Google
 

Read the transcript of episode 62 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

May mga pulis na sa lugar kung saan natagpuan ang isang bangkay. Nag-iyakan ang mga tauhan ng hacienda Amadesto nang makilala nila ang bangkay ng butihing si Aura Castillejos. Ibinigay ng isang pulis ang nakuhang bandana kay Catherine. Napasigaw sa sobrang galit na naramdaman si Catherine ng makita ang sinapit ng lola nya. Labis labis ang pagdadalamhati nina Catherine at Louela sa pagkamatay ni Lola Aura. May panyong nakalagay sa kamay ng bangkay.


Pinuntahan ni Scarlet si Raphael
Raphael : Gawin mo na ang gusto mo Scarlet. Wala na akong pakialam, siraan mo na ako. Tutal wala na si Catherine, iniwan na nya ako, wala ng saysay ang lahat ng ito.
Scarlet : Ikaw naman masyado kang melodramatic. Ito o (pinakita ang folder na hawak) dala ko ang retraction at sworn statement ng inspector na sinuhulan mo. Pero malinis na ngayon ang pangalan mo, kaya lang ako muna ang magtatago nito ha. Kailangan hindi mo babalikan si Catherine para hindi na kita kailangang kasuhan pa ulit. Raphael, nakuhan ko na ngayon kung ano ang gusto ko… magkasing miserable na kami ni Catherine. And from the looks of it, parang pati ikaw miserable ka na rin. Totoo ngang sinasabi nilang lahat, misery loves company.
Raphael : Umalis ka na nga rito, baka kung ano pa ang magawa ko.

Kausap ni Vernon ang Boss nya.
Boss : Naging maayos ang shipment ng cargo sa Amadesto. Tatlumpong kotse ang naipasok at limampung motorsiklo, may bago na tayong point of entry.
Vernon : Sabi ko naman sa iyo e, okey yang si Miguel.
Boss : Yung kotse tinanggap ba?
Vernon : Oo, tuwang tuwa sya. Matagal din kasing nasabik sa magandang sasakyan e. Pati yung bonus tinanggap, pinambili ng mga laruan para sa apo ko.
Boss : Good! Mabuti naman kung ganun. Gusto kong alagaan yang anak mo e… magaling magtrabaho, mapapakinabangan natin yan. Malaking asset yan para sa negosyo natin.

May mga pulis na pumunta sa bahay ni Estelle Torralba.
Pulis : Mrs. Estelle Torralba, naparito po kami tungkol sa pagkamatay ni Gng. Aura Castillejos.
Estelle : Ah oo, nabalitaan ko nga ang nangyari sa kanya. Mga taga Amadesto ba kayo? Nagpunta ba kayo rito para magsolicit ng pampalibing?
Pulis : A hindi po Mrs. Torralba, naparito po kami para anyayahan kayo sa presinto. May mga konting katanungan lang po kami tungkol sa pagkamatay ni Aura Castillejos.
- Nagulat si Estelle sa narinig.

