Google
 

Read the transcript of episode 61 of Iisa Pa Lamang courtesy of Pinoy TV Junkie.

Umiinom ng alak si Isadora, biglang dumating ang galit na si Sofia
Sofia : Mom, may gusto ka bang sabihin sa akin?
Isadora : Wala naman. Ahm, Good evening! Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang umuwi? Ano pa ba ang tinatanong ng isang magulang sa umuuwing anak?
Sofia : Stop it ‘ma! HINDI NA AKO NAKIKIPAGLOKOHAN SA ‘YO. PAGOD NA PAGOD NA AKO SA PANLOLOKO NYO SA AKIN.
Isadora : Ano ba ang gusto mong sabihin ko?
Sofia : SINO ANG TUNAY KONG AMA?
Isadora : SI VICTOR!
Sofia : Come on ‘ma! I’LL ASK YOU AGAIN, SINO ANG TUNAY KONG AMA?
Isadora : ANO BA TALAGA ANG GUSTO MONG ISAGOT KO?
Sofia : Okey lang ‘ma. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin dahil alam ko na. Sinabi sa akin ni Lola Aura, si Mang Rolando ang tunay kong ama. Kaya sya mabait sa akin, kaya nya ako binigyan ng bracelet. How could you keep this for me ‘ma? SANA SINABI MO SA AKIN PARA NAGKAROON MAN LANG AKO NG CHANCE NA MAKILALA SYA. SANA SINABI MO SA AKIN BAGO MO SYA PINATAY.
Isadora : (galit na hinawakan ang anak) Hoy Sofia, tandaan mo ako pa rin ang nanay mo. AT AKO NA LANG ANG NATITIRA MONG MAGULANG.
Sofia : Ang malas ko naman. Sana bumalik na lang ako ng Maynila kesa tumira ako dito KASAMA MO!


Nilalaro ni Miguel ang anak nang dumating si Scarlet
Scarlet : (hinalikan ang anak) Hi Maggie! (tumawa) Miguel, yung kotse mo sa labas nakita ko ha, mukhang asensado ka na ngayon. Ang gara na ng dala mong sasakyan. Baka sa susunod nyan manghingi na ako sa iyo ng alimony.
Miguel : Well, what can I say? Ikaw lang naman ang malas sa buhay ko e. Tama ang hinala ko na isa kang malaking sumpa. Nawala ka lang sa buhay ko, o tingnan mo, asenso na ako. Kaya mula sa araw na ito, hindi ko na kailangan ang anumang tulong galing sa iyo. I’m a self made man now.
Scarlet : Self made man? O self-destructive monster?
-Iniwanan ni Scarlet ang naglalarong mag-ama.

Photobucket Kausap ng nag-aalalang si Catherine ang kaibigang si Louela.
Catherine : Louela, totoo ang sinasabi ko, narinig ko. Binablackmail ni Scarlet si Raphael.
Louela : Ano ka ba? Kilalang kilala ko si Raphael, hindi nya gagawin ‘yon. Ano ito, ang tagal tagal ka nyang hinintay para iwan ka lang sa altar? Hinding hindi nya magagawa yun, no way.
Catherine : Hindi naman yun ang kinakatakot ko eh. Alam ko na darating si Raphael. Hindi iyon ang pinuproblema ko.
Loueala : Eh ano ba kasi?
Catherine : Alam kong itutuloy ni Raphael ang kasal. Pag natuloy ang kasal, ilalabas ni Scarlet ang lahat ng ebidensya laban kay Raphael. Louela, masisira ang pangalan ni Raphael… madudungisan ang malinis nyang pangalan. Lahat ‘to, lahat ng pinaghirapan ni Raphael… mawawala. Alam mo naman na sinasabi ng lahat ng tao na puedeng sya ang maging presidente balang araw. Hindi ko puedeng hayaang mangyari ‘yon, na na sisirain na lang sya ni Scarlet.
Louela : O eh ano ang gagawin mo nga?
Catherine : Kailangan kong protektahan si Raphael. Ako ang nagpasok kay Raphael sa gulong ito… ako rin ang maglalabas sa kanya.

Umiiyak na inihinga ni Sofia sa kaibigang si Jenna ang mga nasa sa loob nya.
Sofia : My life is a giant web of deceit Jenna. Wala na bang katapusan ito? Lahat ng akala kong totoo, lahat ng akala kong tama sa buhay ko… mali pala. Bali-baliktad pala eh
Photobucket Jenna : Sofia, hindi ba lucky ka pa rin? Na-meet mo yung tunay na ama mo, nakasama… naiparamdam nya sa iyo ang pagmamahal nya kahit sandali lang.
Sofia : Pero sandali lang ‘yon. Ang panghihinayang, ang pangungulila… ganun kadali ko lang bang mapapatawad si Mommy? Ang sarili ko, sa lahat ng nagawa ko at masasakit na sinabi ko kay Catherine… mapapatawad ko rin kaya? Mababawi ko pa ba yung mga nawalang panahon naming dalawa, naming magkapatid?

