Google
 

Read the transcript of episode 64 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

Ipinasok na sa selda si Sofia. Nakatingin sa kanya ang mga presong naroroon na nagsisiksikan sa maliit na kulungan. Naiiyak si Sofia sa kanyang sinapit.

Napansin ni Maggie na malungkot ang kanyang ama.
Maggie : Daddy, bakit ka malungkot?
Miguel : May problema kasi ang Tita Sofia e. Hindi alam ng Daddy kung paano sya makakatulong.
-Lumapit sa kanila si Scarlet na may dalang isang malaking bag.
Scarlet : Kamusta si Sofia?
Miguel : She’s okay. Trying to be strong.
Scarlet : (ibinigay ang bag) Eto pinaghanda ko sya ng mga shampoo, meron ditong toothpaste, may toothbrush, mga towels, facial wash, may moisturizer na rin dyan… lahat ng kailangan nya nandyan na, pinagsama-sama ko para naman hindi sya masyadong mahirapan doon.
Miguel : Salamat ha. Dadalawin mo ba sya?
Scarlet : Hindi ko pa alam Miguel eh. Susubukan ko. Kailangan ko kasing pumasok ngayon sa opisina, namimiligro ang position ko sa company. Salamat dyan sa Catherine na ‘yan.
Miguel : Kasalanan mo din kasi, nagpabaya ka.
Scarlet : (asar) Syempre kay Catherine ka na naman kakampi. Ano pa bang bago Miguel? Para sa iyo naman, sya lang ang nakikita mong magaling, di ba? Sya lang ang tama para sa iyo. And as usual, si Catherine na naman ang bida. When will I be better than her Miguel, kahit sa paningin mo lang? Sa tingin ko niloloko ko lang ang sarili ko eh. Bakit ba patuloy pa rin akong umaasa? Hindi na ako nadala. Bakit ba kasi nag-iisa lang si Catherine para sa iyo Miguel? Puro ka lang Catherine Catherine Catherine, sawang sawa na ako sa pangalan nya. Kailan ba magiging ako? Kailan naman yung ako?
-Hindi nakaimik si Miguel, mukhang naantig ang damdamin sa mga sinabi ng dating kabiyak


Binisita si Sofia ng ina at kapatid
Miguel : Kamusta ka naman dito Sofia? Maayos ba ang trato nila sa iyo?
Sofia : I’m okay kuya.
Miguel : Papaano ba naman kasi napunta sa iyo ang syringe? Iyon ang pinakamatibay na ebidensya laban sa iyo e.
-Kinakabahan si Isadora. Tumingin sa ina si Sofia bago naiiyak na sinagot ang tanong ng kapatid
Sofia : Hindi ko alam kuya.
Miguel : Papaanong hindi mo alam? Bakit kasi ayaw mong magsalita sa akin? Kailangan mong sabihin sa akin ang totoo, lahat lahat kailangan kong malaman iyon. Sofia, kailangan kong malaman. Kung hindi ka magsasalita sa akin, hindi kita matutulungan.
Sofia : Kuya
Miguel : Alam mo ba nahihirapan ako sa iyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko e. Sabihin mo sa akin ang totoo, o baka naman totoo ang sinasabi nila.
Sofia : Kuya, hindi ko pinatay si Mang Rolando. Maniwala ka sa akin huhuhu!
Miguel : (hinawakan ang kapatid) Naniniwala ako sa iyo. Kaya lang nahihirapan din ako, kailangan mong sabihin sa akin ang totoo. Naiintindihan mo ba ako? Gusto kitang protektahan. (kinausap ang ina) Ma, ikaw na nga ang kumausap dito, baka sakali sa iyo magsalita. Kakausapin ko lang yung lawyer.
-Tumayo si Miguel para puntahan ang abugado. Lumapit si Isadora kay Sofia at pabulong na kinausap
Isadora : Anak, bakit kasi itinago mo pa yung syringe? Dapat tinapon mo na lang yun eh.
Sofia : Anong balak mo Mommy?
Isadora : Magaling naman yung lawyer natin eh. Basta gagawa sya ng paraan para hindi ka makulong.
Sofia : Hindi kayo magsasalita? Pababayaan mo lang ako dito ‘ma?
Isadora : (hinawakan ang anak) Sofia, makinig ka sa akin, hindi ka makukulong. Pinapangako ko yan sa iyo. Hindi ka makukulong. Okay?
-Masaganang dumaloy ang luha ni Sofia, bunsod ng disappointment na kahit alang-alang sa kanya ay hindi magagawa ng ina na sabihin ang totoo.