Sa presinto.
Estelle : Bakit nyo ako pinapunta rito? Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Aura
Pulis : May nakakita ho sa inyo na nandun kayo sa bahay ni Aura Castillejos.
Estelle : Para dalawin sya, pero wala naman sya roon.
Pulis : (inilabas ang ebidensya na nakuha sa bangkay) Nakikilala ho ninyo ito?
Estelle : Oo, panyo ko ito.
Pulis : Binigyan nyo ho sya ng panyo?
Estelle : Of course not! Parte ito ng set ng handkerchiefs na may monogram ko. Bakit ko naman sya bibigyan nyan? Saan nyo ito nakita?
Pulis : Sa kamay ng bangkay ni Aura Castillejos.
Estelle : Sa bangkay ni Aura? Paano napunta roon?
Pulis : Baka ho naagaw nya noong nakikipaglaban sya sa inyo.
Estelle : Walang labanang nangyari. Are you telling me na ako ang may kagagawan ng pagkamatay ni Aura? Hindi! Hindi totoo yan. Ni hindi ko sya nakita.
-Dumating si Raphael
Pulis : Magandang umaga po Congressman!
Raphael : Ma, don’t say another word, unless makausap ninyo ang mga lawyers ninyo, okay?
Pulis : Hindi pa ho kailangan ng abugado. May mga ilang katanungan lang ho kami sa Mama nyo Congressman.
Raphael : Okay. So hindi pa sya under arrest?
Pulis : Hindi ho. Pero sya ang aming prime suspect.
Raphael : Sa makatuwid puede na kaming umalis.
-Iginiya na ni Raphael palabas ang ina. Nakasalubong nila sina Catherine at Louela. May poot sa mga mata si Catherine. Hindi makatingin ng diretso si Raphael sa ex-girlfriend.
Catherine : AKALA KO… HANGGANG SA SALITA LANG KAYA MO AKONG SAKTAN. AKALA KO, HANGGANG SA PAHIHIRAPAN MO LANG AKO AT PANG-AAPI ANG KAYA MONG GAWIN SA AKIN. (umiiyak) Pero hindi, SUKDULAN PALA ANG KASAMAAN MO! SABIHIN MO NGA SA AKIN, ANO BANG NAPAKALAKING KASALANAN KO SA IYO? PARA MAGAWA MO ANG LAHAT NG ITO SA AKIN? ANONG KASALANAN SA ‘YO NG LOLA KO PARA PATAYIN MO SYA?
Estelle : Catherine, wala akong kinalaman sa pagkamatay ng lola mo. Maniwala ka sa akin, hindi ko magagawa ‘yon.
-Paalis na ang grupo ni Estelle, pero nagpatuloy sa pagsasalita ang umiiyak na si Catherine
Catherine : SINUNGALING KA! Alam kong ayaw mo sa akin. Alam kong kinamumuhian mo ako. BAKIT MO IBINUBUNTON ANG LAHAT NG GALIT MO SA AKIN SA LOLA KO? HINIWALAYAN KO NA NGA SI RAPHAEL, ANO PANG GUSTO MO!
Raphael : Catherine, CATHERINE TAMA NA! Circumstancial lang ang lahat nang ebidensya nila laban kay Mama. Hindi pa natin alam kung SYA NGA ANG MAY SALA
Catherine : WALA AKONG PAKIALAM SA EBIDENSYA. ANG ALAM KO, SYA ANG PUMATAY SA LOLA AURA KO!
Estelle : (nagpapakahinahon) Catherine, alam kong masakit… pero may tamang lugar para dito.
Catherine : Masakit? Hindi mo alam kung gaano kasakit ang pinagdaanan ko sa inyong lahaaat. Bakit? (ay pansin ko, bagong gupit si Gabby) Bakit nyo ba ako gustong saktan? Bakit nyo ako ginaganito? KINUHA NYO NA ANG LAHAT… WALA NG NATIRA SA AKIN. Wala ng natira sa akin.
-Inakay palayo ni Louela ang humahagulhol na si Catherine. Naaawa pero walang magawa si Raphael para sa babaeng pinakaiibig.

Naglalaro ang mag-amang Miguel at Maggie, lumapit sa kanila si Scarlet
Miguel : Di ba ikaw ang presidente ng Dela Rhea Foods?
Scarlet : Oo bakit?
Miguel : Mas madalas pa kitang makita sa bahay kaysa sa opisina a.
Scarlet : Eh kung sa ayaw kong pumasok eh, anong pakialam mo? Masama ang pakiramdam ko a
Miguel : Ano bang sakit mo?
Scarlet : Wow! Concerned ka? Parang masyado na yatang late para magpanggap kang mabuting kang asawa Miguel.
Miguel : Scarlet, nagtatanong ako sa iyo ng maayos.
Scarlet : Fine. Wala akong sakit
Miguel : Bakit parang namumutla ka at parang hihimatayin ka na?
Scarlet : If you must know, BUNTIS AKO!
Miguel : (nabigla) Kanino?
Scarlet : Kapag ba sinabi kong sa iyo, magbabago ba yang isip mo? Babalikan mo ba ako?
Miguel : Ngayon pang annuled na ako? Scarlet naman, hinding hindi mo na ako makukuha, kahit ilang beses ka pang mabuntis. Tama ng isang beses akong nakasal sa iyo.
-Nangingilid ang luha ni Scarlet sa kanyang mga mata. Nagpaalam na si Miguel sa anak.

