Google
 

Read the transcript of episode 75 of "Iisa Pa Lamang" courtesy of Pinoy TV Junkie.

- Nakauwi na si Scarlet sa bahay at sinamahan sya ni Winnie sa kwarto. Habang nakahiga si Scarlet sa kama ay kinausap sya ni Winnie at tinanong kung kailan sya titigil sa mga ginagawa nya dahil muntik pang mapahamak ang baby nya, buti nalang daw at hindi parin sya pinabayaan ni Catherine. Malungkot ang mukha ni Scarlet at sumagot sya kay Winnie nang “alam ko”, ilang beses na daw silang nagkasakitan ni Catherine pero nagawa parin daw syang tulungan nito at dinala pa sya sa Center. Sa ginawa nga ni Catherine pwede pa nga daw syang makuha nang mga pulis at ibalik sa kulungan, pero ginawa nya iyon para iligtas sya at ang anak nya. Sinabi ni Winnie na siguro daw ay hindi ganon kasama si Catherine katulad nang iniisip nila. Tumingin kay Winnie at naiyak lang si Scarlet.


- Pumunta si Isadora para alamin ang kalagayan ni Estelle. Nang makita nyang maraming bodyguards sa labas nang kwarto nito at eksaktong may dumaang nurse; nagdrama nalang si Isadora at kunyari ay tinatanong ang kalagayan nang kanyang Ate. Tinanong nang nurse kung sino ang Ate nya, sinabi ni Isadora na si Mrs. Torralba, kadarating lang daw nya galing Canada at worried na worried sya dito. Sinabi nang nurse na wala parin itong malay. Nagtanong muli si Isadora at sinabi kung magigising pa ito sa coma, sagot naman nang nurse na hindi pinapabayaan nang mga doctor si Estelle, pero hanggang ngayon ay wala parin pagbabago. Tinanong ulit ni Isadora ang nurse kung posibleng hindi na ito magising, ang tanging sinabi nang nurse ay ihanda nalang ni Isadora ang sarili. Kunyari ay halos manghina si Isadora sa narinig. Nagpaalam na ang nurse kay Isadora. Pagkaalis nang nurse ay sinilip muli ni Isadora ang mga bantay at tumawag kay Vernon. Sinabi nya kay Vernon na tuloy parin ang kanilang bakasyon kahit hindi pa nya naitutumba si Estelle dahil marami itong bantay, pero may nakausap daw syang nurse at sinabing baka hindi na ito magising. Hindi na din daw makaka-testify si Estelle na sya ang bumaril dito at hindi si Catherine. Nagpasalamat din si Isadora para sa sasakyang ginamit nya nung gabing hinanap nya si Catherine.

- Nagpunta si Isadora sa bangko. Doon, tinawagan nya si Sofia para sabihin na mag-impake sya dahil magbabakasyon sila. Nagulat si Sofia at tinanong ang ina kung bakit sila magbabakasyon. Sinabi ni Isadora na mainit na daw doon at gusto nya sa lugar na may snow. Ayaw sumama ni Sofia dahil ayaw nyang iwan ang kanyang Ate Catherine at may pasok pa sya, nagalit si Isadora at pinipilit na sumama sa kanya si Sofia kahit may pasok pa ito. Tinanong ni Sofia kung sigurado ba daw si Isadora na babalik sila? Nangako si Isadora na babalik sila. Pagbaba nang telepono ay naguguluhan parin si Sofia. Dumating na ang manager nang bangko at masaya itong binati ni Isadora nang good morning, hawak nya ang check na binigay ni Scarlet sa kanya. Binigay ni Isadora ang check sa manager para i-encash. Pag tingin nang manager sa inabot na check ni Isadora, sinabi nya na hindi pwedeng i-encash ni Isadora ang check. Napatayo at nagulat si Isadora at tinanong ang manager kung ano ang ibig sabihin nito. Sinabi nang manager na kakatawag lang ni Scarlet at pinapa-block ang check ni Isadora. Gulat na gulat at nagalit si Isadora, hindi daw pwedeng gawin iyon sa kanya ni Scarlet. Sabi pa nang manager na ginawa na iyon ni Scarlet at may ipinapasabi pa raw ito. Kinuha nang manager ang isang kapirasong papel sa kanyang bulsa at binasa ang nakasulat doon – ang pinapasabi daw ni Scarlet kay Isadora ay: “Manigas ka, bitch!” Galit na kinuha ni Isadora ang kapirasong papel para sya mismo ang magbasa nun.