Nasa loob ng opisina niya si Catherine, malungkot… nagmumuni-muni, hawak ang isang pocket calendar
Catherine : Kawawa ka naman Catherine. Wala ka man lang remembrance ng pagsasama nyo ni Raphael. (ipinakita ang harapan ng calendar, gwapo talaga ni Gabby) Tanging campaign calendar lang nya ang meron ka. Makuha mo man ang lahat, kung wala ka naman kasama… balewala rin. Para kang TANGA pinakawalan mo pa sya. (pumikit at inilagay ang larawan ni Raphael sa dibdib) Pero dapat wala syang mapapala sa akin, masisira lang si Raphael kapag pinagpatuloy namin ang relasyon namin.
-Nakita ni Scarlet sa ganung kalagayan si Catherine… malungkot. Mukhang may naiisip na naman na kalokohan ang “bitch” para sa “gold digger”.

Tinutulungan ni Vernon ang kanyang mag-ina sa paglilipat ng bahay.
Isadora : Miguel, Vernon, ano ba naman itong lugar na nakuha ni Sofia, ha? O eh ang dumi-dumi tapos hipan mo lang ito ng isang beses parang magigiba na eh. (hindi umiimik ang dalawang lalaki) Naku! Basta ha sa akin yung mas malaking kwarto sa taas. Kakainis naman papaano akong mabubuhay ng ganito o. Ang dirty dirty.
-Umakyat na sa magiging kwarto nya si Isadora.
Vernon : Miguel, parang hindi ka masaya sa nilipatan ninyo
Miguel : Iniisip ko si Sofia. Walang kasalanan ang kapatid ko.
Vernon : Kung talagang inosente sya, bakit sa kanya nahanap yung syringe na ginamit pangpatay kay Rolando? At pagkatapos nun, ni wala syang sinabing dahilan kung bakit nahanap sa kanya.
Miguel : Hindi ganun ang kapatid ko.
Vernon : Miguel, ganun talaga. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng tao nagsisinungaling. Wala ng inosente sa mundo. Baka ayaw mo lang tanggapin dahil bunsing kapatid mo sya, pero posible rin na iba ang pinapakita nya sa iyo sa pinapakita nya sa labas ng bahay. Maaring iba ang pagkakilala mo sa totoong pagkatao ni Sofia.

Nasa bahay nila si Raphael, kausap nya sa telepono si Scarlet.
Scarlet : Hi Raphael! How are you?
Raphael : Scarlet, ano sa tingin mo? Puede bang huwag mo na lang akong tatawagan? At wala na akong panahon sa iyo.
Scarlet : Grabe! Ang suplado mo naman Raphael. Hindi mo man lang ba ako kukumustahin?
Raphael : Bakit naman kita kukumustahin? Hindi naman tayo magkaibigan.
Scarlet : Much more than that Raphael. Magkakaroon na tayo ng baby, nakalimutan mo na ba?
Raphael : Hindi ko makakalimutan iyon. Tulad nga ng sinabi ko sa iyo, paninindigan ko yang bata, seryoso ako doon. Kahit na ano ang kailangan para sa bata, sabihin mo lang. Tutulong ako hangga’t sa makakaya ko.
Scarlet : Puede ba Raphael, HINDI KO KAILANGAN ANG PERA MO DAHIL MARAMI RIN AKO NUN. Ang kailangan kong maramdaman yung suporta mo para sa anak natin. At gusto rin yun maramdaman ng baby natin… ang suporta ng tatay nya. Siguro naman hindi mo matitiis ang sariling mong dugo’t laman.
-Tinapos na ni Raphael ang pakikipag-usap kay Scarlet.

Pinalabas sa selda si Sofia, kasi may dalaw daw. Nang makita ni Sofia kung sino ang dalaw nya ay babalik sana ito sa selda. Pinigilan sya ni TOBY.
Toby : Sofia sandali lang. Harapin mo naman ako.
Sofia : Iyon na nga ang problema Toby. Wala na akong mukhang ihaharap sa iyo.
Toby : Please
-Pinagbigyan ni Sofia ang binata, umupo sila
Sofia : Ayoko sanang makita mo ako ng ganito Toby. Nakakahiya.
Toby : Bakit ka nahihiya?
Sofia : I’m in jail Toby. It can’t get more humiliating than this.
Toby : Sofia, hindi mo kailangang mahiya. Alam ko namang hindi nila magagawa yung binibintang nila sa iyo. (hinawakan sa kamay ang dalaga) Kilala kita, kilalang kilala kita. Huwag kang mag-alala tutulungan kita. Papatunayan ko sa kanilang wala kang kasalanan. Hinding hindi ako titigil hanggang hindi ko nalilinis ang buo mong pangalan.
-Titigan ang ex-lover.

