine sa ginawa ni Scarlet and she decided to follow her.

Hinabol ni Catherine si Scarlet at sinabing nagkakamali daw ito dahil wala silang affair ni Miguel at ikakasal na sila ni Rafael. “Wow, lucky you!” sabi ni Scarlet. Sinabi ni Catherine na walang magandang idudulot ang galit ni Scarlet sa kanya at baka sa huli ay sya pa ang matalo. Kung tutuusin daw ay labas na sya sa kung ano man ang kahihinatnan nang pagsasama nila ni Miguel.

Medyo nainis naman si Scarlet sa sinabi ni Catherine at mataray na sinabi kay Catherine na pagkatapos nitong wasakin ang pamilya nya, saka sasabihin ni Catherine na labas sya? At huwag daw hihingi si Catherine sa kanya ngayon nang tawad dahil kakapalan na daw iyon nang mukha ni Catherine. Pinipigil ni Catherine na huwag maiyak dahil nandoon pa sila sa office at nandoon ang mga kasamahan nya sa trabaho. Sinabi ni Catherine kay Scarlet na masaya na sya kay Rafael at baka panahon na rin para maisip nyang mabuti na hindi sila para sa isa’t isa ni Miguel dahil maganda at bata pa si Scarlet, baka mahanap pa nito ang kaligayahan sa ibang tao. “Ano ang gusto mong sabihin ko dyan Catherine, amen?” mataray na sagot ni Scarlet.

Huwag daw masyadong magpakasaya si Catherine dahil hindi nya daw hahayaang maging masaya si Catherine, dahil kung miserable sya damay-damay daw silang lahat. “Goodluck Catherine. Mag-iingat ka at tibayan mo yang loob mo. (then Scarlet raised her hands and says) Amen!” (sabay alis nang office.)

Si Isadora naman ay pumunta sa bahay ni Estelle at namomorblema ito dahil ikakasal na sila Rafael at Catherine. Sabi naman ni Isadora na kasal lang iyon at huwag masyado itong dibdibin ni Estelle. Paano naman daw sya hindi magiging affected, sabi ni Estelle, for the first time daw ay nawalan sya nang control sa buhay nang kanyang mga anak at hindi nya napigilan ang kasal nila Rafael at Catherine. Nagbiro naman si Isadora na ipakidnap nalang daw ulit ni Estelle si Catherine.

Sinabi ni Estelle na tinuturuan na nyang tanggapin si Catherine unti-unti dahil hindi nya kayang lokohin at biglain ang sarili nya na bigla nalang nya itong tanggap. Nagulat naman si Isadora nang marinig iyon dahil ayaw nyang mangyari iyon kaya sinulsulan nya si Estelle na huwag nitong tanggapin si Catherine at tinakot pa si Estelle na gusto ba daw nitong matulad si Rafael kay Martin. Sabi naman ni Estelle na hindi na nya alam ang gagawin at masisira na ang ulo nya sa kakaisip. (Medyo putol ang video, sorry – Ara) Ang sabi naman ni Isadora na dahil kaibigan nya si Estelle at nagmamalasakit sya dito, ay sya na daw ang bahala doon.

Ang gagawin nalang daw nya, tutal si Miguel ay patay na patay parin kay Catherine (kahit hindi daw nya maintindihan kung bakit) ay tutulungan nalang daw nyang makuha ulit nito si Catherine para sa ganon ay mawala na sa buhay ni Rafael si Catherine, at si Catherine naman sa buhay ni Estelle.

Sa campus ay nag-uusap sila Toby at Sofia. Naiisip ni Toby na ilang beses nang nauudlot ang pagsasabi nila ni Sofia sa mommy nito ang tungkol sa kanilang relationship. Sabi naman ni Sofia na baka huwag nalang muna dahil baka makagulo pa ang kanyang ina. Tinanong naman sya ni Toby kung sa tingin ba daw ni Sofia ay aayawan sya nang kanyang ina. Sabi ni Sofia na hindi naman, kaya lang ay nahihiya sya dahil ang kanyang mommy likes to ask favors, at ayaw lang nyang madamay si Toby.