Pumunta si Sofia sa bahay ng mga Torralba. Nagdoorbell si Sofia, si Toby ang nagbukas ng pintuan.
Sofia : Si kuya Raphael?
Toby : Wala e, umalis.
-Tumalikod si Sofia para umalis, sinundan siya ni Toby.
Toby : Sabi ko na nga ba e, babalik ka rin. Huwag kang mag-alala tatanggapin pa rin naman kita e
Sofia : Huwag ka ngang feeling. Hindi ikaw ang ipinunta ko dito, ang kuya mo.
Toby : Okay, okay. Akala mo, gusto kong makipagbalikan sa iyo? Hindi ‘no, neknek mo!
-Pumasok na sa loob ng bahay si Toby, umalis naman si Sofia.

Sinadya ni Catherine si Scarlet sa bahay nito.
Scarlet : Look what the cat brought in… isang social climbing gold digging fortune hunter.
Catherine : Scarlet, hindi ako nagpunta dito para makipag-away sa iyo.
Scarlet : Ows? Sawa ka na?
Catherine : Kung iyan ang gusto mo… sige, pero please huwag mo naman idamay si Raphael. Alam kong bina-blackmail mo sya, narinig ko ang pag-uusap ninyo.
Scarlet : Alam mo ang tsismosa mo? You’re so cheap.
Catherine : Labas si Raphael sa away natin. Bakit mo ba ginagawa sa kanya ‘to? Bakit mo ba sya dinadamay?
Scarlet : Dahil mahina ka pagkadating kay Raphael, parati kang affacted. Syempre doon kita titirahin, dahil sya ang weakness mo. Sya ang kryptonite mo. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nasisira si Raphael. Hanggang hindi ko nasisira ang buhay nyong dalawa.
Catherine : Scarlet, huwag si Raphael. Nakiki-usap ako sa iyo, nagmamakaawa ako sa iyo. Lahat gagawin ko. Gusto mo lumuhod ako sa harapan mo
Scarlet : Naku, naku! Huwag ka ng lumuhod Catherine, masyado ng luma ‘yan. Kung gusto mong lumuhod, sana noon mo pa ginawa. Kahit magpenitensya ka ngayon o kaya naman magpapako ka sa krus, wala ng dating sa akin iyon. Dapat lang talaga na mawala sa iyo si Raphael. Dapat lang talaga na walang matira sa iyo. Akin na ngayon si Raphael… akin na sya ngayon, AKIN NA!
Catherine : (umiiyak na hahawakan sana si Scarlet pero umiwas ang babae) Scarlet
Scarlet : Bagay sa iyo hahaha!
-Nagpahid ng luha si Catherine, patuloy naman sa pagtawa si Scarlet.

Kausap ni Sofia si Raphael.
Sofia : Malaki ang posibilidad na si Mang Rolando ang tunay kong ama. Kapag napatunayan ko iyon, lalong lalakas ang kaso ni Lola Aura para makuha yung shares ni Mommy sa Amadesto.
Raphael : Gagawin mo ‘yon sa sarili mong ina? Bakit?
Sofia : Sabihin na lang natin na naniniwala akong mas karapat-dapat si Lola Aura sa Amadesto, pinaghirapan nya ang lupang yon. Unlike Mommy… wala syang karapatan dun.
Raphael : Anong kailangan mo sa akin?
Sofia : Nung iniimbestigahan nyo ang pagkamatay ni Mang Rolando, natest ninyong may morphine yung dugo nya, hindi ba?
Raphael : Oo
Sofia : Nasa inyo pa ba yung blood sample na iyon?
Raphael : Nasa laboratoryo.
Sofia : Kailangan ko ang blood sample na iyon. At kailangan ko rin ang authorization mo para makuha ko ang DNA mula sa sample na ‘yon. Kuya Raphael, it’s the only way para makasiguro ako na si Mang Rolando ang tunay kong ama. Matutulungan ho ba nyo ako?
Raphael : Sige Sofia, bibigyan kita ng consent.