Nasa bahay ni Isadora si Estelle
Estelle : Kumare ang hirap paniwalaan. You know, Sofia is such a sweet girl. Hindi ko sya maisip na masasangkot sa ganitong pangyayari. How is she?
Isadora : Naku mare, awang awa na ako doon sa anak ko. Imagine, ang unica hija ko makukulong. Hay, kung meron nga lang sana akong pera, e di puede ko syang piyansahan di ba?
Estelle : Magkano ba ang kailangan mo? Baka naman puede akong mag-contribute.
Isadora : Eh 500 thousand mare. Mapapahiram mo ba ako?
Estelle : Ahm susubukan ko. Pero teka mare, hindi ba murder ang kaso nya?
Isadora : Ahm oo, bakit?
Estelle : Kasi hindi ba murder is a non-bailable offense? Hindi sya puedeng pyansahan.
Isadora : (nagpalusot) A mare, wala akong alam sa mga ganyan eh. Basta itong lawyer ko hingi lang ng hingi sa akin ng pera. Eh syempre di ba kung para sa anak mo magbibigay ka rin ng magbibigay, di ba?
Estelle : Hay yun nga eh. Pati tuloy si Sofia nadamay ano? Ano na bang nangyayari sa atin mare? Noon, ako ang napagbintangan na pumatay kay Aura. Ngayon naman si Sofia.
Isadora : Pero alam mo mare, sa palagay ko ha, hindi coincidence ang mga nangyayari. Meron lang isang common factor at yan ay si Catherine.
Estelle : Dahil pareho nyang kamag-anak si Aura at Rolando?
Isadora : Hindi lang yun mare. Dahil galit sya sa atin pareho. Sigurado ako ginagamit nya ang pagkamatay ng pamilya nya para paghigantihan tayong dalawa.
Estelle : Hindin naman siguro gagawin ni Catherine yun.
Isadora : Anong hindi? Eh nagawa na nya eh. O ano ba ang ginawa nya kay Scarlet, hindi ba inagawan nya ng posisyon yung tao sa sarili nynag kumpanya? Tapos ikaw, o napagbintangan ka naman ng kay Aura. Tapos ngayon si Sofia. Ay naku mare, iniisa-isa na nya tayo. Sigurado ako, si Catherine lang talaga ang may kagagawan nito wala ng iba… si Catherine lang.

Nasa bahay nila ang mga kaibigan ni Toby at si Jenna. Pinag-iisipan nila kung paano nila matutulungan si Sofia na makalabas ng kulungan. Sinabi ni Toby na konektado ang pagkamatay ni Mang Rolando sa pag-ambush sa kanyang ama na si Cong. Enrique Torralba.
Toby : Sigurado akong iisa lang ang may pakana nyan. Kaya pag nalaman natinkung sino ang pumatay kay Mang Rolando, malalaman na rin natin kung sino ang nagpa-ambush sa papa ko.
Jester : Two birds with one stone
Toby : Higit sa lahat, matutulungan na nating makalaya si Sofia.
Jenna : Napaka- ideal lahat nyan. Pero saan tayo magsisimula?
Toby : Sa pinagsimulan ng lahat, sa ambush. Nakausap ko na yung kakilala ko sa TV station, humingi na ako ng kopya sa kanya ng video file ng ambush. Sigurado ako nandudoon lahat ng kasagutan.

Nasa Dela Rhea Foods si Cong. Raphael Torralba, naghihintay. Nakita ni Catherine si Raphael.
Catherine : Raphael
Raphael : Catherine
Catherine : Anong ginagawa mo dito?
-Hindi makasagot si Raphael. Lumapit si Scarlet
Scarlet : Don’t worry Catherine, hindi ikaw ang ipinunta dito ni Raphael. Ako ang dinadalaw nya kasi mayroon kaming appointment ngayon sa doctor para sa baby naming dalawa. (umabrasyete kay Raphael) Let’s go! Bye ma’am
-Labis na nasaktan si Catherine.