Dagdag pa ni Sofia na once maging sister-in-law ni Toby si Catherine ay parang uncomfortable sa house nila. Sabi naman ni Toby na for sure ay hindi titira ang kanyang Kuya Rafael at si Catherine sa bahay nang kanilang mama. Huwag na daw isipin ni Sofia ang mga problema at sya naman daw ay ipagsisigawan nya sa buong mundo na girlfriend na nya si Sofia. Medyo kilig naman si Sofia sa sinabi ni Toby.

Pumunta si Scarlet sa office ni Rafael at umiiyak ito. Si Rafael lang daw kasi ang kilala nyang kaibigan ni Miguel. Sabi naman ni Rafael na madami nang nangyari sa kanila ni Miguel at hindi na nya ito masasabi ngayon. Pero si Rafael daw ang mas higit na nakakakilala kay Miguel, sabi ni Scarlet, at hindi ba daw sya matutulungan ni Rafael dahil hanggang ngayon ay mahal parin nya si Miguel and she wants him back. Sabihin lang daw ni Rafael, at kahit ano ay gagawin nya para lang magkaayos silang dalawa. Medyo naawa naman si Rafael at tumayo ito, lumapit kay Scarlet. Tinanong nya kung gusto ba daw talagang malaman ni Scarlet ang totoo?

Umiiyak na tumango si Scarlet at sinabing “yes.” Hinawakan sya ni Rafael sa balikat at sinabing “I don’t think you can.” Tumayo si Scarlet at tinanong si Rafael na bakit ganon si Miguel, itatapon lang ba nito basta-basta ang lahat, wala na syang pag-asa, hindi na sila magkakabalikan, hindi na sila magkakaayos? Iyak nang iyak si Scarlet at awang-awa naman si Rafael sa kanya. Yumakap si Scarlet kay Rafael at inalo naman ni Rafael si Scarlet. Biglang dumating si Catherine at nakita nya ang dalawa na magkayakap, she called Rafael’s attention. Bumitaw sila Scarlet at Rafael sa kanilang pagkakayakap. Medyo mataray na tinanong ni Catherine si Scarlet kung ano ang ginagawa nya doon.

Nagda-drama parin si Scarlet at sinabing kailangan nya daw nang taong makakausap, yung may sense kausap. Hindi naman kumibo si Catherine at nakatingin lang kay Scarlet. Medyo nairita si Scarlet sa tingin ni Catherine at sinabi nyang huwag syang tingnan nang ganon ni Catherine dahil hindi naman nya pag-aari ang building na iyon at masyado daw itong selosa. Bago pa mag-away ay inawat na sila ni Rafael pero hindi nagpapigil si Scarlet at sinabihan si Catherine na palibhasa daw ay ugali nya ang mang-ahas kaya praning daw ito. Kinuha ni Scarlet ang kanyang purse at umalis sa office ni Rafael. Medyo galit parin si Catherine at gusto sana syang kausapin ni Rafael, pero nag-walk out na si Catherine.

Pumunta naman si Isadora sa bahay ni ‘Bossing.’ Hinanap ni bossing si Vernon at sinabi ni Isadora na may nilakad lang ito. Natutuwa si bossing dahil napapakinabangan na nila si Miguel. “As promised” sabi ni Isadora, sabay lambing kay bossing dahil mukhang ok daw ang project dahil tiba-tiba ito, humihingi sya nang konting balato. Sabi naman ni bossing na hindi sya maglalabas nang pera kay Isadora dahil milyones na ang tinapon nya para sa kanila. Miguel is doing a good job at ok na daw iyon, babawasan nalang daw nya ang utang nila at hanggang doon nalang iyon.

Hinabol ni Catherine si Scarlet sa labas nang office ni Rafael. Tinawag ni Catherine si Scarlet at nang-asar agad si Scarlet.

Scarlet: O, ang presyon mo Catherine!

Catherine: (mad) Huwag mong gagamitin si Rafael para paghigantihan ako.

Scarlet: Hindi ko nga naisip gawin iyan eh! Alam mo, ang labo mo na! Ano ba ang tinitira mo at ang lakas nang sipa sa utak mo?

Catherine: Pwede ba, huwag kang mag-maang-maangan?

Scarlet: That was just an innocent embrace! Ano ba ang akala mo, inaakit ko si Rafael katulad nang ginawa mo kay Miguel? (Catherine did not say anything.) Oh, you just gave me an idea!

Catherine: (looking at Scarlet with disgust) Napakawalanghiya mo talaga!