Sinugod ni Isadora si Lola Aura
Isadora : ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA SABIHIN KAY SOFIA NA HINDI SI VICTOR ANG AMA NYA.
Lola Aura : Wala akong sinabi sa kanya na hindi pa alam ni Sofia
Isadora : WALA SYANG ALAM AURA, WALA AKONG SINASABI SA KANYA.
Lola Aura : Matagal ng nagtatanong si Sofia. MALALAMAN AT MALALAMAN DIN NYA ANG KATOTOHAN KUNG HINDI SA AKIN, SA IBANG TAO
Isadora : Pero ang punto, GALING NA NAMAN SA IYO. IKAW NA NAMAN ANG NAGSABI
Lola Aura : MAY KARAPATAN SYA NA MALAMAN NYA ANG TUNGKOL SA TUNAY NYANG PAGKATAO
Isadora : ANO BA TALAGA ANG TINGIN MO SA SARILI MO, HA AURA? TAGAPAGTANGGOL NG LAHAT?

Nag-i-isip ng malalim si Catherine, nasa bahay siya ni Raphael. Naalala nya ang ginawang pagpapasabog sa Castillejos Hospital… hanggang sa ginawang panunuhol ni Raphael sa inspector.
Catherine : Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi dahil sa akin, hindi mapapahamak si Raphael ng ganito.

Isadora : Namimihasa ka na. KINUHA MO NA NGA SA AKIN ANG AMADESTO, PATI ANG ANAK KO PINUPUNTIRYA MO PA!
Lola Aura : LUMALABAS ANG KATOTOHANAN SA TAKDANG PANAHON. AT MARAHIL NGAYON NA ANG TAKDANG PANAHON NA MAILANTAD ANG TUNAY MONG KASAMAAN. LAHAT NG KASAMAANG GINAWA MO… HINDI LANG SA AKIN, KUNGDI SA LAHAT NG MGA NAATRASO MO, LALUNG LALO NA SA ANAK MO!

Natuwa si Raphael nang makita si Catherine, hindi pala nya alam na nandun ang kasintahan
Raphael : Catherine! Kanina ka pa? What a pleasant surprise?
- Hahalik sana si Raphael sa kasintahan, pero umiwas si Catherine
Raphael : Bakit? Anong nangyari? May problema ba?
Catherine : (nagpahid ng luha) Nanggaling ako kina Scarlet. Alam ko na ang lahat. Buntis sya, ikaw ang ama.
Raphael : Catherine, kahit ano pa ang namagitan sa amin ni Scarlet… labas tayo doon. MAHAL KITA! Ikaw yung pakakasalan ko, balewala yung nangyari kay Scarlet, okey?
Catherine : (lumuluha) Hindi Raphael. Hindi ko kaya. Sa tuwing makikita ko sya, lagi kong naaalala ang mga kasalanan nyo sa akin.
Raphael : Catherine, huwag mong isipin yan. Nagmamahalan tayong dalawa. Okay? Basta magkasama tayo, malalampasan natin yan. Basta parati tayong magkasama, kaya natin ‘to.
Catherine : Hindi Raphael, hindi ko kaya, ayoko! Hindi ko matatanggap… wala na, tapos na
Raphael : Catherine

Humantong sa pisikal ang pagtatalo nina Lola Aura at Isadora, naitulak ng malakas ni Isadora si Lola Aura na siya nitong ikinahulog sa hagdanan. Duguan si Lola Aura. Natakot si Isadora.
Photobucket
Isadora : Aura! Aura! AURA! (nilapitan si Lola Aura) Aura! HOY! Huwag mo nga akong artehan ha. Hindi naman ganyan kataas ang hagdanan mo. Kumilos ka nga dyan. Aura! Aura! Hoy! (kinabahan si Isadora ng hindi pa rin kumilos ang lola ni Catherine)

Pinipigilan ni Raphael ang papaalis na si Catherine
Raphael : Catherine, teka muna, huwag ka munang umalis
Catherine : Raphael
Raphael : May pag-asa pa tayo
Catherine : Wala na. Wala na tayong pag-asa Raphael
Raphael : Hindi ako naniniwala. Okay. Aaalis tayo dito. Okay, kakalimutan natin ito.
Catherine : Kahit saan pa tayo magpunta Raphael. Hindi nyo matatakasan ang kasalanan nyo sa akin.
Raphael : Okay, kakausapin ko si Scarlet. Kung gusto mo, kung hindi ka pa handang makipagkita doon sa bata… tatanggapin ko, gagawan natin ng paraan.
Catherine : Hindi mo naiintindihan Raphael, masyado ng masakit. Malalim ang sugat. Akala ko, akala ko noon matibay ang pagmamahal ko para sa iyo, na kaya kong tiisin ang lahat. Hindi pala. Tapos na tayo Raphael. Hindi na matutuloy ang kasal.
Raphael : Teka muna, akala ko ba sabi mo sa akin matatanggap mo lahat ang kasalanan ko, na matatanggap mo ako kahit ano ang mangyari.
Catherine : Akala ko rin, pero hindi. Patawarin mo ako.
Raphael : Catherine ikaw ang mahal ko. Ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw ang buhay ko. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Catherine, ikaw lang!
-Hindi napigilan ni Raphael ang pag-alis ni Catherine.