- Sinugod agad ni Isadora si Scarlet sa kanyang bahay at galit na galit ito.

Isadora: Traydor ka! Walang kwenta ang reward money mo! At ano ang ibig sabihin nang message mo ha?! Ikaw ang manigas! Mandaraya ka!

Scarlet: Ah talaga! Dinaya kita because YOU don’t deserve that reward. YOU deserve to go to jail!

Isadora: Ano ngayon ang ibig mong sabihin? Isusumbong mo ako? Sige Scarlet, subukan mo. Pero sisiguraduhin kong kasama kita sa kulungan.

Scarlet: Talaga? Ok lang sa akin. Alam mo ba na every inmate has a bitch, then you’ll be mine. (Scarlet laughs.)

Isadora: (really pissed) Hindi pa tayo tapos. Tandaan mo yan! (took her purse) Hindi pa tayo tapos Scarlet! (Isadora left the house.)

Scarlet: Hindi ako ang tatapos nito – si Catherine.

- Pag labas ni Isadora sa bahay ni Scarlet ay naghihintay si Vernon sa kanya. Nagulat si Isadora at tinanong kung ano ang ginagawa nya doon. Ipinaalam ni Vernon na nakakulong na si Marco, sabi naman ni Isadora ay mabuti iyon. Nag-aalala naman si Vernon at sinabing hindi mabuti iyon dahil hindi nito hahayaan na sya lang ang makulong, idadawit daw sila ni Marco para makakuha nang mas maliit na sintensya. Kakanta daw si Marco at magsusumbong sa pulis – ang pag-ambush kay Enrique at yung pagpatay kay Rolando. Sabi naman ni Isadora na si Marco naman ang may utos nang lahat nang iyon, sagot naman ni Vernon na babaligtarin daw sila ni Marco at kailangan nilang umalis sa lalong madaling panahon. Sinabi ni Isadora na wala silang pera para tumakas. Ipinaalam ni Vernon na maraming perang nakatago si Marco sa bahay nito. Nagpaalam na si Vernon para umalis, naisip ni Isadora na sumabay nalang sa kanya dahil wala syang sasakyan.

- Sa ospital kung nasaan si Estelle, may isang goon na pumunta para patayin si Estelle. Nakahanap ito nang pagkakataon dahil nagkape ang 2 bodyguards na nakabantay, kaya nakapasok ito sa kwarto ni Estelle.

- Sa bahay naman nila Toby, nandoon si Sofia. Disappointed at medyo galit na sinabi ni Toby na hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung nasaan si Catherine dahil pinatakas ito ni Scarlet, nagtatago daw siguro dahil guilty kasi. Dinifend ni Sofia ang kapatid at sinabing hindi guilty ang kanyang Ate at hindi ito ang bumaril sa mommy nya. Sabi naman ni Toby na kung hindi guilty si Catherine, bakit hindi nalang ito sumuko, maski nga anino daw nito ay hindi nya pinapakita at baka balak talaga nitong magtago. Sinabi naman ni Sofia na natatakot ang kapatid nya dahil madami ang humahabol sa kanya, mga taong masama ang intention. (Inserted scene: yung goon ay tinanggal ang oxygen supply ni Estelle. Nahihirapang huminga si Estelle.) Dagdag pa ni Sofia that the truth will come out at paggising ni Estelle ay iki-clear nito ang pangalan nang kanyang Ate and Toby will see how wrong he is.

- Pag labas nang goon ay nakita sya nang isang nurse. Nagulat ang nurse at tinanong kung sino sya, kaya nagmamadaling umalis ang goon. Pumasok agad ang nurse sa loob nang kwarto ni Estelle at nakitang nahihirapang huminga ito. Tinawag agad nang nurse ang doctor at sinabing code blue. Mabilis na pumasok ang doctor sa loob nang kwarto ni Estelle at dali-daling binalik ang oxygen supply ni Estelle, sabay check up sa kalagayan nito.