Scarlet: (laughing) Well, bakit nga hindi? Eh kung sa iyo lang naman, mas may laban ako. At least ako, hindi ako pinagsawaan nang buong bayan. (Catherine is trying to keep her composure because Rafael’s staffs are just around.) Gawan ko kaya nang favor si Rafael. Gusto mo, agawin ko sya sa iyo?

Catherine: Subukan mo lang!

Scarlet: Wow, talagang affected ka ha? (Some of the staffs can hear them, including the one close to Rafael.) Sige pa Catherine, magalit ka pa. Alam mo ba ang nararamdaman ko kapag nakikita kitang nanggagalaiti ka sa galit? Para akong nagte-therapy. It feeeeels so good! Para akong na-detoxify. You’ll be seeing more of me. My next project? Congressman Rafael Torralba! (Catherine looked around, feeling ashamed because of Scarlet’s remarks.)

Catherine: Hindi mo maaagaw sa akin si Rafael, dahil mahal nya ako. At hindi sya yung tipo nang lalakeng nangangaliwa.

Scarlet: Dahil dyan, mas lalo akong na-challenge, alam mo ba yun? Mas lalo akong ginanahan. Mas lalo akong na-in love kay Rafael. Kung tutuusin naman kasi, mas bagay kaming dalawa. Galing kami pareho sa de buena familia, mayaman, may pinag-aralan, parehas kaming may sinabi sa buhay. (Catherine is really affected and really pissed.) Eh ikaw, ano ba ang kaya mong sabihin maliban sa…pahingi? Hahaha! Hahaha! (Scarlet left. Catherine is teary-eyed, really pissed but couldn’t do anything.)

Pagdating nila Sofia at Toby sa kanilang bahay ay nandoon si Vernon at binati si Sofia, at ipakilala daw sya sa kanyang bisita. Napilitang ipakilala ni Sofia si Toby kay Vernon. Pinakilala ni Sofia na si Vernon ang daddy ni Miguel, pinakilala ni Sofia si Toby kay Vernon as Rafael’s brother. Natuwa si Vernon at iba ang naiisip nito nang makilala nya si Toby at malamang kapatid pala ito ni Rafael.

Habang nasa may gate sila Sofia at Toby, sinabi ni Toby na parang nakita na nya si Vernon at tinanong pa si Sofia kung taga Amadesto si Vernon. Medyo kinakabahan naman si Sofia at sinabing iniwan daw nang kanyang mommy si Vernon sa Manila. Sinabi parin ni Toby na parang namumukhaan nya si Vernon. Sabi naman ni Sofia na huwag na nitong pansinin si Vernon dahil hindi nya ito gusto, lagi daw kasing tumatambay sa bahay nila at muli nyang sinabihan na huwag na itong pansinin ni Toby. Kahit parang nawi-weirdohan si Toby sa inaasal/sinasabi ni Sofia ay nag-ok nalang sya kay Sofia.

Kinabukasan sa bahay ni Scarlet ay nasa kitchen sila ni Winnie. Masayang kinuwento ni Scarlet kay Winnie na nahanap na nya ang weakness ni Catherine – si Rafael, kaya meron na daw syang bagong pagkakaabalahan. Sinabihan naman sya ni Winnie na imbes na iyon ang inaatupag nya ay silipin naman ni Scarlet ang kumpanya. Sabi naman ni Scarlet na kayang kaya na iyon ni Winnie at mas gusto nyang makita ang pagbagsak ni Catherine. Scarlet has a devious plan.

Habang nasa campus si Sofia, nakatanggap sya nang tawag mula sa laboratory at pwede na daw nitong kunin ang result sa syringe. Sinabi nya na pupuntahan nya iyon kaagad. Pagbaba nya nang cellphone ay dumating si Toby at nagyayayang umalis. Sinabi ni Sofia na hindi pwede dahil may aasikasuhin pa sya. Willing namang sumama/ tumulong si Toby sa kanya pero tinanggihan iyon ni Sofia at nagmamadaling umalis.

Sa office naman ni Rafael ay tinawagan nya si Scarlet dahil nagpadala ito at na-receive ni Rafael ang check worth Php300,000. Tinanong sya ni Rafael kung para saan iyon. Nagdahilan si Scarlet na she heard that there’s a project, a fund-raising for the farmers to upgrade their equipments, at iyon daw ang contribution nya para makatulong naman sya. Kahit medyo may duda ay tinanong ni Rafael kung sure si Scarlet. Sagot naman ni Scarlet na basta para sa mga projects ni Rafael ay handa syang tumulong, dahil bilib na bilib daw sya kay Cong. Rafael Torralba.