Sa bahay nina Isadora. Nag-uusap naman ang pamilyang pare-parehong may illegal activities.
Miguel : Sa tuwing iniisip ko yang kaso ni Sofia, lalo akong naniniwalang hindi nya kayang agawin yun. Kilala ko ang kapatid ko. Ano ang magiging motibo nya? Kaibigan nya si Mang Rolando?
Vernon : Malay mo naman nag-away sila. Alam mo naman yang si Rolando, makulit yan e. (huh! paano nya nalaman?) Baka napikon sa kanya si Sofia, at isa pa, hindi mo napapansin lately na masyadong mainitin yang ulo ni Sofia bago sya inaresto? Malay mo baka binabagabag na sya ng konsensya nya sa ginawa nya. Alam mo kasi mahirap kalaban yang konsensya, mahirap pag yan ang umuusig sa iyo, wala ka nang takas.
Miguel : Tay, naiintindihan nyo ba ang sinasabi nyo? Kung pagdudahan nyo ang kapatid ko parang hindi nyo kilala e. Naniniwala akong inosente sya. Ang ipinagtataka ko lang bakit ayaw nyang magsalita? Hindi kaya meron syang pinagtatakpan? (kinabahan si Isadora) Kailangan ko syang makausap, dadalawin ko sya. Ma, sumabay na kayo sa akin
Isadora : Hindi na. Mauna ka na. Ako na lang ang bahalang magpunta doon mamaya.
-Umalis na si Miguel
Vernon : Ano, hindi mo kayang harapin yung anak mo? Kung sa akin man, gawin ko man yun sa anak ko… magdadalawang isip rin ako na harapin sya. Lalo na’t alam ko na wala talaga syang kasalanan at pinagtatakpan nya lang ako. Mahihiya nga siguro ako sa balat ko.
Isadora : Gagatungan mo pa talaga.

Kausap ni Sofia ang kanyang abugado
Lawyer : Malapit na ang hearing mo Sofia. Kailangan mo nang sabihin sa akin lahat ng nalalaman mo bago ka ilagay sa stand para malaman ko kung paano kita ipagtatanggol. Magsalita ka na. Para matulungan kita. Tulungan mo ang sarili mo. Kung hindi ka pa rin magsasalita, wala akong magagawa. Baka tuluyan ka ng makulong.
Sofia : (tinawag ang bantay) Sir, pasok na ako.

Pinuntahan ni Estelle Torralba si Catherine sa conference room.
Catherine : Anong ginagawa mo dito?
Estelle : Nagpunta ako rito para makipag-usap. Nagpunta ako rito para makiusap.
Catherine : (tumayo) Ikaw? Makikiusap? Sa tuwing nagpupunta ka, hindi simpleng PAKIKIPAG-USAP ang ginagawa mo sa akin. Kung inaakala mong mananahimik lang ako sa lahat ng ginawa mo… nagkakamali ka. Nagtitimpi lang ako dati, alang-alang kay Raphael. Pero ngayon, iba na ang sitwasyon.
Estelle : (nagpapakumbaba) Nagpunta ako rito para makiusap na itigil mo na ang paghihiganti mo sa amin. Wala akong kasalanan sa pagkamatay ng lola mo.
Catherine : WALA KANG KASALANAN? PINATAY MO ANG LOLA AURA KO, HINDI BA KASALANAN YUN?! Kaya ngayon, tikman mo ang paghihiganti ko. KAYONG LAHAT!
Estelle : At pagkatapos ano? Maghihiganti rin sila? Tapos babalikan mo naman. Kailan matatapos ‘to? Paano matatapos ‘to? Kung hindi ka titigil ngayon, walang katapusang paghihiganti ang mangyayari. Baka pati ibang tao madadamay. Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo?
Catherine : Hindi ako ang nagsimula ng lahat ng ito! Pero sisiguraduhin kong AKO ANG TATAPOS! Ilang beses nyo akong INAPI at SINAKTAN. Hinding hindi na mauulit ‘yon. Tingnan mo ako, MA’AM ESTELLE, mukha ba akong takot? Inubos nyo na ang lahat ng TAKOT sa puso ko, kaya ngayon… tikman ninyo ang BANGIS ng paniningil ko. Makikilala mo na ang TUNAY NA CATHERINE RAMIREZ.
-Punong puno ng galit ang titig ni Catherine kay Estelle Torralba.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!