- Sa bahay naman nila Rafael, kausap nya si Toby. Kabababa lang nya nang telepono at sinabi kay Toby na si Miguel iyon, hindi pa raw nahahanap si Catherine at wala din ito kay Isadora. Tinanong ni Toby kung hindi daw kaya pinatay ni Scarlet si Catherine. Sabi naman ni Rafael na hindi magagawa iyon ni Scarlet dahil hindi ito marunong makasakit nang tao, ang makapatay pa daw kaya? Iniisip naman nang magkapatid kung saan nagtatago si Catherine. Sabi pa ni Rafael na pinagtanungan na nya ang mga taong pwedeng pagtaguan ni Catherine, kahit daw sina Sofia at Louella ay hindi din nila alam. Medyo inis naman si Toby at iniisip na nagsisinungaling lang ang mga ito dahil minsan nang pinagtakpan ni Sofia si Vernon, baka ginagawa din daw nito ulit kay Catherine. Alam naman ni Rafael na nilalabas lang ni Toby ang init nya nang ulo kay Sofia, at alam din ni Rafael na nagsasabi nang totoo si Sofia, at kung nasaan man daw si Catherine ay sana daw ay safe ito. Biglang nakatanggap nang tawag si Rafael sa doctor.

- Mabilis na pumunta sila Rafael at Toby sa ospital, nagkamalay na si Estelle. Medyo hirap sa pagsalita si Estelle. Maiyak-iyak si Toby sa tuwa dahil gising na ang kanilang ina. Hindi alam ni Estelle kung bakit sya nandoon sa ospital. Sinabi ni Rafael na binaril daw sya. Hindi naman matandaan at tinanong pa ni Estelle kung sino ang bumaril sa kanya. Nagulat si Rafael dahil hindi matandaan nang ina kung sino ang bumaril sa kanya, sinabi pa sa ina na kailangan maalala nito. Nagpilit si Estelle na isipin ang mga nangyari, pero malabo sa kanyang alaala kung sino ang bumaril sa kanya, sinabi nya kay Rafael na hindi nya maalala. Naiyak lang si Toby at nalungkot din si Rafael.

- Sa may labas nang kwarto ni Estelle, kinausap nila Rafael at Toby ang doctor, nalaman nilang may partial amnesia si Estelle – natatandaan nito ang lahat except sa mga huling sandali bago sya nabaril. Tinanong ni Rafael kung paano nangyari iyon. Sabi naman nang doctor na it is called post traumatic syndrome that was caused by the attack, nangyayari daw talaga iyon sa mga biktima nang krimen. Tinanong ni Rafael kung babalik din ang memory nang ina, sagot naman nang doctor ay oo, pero kung kailan o paano ay hindi sila makakasiguro.

- That night, pumunta (ulit) si Sofia sa bahay nila Toby dahil nabalitaan nyang nagising na ang mommy nito, kinamusta ni Sofia ang lagay ni Estelle. Malungkot na sumagot si Toby at sinabing ok lang daw ang kanyang mommy, iuuwi na nila ito sa makalawa. Wala daw itong maalala, hindi nito alam kung sino ang bumaril sa kanya. Nagulat si Sofia, at inalala ang kanyang Ate, dahil paano na daw ito? Medyo galit at sinabi ni Toby na hindi pa absuwelto ang kapatid ni Sofia. Naiiyak sa awa si Sofia dahil paano na daw ang Ate nya? Seryoso ang mukha ni Toby at tinanong si Sofia kung nasaan na daw ang kapatid nito? Sumagot si Sofia at sinabing tinanong na daw sya ni Rafael, sinabi na nya na hindi nya alam. Hindi naman naniniwala si Toby kay Sofia dahil imposible daw na hindi man lang tinawagan ni Catherine si Sofia. Sinabi ni Sofia na nagsasabi sya nang totoo, pero sinabi ni Toby sa kanya na bakit pa daw sya maniniwala kay Sofia, minsan na daw itong nagsinungaling sa kanya. Hindi na nakasagot si Sofia.

- After two days, ay naiuwi na si Estelle sa bahay nila, naka-wheelchair ito. Sinabihan ni Rafael ang ina na hindi porque sinabi nang doctor na magaling na ito ay gagawin na nito ang lahat nang bagay, magpahinga daw muna sya. Tinanong ni Estelle kung doon ba daw nangyari (sa bahay) ang pagbaril sa kanya. Nag-alala naman ang magkapatid dahil baka na-i-stress si Estelle. Tinanong ni Rafael kung gusto nang ina na sa hotel muna tumuloy, dahil baka mahirapan sya. Sinabi naman ni Estelle na gusto nyang doon sya sa bahay dahil baka may maka-trigger daw nang kanyang memory at may maalala sya, gusto nyang maalala ang lahat at malaman kung sino ang bumaril sa kanya.