Gabi. Hinihila ni Isadora ang bangkay ni Lola Aura na nakalagay sa sako. Dinala niIsadora ang bangkay sa bukid. Bumalik sya sa bahay ni Lola Aura at nilinis ang bakas ng dugo sa binagsakan ng matanda. Gulong gulo pa rin si Isadora sa nangyaring aksidenteng pagkakapatay kay Aura Castillejos. Nang mag-ring ang cellphone na nakalagay sa red na bag, alinlangan si Isadora kung sasagutin ang phone.
Isadora : Hello!
Estelle : Hello Mare, o kumusta?
Isadora : Napatawag ka.
Estelle : Magyayaya sana ako sa casino, I feel lucky today!
Isadora : Ano ka ba naman? Kita mo nang namumroblema ako dito sa Amadesto. Wala ka pa ring inisip kundi casino… CASINO!
Estelle : Eh bakit sa akin ka nagagalit? Nagyayaya lang naman ako.
Isadora : Paano kung hindi mo pinanakaw ang titulo ng Amadesto, eh di sana hindi ako namumroblema ng ganito.
Estelle : Sorry na ha. Eh ninakaw eh. Wala na akong magagawa, nangyari na eh.
Isadora : Oo nga! Ano nga naman ang magagawa mo? (nagka-idea si Isadora) Ah mare… bakit hindi kaya dumalaw ka na lang dito sa Amadesto? Para makasagap ka naman ng sariwang hangin.
Estelle : O sige. Siguro nga mas mabuti ‘yon, maiba naman ano?
Isadora : Paano, magkikita na lang tayo? Hihintayin kita dito ha. Okay.
-Nakita ni Isadora sa bag ang panyo na ipinahiram sa kanya ni Estelle.
Isadora : Oras na ng paniningil ko sa iyo mare.

Dumating na sa Amadesto si Estelle Torralba.
Estelle : Salamat sa pag-imbita sa akin dito kumadre. Tama ka. Talagang nakaka-relax dito at ang laki ng improvement ng paligid ha.
Lalaki : Ma’am, dahil po yan kay Aling Aura. Sya nga po ang nagpasimuno ng pagbabago dito sa Amadesto.
Babae : Oo nga po ma’am. Ang dami po syang inaayos dito.
Babae 2 : Gumanda na po ang buhay namin, kaya ang bayan ng Amadesto ay gumanda na rin
Lalaki : Opo ma’am!
Isadora : Kayo talaga, hindi naman kayo kinakausap, singit kayo ng singit. Saka kung idescribe nyo si Aura, ginagawa nyong santa. Sige na, sige na bumalik na kayo sa trabaho nyo.
Estelle : Saan na nga pala si Aura?
Isadora : Ahm hindi ko nga alam eh. Naku! Alam mo naman mare, hindi ko kinakausap ang matandang ‘yon. Hindi ko alam kung saang lungga sumusuot. Halika, ipapakita ko sa iyo ang ibang lugar.

Pinuntahan ni Estelle si Aura Castillejos sa bahay nito. Kumakatok si Estelle, walang sumasagot kaya pumasok na ito sa loob ng bahay. May nakakitang lalaki ng pumasok si Estelle sa bahay.
Estelle : Aura! Aura!
-Dahil wala namang tao ay umalis na lang si Estelle

Nasa Amadesto rin sina Catherine at Louela
Louela : Bakit kaya wala sa bahay nya si Lola?
Catherine : Iyon na nga eh, kinakabahan na ako. Louela, tatawag naman yun kung lilipat sya eh. Nasaan kaya sya?
Louela : Baka nasa bukid.
Catherine : Hindi siguro. Kinukutuban ako ng masama, Louela. (kinausap ang isang babae) Manang, sandali lang po, nakita nyo po ba ang Lola Aura ko?
Manang : Hindi eh. Hinahanap din nga namin sya dito. Ilang araw na namin syang hindi nakikita.
-May biglang dumating na lalaking sumisigaw
Lalaki : MGA KASAMA! MGA KASAMA! MAY NATAGPUAN KAMING BANGKAY DOON SA MAY BUKID!
-Nagtakbuhan papunta sa bukid ang mga tao. Kinabahan sina Catherine at Louela.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!