Binuksan ni Sofia ang pintuan, si Vernon ang nakita nya
Vernon : Sofia
Sofia : Wala dito so Mommy, at kung si Kuya naman ang sadya mo, wala rin sya dito. Kaya umalis ka na! You have no business here.
-Isasara na sana ni Sofia ang pintuan pero napigilan ni Vernon
Vernon : Sandali lang! Bakit ba galit na galit ka sa akin? Ano bang nagawa ko sa iyo PARA BASTUSIN MO AKO, HA?
Sofia : Wala naman. But personally, I DON’T LIKE MURDERERS!
Vernon : Smuggling ang kaso ko kaya ako nakulong, hindi murder.
Sofia : I’m not talking about that. Si Tito Enrique ang tinutukoy ko. (nabigla si Vernon) Alam kong ikaw ang may pakana ng ambush, at alam ko rin na kayo ni Mommy ang pumatay kay Mang Rolando dahil witness sya sa pagpatay mo. Alam ko ang lahat, at alam mo na rin kung bakit hindi kita gusto.
Vernon : (lumapit sa dalaga) Mag-iingat ka Sofia, ang mga taong maraming nalalaman… namamatay ng maaga.
Sofia : Tinatakot mo ba ako? Huwag kang mag-alala at wala pa akong sinasabihan. Mahal ko si Mommy at ayoko syang makulong.
-Tinalikuran na ni Sofia ang nag-iisip na si Vernon.

Nasa bahay ni Scarlet si Winnie
Winnie : Marami ng board members natin ang nawala, ibenenta na nila ang stocks nila. Nawalan na sila ng confidence sa Dela Rhea Foods, napabayaan na daw ito.
Scarlet : (iritado) Eh bakit ba? Hayaan mo lang sila, kumikita pa naman ang kumpanya, di ba?
Winnie : Oo Scarlet, pero hindi na katulad ng dati, matumal na ang sales. Napapabayaan na daw. Papaano nawalan na sila ng confidence, hindi ka nakikitang pumapasok. Sige ka, pag hindi ka pa bumalik baka tuluyan nang magka take-over nyan.
Scarlet : Tita, masama talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit ganito, parang mabigat ang katawan ko. Ibang klaseng pregnancy ang nararamdaman ko.
Winnie : Okay, fine Scarlet. I’ll do everything I can to keep this company a float. Pero puede ba, pag bumuti-buti yang pakiramdam mo pumasok ka na ha.
Scarlet : Yes Tita.
Winnie : Pagaling ka na ha, bumabagsak na ang Dela Rhea Foods.

Dinalaw ni Isadora si Estelle Torralba
Isadora : Grabe ano mare? Minsan ka lang masangkot sa intriga, sobrang juicy pa.
Estelle : (seryoso) Sa tingin mo nakakatawa ito?
Isadora : I’m sorry mare. Nagbibiro lang naman ako eh. Gusto lang naman kitang ngumiti. Pero mabuti na lang nalusutan mo ano. Iba na rin kung ang anak mo Congressman
Estelle : Wala akong kasalanan Isadora. Kilala mo ako. Hindi ko magagawa ang pumatay. At ano naman ang dahilan para gustohin kong patayin si Aura?
Isadora : Aba malay ko. Pero di ba hindi mo naman sya gusto as balae? So… hindi ko alam
Estelle : Seryoso ‘to Isadora. I believe I’m being framed up
Isadora : Talaga? Eh sino naman kaya ang puedeng gumawa nun?
Estelle : Hindi ko alam. Pero oras na nalaman ko kung sino sya, magbabayad sya ng mahal.
-Kinabahan si Isadora.

Inilibing na si Lola Aura. Nakidalamhati kina Catherine at Louela ang mga tauhan sa hacienda. Hawak hawak ni Catherine ang bandana ni Lola Aura. Madamdaming naalala ni Catherine ang mga pinagsamahan nila ng kanyang Lola Aura mula noong bata pa sya - masasaya at malulungkot. Noong namatay ang kanyang ina… pinakidnap sya ni Isadora… pinagtabuyan sila ni Isadora sa kanilang sariling bahay… ang muli nilang pagbangon sa Maynila kasama si Louela… noong muli syang nabigo at tinanggap ng buong puso ng kanyang Lola Aura… at ang pagdating ng hustisya, na kay Lola Aura ang hacienda Amadesto. Labis labis ang poot na nararamdaman ni Catherine sa sinapit ng kanyang pinakamamahal na Lola Aura… ang taong tanging gumabay sa kanyang paglaki, at kasama sa lahat ng kabiguang dinanas sa buhay.

Napaluha si Sofia nang mabasa ang resulta ng DNA test na isinagawa mula sa dugo ni Mang Rolando. Naalala ni Sofia ang maikling panahon na masaya nyang nakasama ang tunay nyang ama at nang makita nya ang bracelet na suot ni Catherine, na kapareho ng sa kanya.
Sofia : Anak nga ako ni Mang Rolando. Tama ang kutob ko. Kailangan itong malaman ni Catherine… kailangan nyang malaman na magkapatid kami. Sana sinabi nyo kaagad. Sana nagkaroon tayo ng madaming pagkakataon na magsama… ikaw… ako… at si ate Catherine.