- That night, si Vernon ay pumunta sa bahay ni Marco para magnakaw nang pera. Pinuntahan nya agad ang vault ni Marco, since alam nya ang combination ay nakakuha agad ito nang pera, pati na din ang baril na nakatago doon.

- Si Isadora naman ay nasa bahay nila Estelle. Habang naghihintay sa living room, naalala pa ni Isadora kung paano nya hinabol at binaril si Estelle. Kasama ni Estelle ang kanyang nurse. Kinakabahan sa takot si Isadora na kausapin si Estelle, tinanong nya kung bakit sya pinasundo ni Estelle sa mga bodyguards nya. Sabi ni Estelle na hindi daw kasi dumadalaw sa kanya si Isadora. Nakahinga naman nang maluwag si Isadora at nagdahilan kay Estelle na madami syang ginagawa. Tinanong pa nya si Estelle na kung hindi nito maalala kung ano ang mga nangyari sa kanyang aksidente (pagkabaril.) Nang i-confirm iyon ni Estelle, lalong nakahinga nang maluwag si Isadora at sinabing ok lang iyon dahil ang importante ay buhay ito at ok sya. Nagdrama pa si Isadora na nalungkot daw sila at akala nya ay mawawalan sya nang bestfriend.

Estelle: Huwag kang mag-alala Isadora, nandito parin ako. Hindi naman ako madaling mamatay eh.

Isadora: Napansin ko nga (sighed and rolled her eyes.) Pero Mare, talaga bang…wala kang maalala? Si-si Catherine, naalala mo ba si Catherine?

Estelle: Si Catherine?

Isadora: Oo, si Catherine. Sya yung may gawa sa iyo nyan.

Estelle: (confused) Sigurado ka?

Isadora: Oo naman, ano ka ba? Hindi mo ba naaalala na nung araw, ilang beses nyang pinagtangkaan ang buhay mo. Alam nga din yan ni Scarlet eh. Galit na galit ka nga sa kanya eh. Kaso, parang hindi natuloy, hindi mo rin ba maalala iyon? (Estelle recalled something, the time when Catherine pointed a gun on her and Scarlet.)

Estelle: Oo, naalala ko! Pinagtangkaan nya ang buhay ko.

Isadora: Talaga! At nung hindi natuloy iyon, at hindi nangyari iyon, binalik-balikan ka pa nya. Mare, diba nga, sya ang may kagagawan nyan ngayon. Diba, hindi mo ba matandaan iyon? Na si Catherine ang bumaril sa iyo.

Estelle: (shaking her head) Mare, hindi ko talaga natatandaan eh.

Isadora: (with a devilish smile) Di bale Mare, it’s ok.

- (Paglabas ni Isadora sa bahay nila Estelle…)

Isadora: (thinking) Hay naku, kapag sinusuwerte ka nga naman. Hindi ko nga natuluyan si Estelle, pero wala naman syang maalala. At kung sakaling bumalik man ang memory nya, wala na ako, far, far away! Hahahaha! (Biglang may napansin si Isadora na parang may nagmamanman sa kanya. Mabilis na umalis ang nagtatago. Ninerbyos naman si Isadora kaya umalis nalang din agad.)

- Sila Sofia at Louella naman ay naglalakad papauwi nang bahay. Tinanong ni Louella kung nakabalita na daw si Sofia kung nakaalis na nang bansa si Isadora. Sabi naman ni Sofia ay hindi pa daw, baka nagbago ang isip nito. Sinabi ni Louella na siguradong walang pera daw kasi Isadora dahil hindi binigay ni Scarlet ang reward money sa kanya, mabuti nga daw kay Isadora. Napansin naman ni Louella na medyo na-hurt si Sofia sa kanyang sarcasm, nagsorry si Louella dahil alam nyang ina ni Sofia si Isadora, pero hindi daw nya ma-take si Isadora. Sabi naman ni Sofia na she can’t blame Louella dahil kahit na ina nya ito at mahal nya, hindi naman daw sya bulag sa mga maling ginawa nito. Ayaw din daw nyang sumama sa ina at mabuti nalang hindi na sya ini-invite dahil talagan ayaw nyang sumama dito. Nag change topic na sila tungkol kay Isadora at inalala naman ni Louella si Catherine, sana daw ay magparamdam na ito sa kanila.