That same day, habang nasa meeting si Rafael ay pumasok si Scarlet, wearing a sexy, backless, black dress. Nagulat si Rafael dahil dumating ito bigla at nag-excuse muna sya sa meeting. Dinalhan sya nang lunch ni Scarlet dahil baka hindi pa daw ito kumakain. Medyo nilalandi din ni Scarlet si Rafael, fixing his suit. Nandoon si Louella sa loob nang office ni Rafael at nang-gagalaiti sya sa galit sa nakikitang ginagawa ni Scarlet. Si Rafael naman ay nahihiya sa mga kasamahan. Iba din ang nagiging interpretation nang mga staff ni Rafael sa ginagawa nila.

Pag uwi ni Sofia ay pumunta agad sya sa kanyang kwarto at kinuha ang lab result nang syringe. Naiyak sya nang mabasa ang result, hindi sya makapaniwala. Naalala nya ang sinabi ni Mang Rolando sa kanya na si Vernon at Isadora ang pumatay kay Enrique. Naalala din nya ang video footage sa pagka-ambush kay Enrique na nandoon si Vernon, pati na din nang sabihin nang lawyer nila Rafael na may morphine sa dugo ni Rolando at makakapasok lang ito sa loob nang katawan ni Rolando through injection sa dextrose nito. Hindi makapaniwala si Sofia na alam talaga ni Mang Rolando who are behind the ambush at pinatay ito para hindi sya makapag-testify, at ang mommy nya ang pumatay kay Mang Rolando. Naiiyak si Sofia sa mga katotohanang lumantad sa kanya.

Teasers:

- Papasok sana si Louella sa office ni Rafael pero sinabi nang staff ni Rafael na may close-door meeting daw. Nag-alala si Louella at tinanong kung nandoon sa loob si Scarlet.

- May pinapagawa si Vernon kay Isadora at kailangan daw gawin iyon ni Isadora dahil baka magalit sa kanya si Marcus, at hindi daw si Isadora ang papatayin kundi ang mga anak nya.

- May party at nandoon sila Scarlet at Catherine, both are wearing pretty clothes with their pretty faces (plus Louella. All are in the same table.) The party is hosting an auction for a date, at isa si Rafael sa mga bachelors to be auctioned. Nag bid si Scarlet nang Php100,000 for Rafael. Hindi nagpatalo si Catherine at nag-bid nang Php150,000. Medyo kinakabahan si Louella dahil wala naman silang ganon kalaking pera. Hindi talaga magpapatalo si Scarlet at nag-bid nang Php2Million for Rafael. Nagulat ang lahat dahil sobrang taas nang bid ni Scarlet at nanalo ito.

- Nandoon din si Miguel at pinuntahan sya ni Scarlet para asarin. Siguro daw ay nagseselos si Miguel dahil hindi sya nag-bid dito. She already owned him and tinapon na daw nya si Miguel.

- Nagdate sila Scarlet at Rafael (dahil na din sa auction na nangyari) sa bahay ni Scarlet. Gusto ni Scarlet, since she bid 2M for Rafael, at least ay mag-stay ito for the whole night. Nag-inuman sila ni Rafael at nalasing si Scarlet, nag-pass out sa lap ni Rafael. Dinala ni Rafael si Scarlet sa kanyang kwarto.

- (Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero…) Si Rafael ang nakahiga sa kama at mukhang tulog. Si Scarlet ay hinalikan sa lips si Rafael habang walang malay ito.

- Kinabukasan ay pinuntahan ni Catherine si Rafael sa bahay ni Scarlet (nag-aalala siguro si Catherine dahil hindi nakauwi si Rafael) at hinanap si Rafael. Pagbaba ni Rafael ay inaayos pa nya ang kanyang magulong damit, unbuttoned ang kanyang shirt at nakita sya ni Catherine sa ganong itsura, pati si Scarlet ay naka-robe lang. Sinabi ni Scarlet na since tapos na silang mag-agawan nang yaman ni Catherine, naisip nya na dapat ay next level na – doon naman sila sa agawan nang mapapangasawa. Umiiyak sa galit si Catherine at nanlulumo sa nakita.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!