Pumunta muli si Vernon sa bahay ni Isadora
Vernon : Nasaan si Sofia?
Isadora : Nasa school. Bakit ba?
Vernon : Delikado tayo sa anak mong yan. Masyadong marami na syang nalalaman. Inamin nya sa akin na alam nyang ako ang pasimuno sa pag-ambush kay Torralba.
Isadora : Inamin nya sa iyo? Ang batang yan hindi talaga nag-iisip eh.
Vernon : Paano ngayon yan? Baka kumanta yang anak mong yan.
Isadora : Puede ba Vernon? Huwag na nga nating problemahin si Sofia. Dahil kahit ganun yung batang iyon, kahit suplada ‘yon, mahal ako nun. Hindi nya gugustohing makulong ako. At saka isa pa, di ba nasubukan na naman natin sya, ang dami na nyang alam ah. O yung syringe na hawak ko kay Rolando, iyon alam nya yun… hawak nya yon. Pero nung kinwestyon sya, ginamit ba nya na yun? Sinabi ba nya sa mga pulis? Hindi naman di ba?
Vernon : Ewan kon lang. Mukhang may sariling utak ang batang yan e.
Isadora : Walang sariling utak si Sofia. Kaya kong diktahan at rendahan ang batang yan. Kaya Vernon, wala kang dapat gawin sa anak ko.
Vernon : Sinabi mo na nasa kanya yung syringe na pinampatay mo kay Rolando. Bakit hindi mo kunin?
Isadora : WALA. Hindi ko na makita, hinanap ko na sa buong bahay.
Vernon : Sa boarding house.
Isadora : Iba naa ng nakatira doon
Vernon : Sa eskwelahan kaya
Isadora : Pude ba Vernon? Huwag mo na ngang problemahin si Sofia. Hindi nya gagamitin ang ebidensyang hawak nya laban sa akin. Sigurado ako dun.
-Hindi kumbinsido si Vernon.

Pagdating ni Sofia ay nakita nyang nakaabang sa gate si Vernon, iiwas sana ang dalaga
Vernon : Sofia, sandali!
Sofia : Ano ba?
Vernon : Masungit ka na naman a. Sofia, magkakampi tayo
Sofia : KAKAMPI? I’m not part of your gang kaya huwag mo akong isama sa mga pinaggagawa ninyo
Vernon : Kasama ka na rin namin simula noong pinagtakpan mo kami ng nanay mo, kasabwat ka na namin.
Sofia : Ginawa ko iyon para kay Mommy, dahil mahal ko sya. Pero kayo? All I have for you is disgust. Kaya puede ba hindi kita kaanu-ano at lalong hindi kita kakampi.
-Pumasok na sa loob ng bahay si Sofia. May tinawagan sa cellphone si Vernon
Vernon : Sinong lead investigator sa pagkamatay ni Rolando Ramirez? A isa lang hong concerned citizen. May tip ho ako tungkol sa killer nya.

Pinuntahan ni Miguel si Catherine. Umiiyak si Catherine.
Miguel : Tumakbo kaagad ako ng malaman ko ang nangyari kay Lola Aura (ngek-ngek mo, tumakbo daw, nailibing na yung tao… kabagal mo namang tumakbo)
- Niyakap ni Miguel ang nagdadalamhating babae.
Catherine : Mga walanghiya silang lahat Miguel. Ako na lang dapat ang pinatay nila. Pero ang lola ko, napakabait ni Lola Aura pati sya dinamay. Lalabanan ko sila! Ako ngayon ang makakalaban nila Miguel.
Miguel : Sabihin mo lang kung ano ang maitutulong ko. Sabihin mo lang.
Catherine : Maghihigantin ako! Ipaghihiganti ko ang Lola ko!
Miguel : Kanino?
Catherine : SA KANILANG LAHAT!!! Miguel, kailangan ko ang tulong mo. Kailangan ko ng PERA. Huhuhuhu!
Miguel : Pero akala ko may iniwan sa iyo si Lola Aura, parte nya sa Amadesto
Catherine : KULANG ‘YON! Kulang yun Miguel! Kailangan ko ng malaking malaking halaga. MARAMING MARAMING PERA! Kailangan ko ng mga investor, kailangan ko ng malaking halaga at malaking pera para hindi na nila ako minamaliit, hindi na nila ako maaapi. Kailangan kong makapaghiganti. Huhuhu! Miguel
Miguel : (nag-isip) Huwag kang mag-alala, meron akong kilala, isang mayamang negosyante. Matutulungan ka nya.
Catherine : Salamat!
-Nagyakap muli sina Catherine at Miguel.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!