- Kinabukasan, naiiyak at naaalala parin ni Sofia ang huling sinabi sa kanya nang kanyang ama na sila Vernon at Isadora ang may pakana nang ambush. Naalala din nya ang pagkadiskubre nya nang syringe na may morphine; ang pag-amin ni Isadora na sya ang pumatay kay Rolando; at ang huli ay nang yayain sya ni Isadora na magbakasyon. Naiiyak si Sofia dahil alam nyang wala nang balak bumalik pa ang ina sa Pilipinas, tatakasan na nito ang mga ginawa nya. Nakukunsensya si Sofia at sinabing hindi na nya kaya, kailangan na nyang pigilan ang ina.

- Habang kumakain sila Rafael, Toby at Estelle – nakatulala ito at unti-unting naaalala ang mga pangyayari nung gabing nabaril sya. Kahit malabo sa kanyang isipan ay naalala pa nya ang halakhak ni Isadora; ang pagsuot nito nang gloves at ang pagkuha nang baril; nang nakipag-agawan sya nang baril at tumakbo sya sa may dining room, pero binaril sya sa likod ni Isadora. Napa “Oh my God!” si Estelle at nagulat ang magkapatid, mabilis na nag-attend sa kanilang ina. Nanginginig at naiiyak si Estelle at sinabing naalala na nya ang lahat at alam na nya kung sino ang bumaril sa kanya. Tinanong ni Toby kung si Catherine ba daw, sinabi ni Estelle na hindi – kundi si Isadora. Galit na galit si Rafael.

- Si Sofia naman ay pumunta kina Rafael at kinuwento ang mga nalalaman. Naiiyak at nagsorry si Sofia kina Rafael dahil hindi nya sinabi agad dahil pinagtakpan nya ang ina, pero sumusobra na daw ito. Tinanong ni Rafael kung sigurado na si Sofia na magte-testify laban sa ina. Naiiyak na sinabi ni Sofia na oo, dahil uncontrollable na ito and she must be stopped.

- Si Catherine naman ay nasa bahay nila, nagtatago sa dilim, nakaupo sa couch. Pag pasok ni Sofia nang bahay ay sinabi agad ni Catherine na huwag buksan ang ilaw. Nagulat at niyakap agad ni Sofia si Catherine at sinabing nag-aalala na silang lahat, mabuti daw at safe ito dahil pinaghahanap sya nang mga tao. Sabi naman ni Catherine na nagpunta lang sya doon para magpaalam dahil kailangan nyang magtago. Tinanong ni Sofia kung saan ito pupunta, sabi naman ni Catherine na hindi pa nya alam. Biglang nag-ring ang cellphone ni Sofia at si Isadora ang tumatawag. Sinagot nya ang phone at sinabi ni Isadora na nandoon sya sa Amadesto at doon sila magkita ni Sofia. Huwag na daw itong mag-impake at sa Milan nalang daw sila mamimili nang mga gamit ni Sofia, pinagmamadali ni Isadora na pumunta agad si Sofia doon. Pagbaba nang phone ni Sofia ay tinanong sya ni Catherine kung aalis sila. Sinabi ni Sofia na gusto daw ni Isadora na mangibang-bansa dahil tatakas na ito. Nagtaka naman si Catherine kung bakit tatakas si Isadora, may nanghahabol ba daw sa kanya? Humarap si Sofia kay Catherine at naiyak, pinagtapat nya na si Isadora ang pumatay sa kanilang ama. Naiyak si Catherine.

Teasers:

- Sinabi ni Scarlet kay Miguel na nag-file nang appeal si Catherine para sa kanyang kasong frustrated murder. Magte-testify daw sya. Natuwa naman si Miguel.

- Kausap ni Catherine ang kanyang mga lawyers (2 lady lawyers.) Sinabi nang lawyer na kung hindi nya tutulungan ang kanyang sarili ay makukulong sya nang habang buhay. Naguguluhan si Catherine at hindi alam kung ano ang gagawin.

0 Comments:

Post a Comment




 

Kapamilya Overload | Ang Blog ng mga Kapamilya!